Misunderstanding!

466 3 0
                                    

MISUNDERSTANDING!

Hinding hindi mawawala yan sa isang relationship. Para sa akin dyan nasusukat

kung hanggang saan kayo maggigive and take ng partner mo. Dyan ko sinusukat

kung gaano kahaba ang pasensya at kalawak ang pang unawa mo. Bakit? Kasi

kadalasan yung iba kapag misunderstanding break agad! Hindi ko alam kung ilan

na ang nakitaan ko ng ganyan. But come to think of it, misunderstanding pa lang

yan suko ka na? Eh paano pa kaya kapag pagsubok na? Madalas karamihan

satin pinapalaki pa ang maliit na bagay. Minsan ginagawa pang big deal kaya

yung simpleng hindi pagkakaunawaan nauuwi na sa away. Hanggang sa minsan

nauuwi na sa hiwalayan. Minsan try din nating palawakin ang mga pang unawa

natin. Hindi lang naman ikaw ang umiintindi, tandaan mo iniintindi ka din nya.

Kaya kung maliit na bagay lang yan pagusapan nyo ng maayos at sa mahinahon

na pamamaraan. Hwag na hwag kayong magmamaling hinala kasi dyan

magsisimula ang hindi nyo pagkakaintindihan. Baka imbes na maayos nyo yung

maliit na bagay eh baka lumaki pa. And guys, kung pwede before you say

anything think of it. Think of what might he/she feel kapag sinabi mo yun. Minsan

isa din yun sa mga dahilan kung bakit mas lumala ang hindi nyo pagkakaunawaan.

Hindi natin alam may nasasabi na pala tayo na nakakasakit na sa kanya. Maging

aware tayo sa mga salitang ating binibitawan. Hindi porke yun na yung nasa isip

natin yun na yung sasabihin natin.

Tandaan nyo lagi kapag may misunderstanding kayo idaan nyo sa mahinahon

na usapan :) para hindi kayo magkasakitan at lalong hindi mauwi sa

hiwalayan. Ikaw ba papayag ka na dahil lang sa simpleng misunderstanding

masisira yung relationship na iningatan nyo? And dont make it long. Hwag mo

ng patagalin kung anuman yung issues nyo kasi the more na pinatagal mo yun

mas lalong madagdagan yung issues nyo. And the worst part, it can change

everything to the both of you. Gusto mo ba yun? Kung alam mo na ikaw yung

mali, magsorry ka na. Kung sya man yung mali, magsorry kapa din. Atleast

marerealize nya na kahit mali sya you are willing to say sorry para lang maging

maayos kayo. Doon mas marerealized nya na mali nga sya. 

Let's Talk about LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon