MONTHSARY!
Im sure isa ka din sa mga taong nagcecelbrate ng monthsary. Yung iba pa nga
may weeksary. Pero ano nga ba ang concept ng monthsary? Well, it's just the
way of celebrating of another month that you've been together. Minsan dahil sa
monthsary na yan may nagaaway. Bakit? Paano nakalimutan ng bf/gf mo na
batiin ka. Siguro naman kahit sino magtatampo kapag nakalimutan ng mahal
mo yung special day nyo. But come to think of it, tuwing monthsary nyo lang ba
kailangan nyong magcelebrate? Tuwing dadating ba ang bagong buwan sa inyo
yun lang ba yung araw na magiging special yung araw para sa inyo? Diba dapat
everyday you make your day special. Kahit na hindi nyo monthsary dapat
lagi nyong ginagawang masaya at memorable ang araw nyo. What important
is the memories na nagagawa nyo ng magkasama kayo. What if walang
monthsary? Eh di wala din kayong isecelebrate?
Sa isang relasyon, hindi naman mahalaga kung ilang araw, buwan o taon na
kayong magkasama. Ang mahalaga masaya kayo at mahal na mahal nyo
ang isa't isa. Hindi ko sinasabing walang kwenta ang pagsecelebrate ng
monthsary o anniversary ang pinopoint out ko lang ay dapat kahit simpleng
araw lang gawin mong espesyal. Kasi sa huli hindi naman yung mga espesyal
na araw yung alalahanin nyo lang. Syempre kasama na dun yung moments na
meron kayo. Yung moment na nakecreate nyo everyday na magkasama kayo.
Guys, wag ka ng maghintay ng isa pang buwan na madadagdag sa inyo para
lang magcelebrate kayo ng bf/gf mo. Celebrate your day with your special
someone everyday. E pano kapag wala na pala kayo next month? Hindi mo
masasabi ang pwedeng mangyari kaya dapat wala kang aksayahin na oras.
Hangga't kasama mo sya, hangga't katabi mo pa sya, hangga't hawak mo ang
kamay nya sana maging rason na yun para magkaroon ka ng dahilan para
icelebrate yung araw araw na kayo ay magkasama.