Naranasan mo na bang maloko ng jowa mo? Yung tipong pinagpalit ka sa mukhang paa. O kaya naman ay iniwan kang may mukha pa ding maganda.
Hindi ko maintindihan kung bakit may mga taong nagagawang manloko. Yung tipong minamahal na sya, nagmahal pa ng dalawa. Minsan nga mas marami pa sa dalawa. Pogi/maganda ka ba? Kung oo, tarantado ka. Sinong nagsabi sayo na porke maganda o gwapo ka may karapatan ka ng manloko at manggago ng ibang tao.
Naloko ka na ba? Na-timer? Napaasa o napagmukhang tanga? Girls, oo girls. Kasi girls ang madalas na maloko, matimer, mapaasa at magmukhang tanga. Kapag niloko ka na, okay na yung isang beses na niloko ka. Wag mo ng bigyan ng second chance. Kasi niloko ka na papaloko ka uli? Edi sino mukhang tanga? Okay, sabihin na natin na mahal mo pero mahal ka ba? Kung oo, e bakit niloko ka? Di nya sinasadya? Gago ba sya, may nanloloko ba na hindi sinasadya.
Girls, kung niloko ka na hayaan mo na lang. Cry today but smile tomorrow. Move on! Rumampa ka at ipangalandakan na masyado kang maganda para iyakan at panghinayangan ang gagong tulad nya. May taong para sayo. Magthank you ka na lang sa kanya na niloko ka nya atleast naging way pa sya para mahanap mo yung nilaan ni Lord para sayo. Oo, may mga taong nilaan si Lord para satin. Napupunta lang tayo sa maling tao dahil excited tayo masyado.
Why dont you sit back and relax? Just wait for the God's time. In time, kapag ready ka na. Kapag kaya mo na He will allow you to meet the Man He reserve for you. Learn to wait!
Ang sabi nga ni Lola Nidora, ang lahat ng bagay ay mangyayari sa Tamang Panahon!
***
Sino dito ang mga naloko ng ex nila? Natimer at pinagmukhang tanga?
Hahaha taas ang kamay!
(I feel you! XD Naloko din ako :D)