Cure #5: Hacienda Vizares
Malamig ang simoy ng hangin, tahimik at pawang mga dasal na sinasabayan ng mga kuliglig ang tanging maririnig sa burol ng aking ama.
Hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin ang kanyang itsura nang matagpuan namin siya sa taniman ng mga tubo. Duguan at may butas ang kanyang kaliwang dibdib tanda na binaril siya roon.
Dinig ko ang munting palahaw ng aking inang hindi kalayuan sa akin. Nandoon na naman siya, nakabantay sa ama kong taimtim na natutulog sa kanyang kabaong. Pinikit ko ang aking mga mata, ayokong makita ang reyalidad pero sa tuwing pipikit ako ay nakikita ko ang nakangiting mukha ng aking ama.
Kumirot na naman ang aking puso, nanikip ang aking dibdib, nilunok ko ang nakabara sa aking lalamunan. Ayokong umiyak. Hindi ako iiyak.
Nakakaasar lang dahil sa lahat ng paraan na ginawa ko mapigilan lang ang mga luha na 'to, salita niya lang pala ang magpapaiyak sa akin. "Ayos lang na umiyak, Sienna."
Nagsilbing mitsa ang kanyang sinabi, kasabay ng pag-ere ng paputok na gawa sa sakit ay ang pagsabog ng aking puso. Pinakawalan ko ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang tumulo, nagsimula ito sa pagragasa gaya ng ilog.
Hindi ko na kinaya kung kaya't napatakbo ako papalayo sa amin, malayo kung saan kitang-kita ko ang katotohanan. Huminto ako nang makita ko ang puno ng manggang minsan na naming inakyat ng aking ama. Nanikip pa lalo ang aking dibdib, kinakapos na ako ng hininga pero patuloy pa rin ang aking mga luha sa pagkawala.
"Ano ba'ng ginawa ng ama ko sa inyo?!" sigaw ko sabay sipa at suntok sa katawan ng puno. Masakit, pero wala pa ring mas sasakit sa nararamdaman ko ngayon. Nanginig ang aking mga tuhod kaya naman napaupo ako sa panghihina.
"Alam ko na kung ano'ng nangyari kay Sandro."
Napatigil ako nang marinig ko 'yan. Pilit kong pinapatay ang aking hikbi upang hindi makagawa ng ingay. Sinilip ko mula sa likod ng puno ang nagsalita. Napatutop naman ako sa king bibig ng makita ko si Mang Lando kausap ang isa pa magsasaka.
"Ang mga Vizares, gano'n din ang sinapit ng aking Tiyo no'ng nalalapit nang matapos ang termino niya rito sa Hacienda."
"Ang ibig mo bang sabihin ay..."
"Oo."
"Sasabihin mo ba sa kanila?"
"Hindi ko alam..."
"Mass gugustuhin mo ba'ng itago ang lahat? Paano kung tanungin ka nila? Umiyak man sila dahil sa pagsabi mo ng totoo, mas mabuti na iyon kaysa ngumiti sila sa bawat kasinungalingan mo."
"Wala pa tayong matibay na ibidensya."
Napatayo ako, ang sakit na naramdaman ko kanina'y biglang napalitan ng galit at poot. Taas noo kong nilapitan ang mga manggagawang iyon. Kaya naman laking gulat nila nang makita nila ako.
"Tulungan niyo ako..." nanginginig kong paki-usap sa kanila.
***
May inihaing programa ang mga Vizares sa mga mahihirap na gaya namin. "Lupang pinagtrababuhan mo, magpapasa 'yo sa pagsisikap mo." Isang kilalang pamilya sa aming lugar ang mga Vizares, lalo na si Ginoong Lorenzo Vizares na siyang nagmamay-ari ng tanyag na Hacienda sa amin--ang Hacienda Vizares.
Wala kaming pagmamay-ari, tanging mga kagamitan lang sa aming maliit na tahanan ang kayamanan namin. Walang sariling lupa at bahay, walang sapat na pera, tanging s'weldo lang ng aking ama mula sa pangangalakal ang pinangtutustos namin sa pang-araw-araw.
BINABASA MO ANG
SUICIDE OUTBREAK: Round Two
RandomLITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Suicide Outbreak: Round Two