RATED SPG:Ang chapter na ito ay bawal sa mga batang mambabasa. Patnubay ng magulang ang kailangan. Maaaring may maseselang tema, lengwahe, sekswal, horror at droga na hindi angkop sa batang tulad mo. Pero dahil makulit ka at curious ka, ay bahala ka na!
Ano ba ang virginity? Kailangan ba kahit magbf/gf pa lang kayo ay magsex na kayo? Meron pa kayang magjowa na parehong virgin pa? Ikaw, virgin ka pa ba?
Ang virginity ay nangangahulugan na hindi pa nakakaranas ng kahit na anong sekswal sa kanyang opposite sex. Sa madaling salita, kung hindi ka pa napapasukan ng sandata ni Adan ay virgin ka pa.
Sabi nga nila, "VIRGINITY IS THE ONLY GIFT THAT WOMAN CAN GIVE TO HIS HUSBAND ON THEIR WEDDING DAY." Pero sa panahon ngayon tila nawawala na ang ganyang konsepto sa ilang mga kabataan. Nawawala na ang essence ng virginity na itinuturing na PURITY ng isang babae. Dahil sa mga mapupusok na kabataan ginagawa na lamang ngayong monthsary gift, anniversary gift at ang nausong kanta na birthday sex. Minsan pa ay valentines gift, christmas gift o kaya naman ay sumasabay sa putukan kapag sasapit ang January 1. Minsan pa nga ay kahit walang okasyon basta nakaramdam na ng kalibugan.
Sa panahon ngayon, masasabi mo bang 100% Love ang dahilan kung bakit matatag ang inyong relasyon? Sa aking pananaw, parang sex na lang ang nagpapatibay sa isang relasyon. Kung magaling ka edi wow! Kung papayag ka na ibigay sa kanya ang pagkababae mo edi mas lalong wow! Pero come to think of it, paano kung hindi kayo? Paano na yung tamang lalaking nakalaan para sayo?
Girls, pakaingatan naman ang inyong mga sarili. Huwag nyong hayaan na kung kani-kaninong ari ng lalaki ang umangkin sa inyong pagkababae. Learn to wait, hindi ka mauubusan ng lalaki. Kung sinabi sayo ng bf mo na kung mahal mo talaga sya ibibigay mo sa kanya ang sarili mo tadyakan mo sa bayag. Oo,tadyakan mo. Gago ba sya? Ano bang sukatan nya ng pagmamahal? Kapag naisagad nya ang ari nya sayo? Yung mga ganyang lalaki pantapon na yan. Kung mahal ka nya irerespeto ka nya. Igagalang ka nya! Kung iwan ka man nya dahil hindi mo binigay ang gusto nya let him go. He doesn't deserve your worth. Wag mong iyakan o wag kang magkaawa sa kanya. Tandaan mo, babae ka! Karapat dapat kang igalang, alagaan at mahalin. Hindi ka isang gamit na kapag pinagsawaan ay hahayaan na lang. Hindi ka pinalaki at inalagaan ng katulad mo para lang magpatrato ng ganon sa ibang tao.
Virgin ka pa ba? Kung hindi na wala akong masasabi. Pero kung hanggang ngayon ay pinagsisisihan mo na naibigay mo to sa maling lalaki itigil mo na yan. Kahit na araw araw ka pang magsisi hinding hindi na nun maibabalik ang virginity mo. Ang gawin mo na lang magingat ka na lang sa susunod na lalaking mamahalin mo. Oo, mag ingat ka! Dahil madaming demonyitong lalaki ngayon na kapag nalaman na hindi ka na virgin kung ituring ka nila akala mo isa kang bayarang babae. And when that situation happen to you, slap him hard. Oo, yung hard. Mas hard pa sa pagkalalaki nya. Wala syang karapatan na bastusin ka unless binigyan mo sya ng dahilan para bastusin ka.
Kung virgin ka pa, edi congrats. Isa ka ng indangered spicies na maituturing. Iilang babae na nga lang ba ang virgin sa mundo? At ikaw, oo ikaw huwag mo ng subukan na makisabay sa uso na halos karamihan naman ay di na virgin. Bigyan mo ng respesto ang sarili mo. Hayaan mo na dumating ang tamang lalaki para sayo.
Girls, always remember this. Kapag makikipagsex ka dapat safe ka. Hindi safe dahil may suot na condom ang jowa mo kundi safe ka dahil alam mong mahal ka nya. Safe ka in a way that you are both wearing the symbol of your love, your wedding ring. Oo, dapat kasal na kayong dalawa. Atleast anuman ang maging bunga ng ginawa nyong dalawa talagang may pananagutan sya.
Ikaw kung papipiliin kita, what is the best gift that you can give or recieve to your husband/wife?
Comment down your answer guys :)
**