PAST IS PAST.
Usually madalas kayong mag away ng bf/gf mo dahil sa past. Bakit? Kasi isa
sa inyo palaging naguungkat sa inyo ng nakaraan. Kung sakali mang nag away
kayo ng bf/gf mo wag nyo ng ungkatin ang nakaraan. Nakaraan na yun.
Tapos na. Nangyari na kaya wag nyo ng balikan pa.
Iba iba kasi ang issues sa past is past eh. Kung sakali man na nag away kayo
dahil sa ex mo o ex nya wag nyo nang palakihin pa.Wag nyong gawing big deal.
Nakaraan nyo na yun eh. Ang mahalaga yung present nyo, wag nyo hayaan
na dahil sa nakaraan masira yung kasalukuyan nyo.
Kung may pinag awayan man kayo noon at may instances na parang ganon uli
ang pinag awayan nyo ngayon wag nyo ng ungkatin yun. Dont bring back
the past sa ganyang sitwasyon. Hindi makakatulong sa inyo ang pagbabalik
sa nakaraan kasi mas lalo lang yun magpapadagdag ng sama ng loob nyo sa
isa't isa. Kung tapos na yung issues nyo noon then dont bring that issue again.
Minsan kasi sa pagbabalik sa nakaraan madalas nagkakasumbatan. Madalas
ibabalik nyo yung mga past issues na hindi naman na dapat pang pagusapan
at pagawayan. Kaya nga nakaraan na eh, pwede mo syang balikan pero
wag naman sana para ulitin uli yung nangyari sa nakaraan. Balikan mo sya in
a good way and purpose. Yung tipong sa pagbalik mo sa nakaraan may napulot
ka kang aral. Hindi yung gagawin mo yung way para kayo ay mag away.
Hindi maganda sa isang relasyon ang paulit ulit na pagbalik nyo sa kanya kanya
nyong nakaraan. May hindi man kayo magandang pinagdaan ang mahalaga
magkasama pa din kayo at patuloy na nagmamahalan.