Cure #6: Si Pastor
"Anak, manalig ka. Ililigtas ka Niya."
Isang putok ng baril ang narinig ko, ngunit hindi iyon nakapagpahinto sa aking pagtakbo, bagkus ay nagdagdag pa ito ng lakas sa akin upang mas lalong bilisan ang takbo kahit pa nakayapak lamang ako at hindi alintana ang napakaputik at minsa'y mabatong kaparangan. Malapit na. Kaunting takbo na lang at makakalabas na ako sa teritoryong iyon ng bilibid. Malayo na ang nararating ko ngunit wala akong balak huminto dahil naririnig ko pa rin ang mga yabag ng mga pulis na humahabol sa akin."Anak, hindi ka Niya pababayaan. Tawagin mo lang ang pangalan Niya"
Muling naglaro sa aking isipan ang tinig na iyon ni Pastor Eliazar, isang kriminal na tulad kong nakakakulong sa bakal na rehas, palagi itong may hawak na bibliya saan man pumunta sa loob ng bilibid. Pastor na ang tawag sa kanya dahil sa madalas niyang pangangaral ng mga salita raw ng Diyosa sa mga kriminal na halang ang mga kaluluwa sa loob ng piitan. Natatawa ako dahil ang lakas ng loob niyang mangaral na magbagong buhay at talikuran ang mga masamang gawain gayong siya nga mismo ay nasa loob ng selda. Selda na simbolo ng pagiging makasalanan.
"Tumawag ka sa Kanya, anak. Diringgin ka Niya."
Tangina! Ba't ba paulit-ulit akong ginagambala ng boses ng matandang iyon gayong papalabas na nga ako sa bilibid. Kung sino man Siya, buhayin niya muna nanay ko bago ako muling tumawag sa kanya.
Isa pang putok ng baril ang narinig ko kasabay ng pag-init ng tagiliran ko, pakiwari ko'y umikot ang paningin ko at bumagal ang pagtakbo ko. Napasigaw ako nang maramdaman ko ang pagbagsak ko na lamang sa damuhang iyon. Dilat ang mga mata ko habang walang patid ang ang agos ng luha ko. Narinig ko ang mga kaluskos sa paligid, alam kong paparating na sila. Hanggang sa makita ko na ang isang matabang pulis na basang-basa, agad niya akong tinutukan ng baril na hawak niya.
"G*go ka Armando! Pinagod mo pa kaming animal ka!" hingal na hingal na giit nito.
"P*tangna! Patayin mo na ang hayop na iyan!" gigil na sabi ng matangkad na pulis.
Pilit akong ngumisi dahil sa mga itsura nila, gigil na gigil na silang kalabitin ang gatilyo ngunit hindi nila magawa. Mas masahol pa nga sila sa akin, e. Hayop ang dalawang pulis na ito, hindi bagay ang unipormeng suot nila sa halang nilang kaluluwa. Madalas nila akong pag initan sa selda, uutusang pagdakutin ng mga ebak nilang kasing baho ng bibig nila. Kung hindi ba naman mga hayop ang mga ito.
May isang pulis pang lumapit sa amin, ngunit hindi tulad ng dalawang nauna ay nababakasan ko pa rin ng kahinahunan ang mukha niya. Sa tatlong pulis na humabol sa akin ay ito ang bukod tangi kong iginagalang. Walang bahid ng kagaguhan ang suot niyang uniporme. Hindi ko inaasahang may pulis pa pa lang katulad niya. Napangiwi ako nang biglang kumirot ang aking tagiliran, natamaan ako ngunit pakiramdam ko'y doon lang ako nakapagpahinga.
"Hindi ka na dapat tumakas pa. Alam mo bang makakalaya ka na." mahinahon nitong sabi.
Pakiramdam ko'y pinagsakluban ako ng langit at lupa dahil sa aking narinig. Tangina!
"Itayo niyo na siya at ibalik sa kulungan." Utos nito sa dalawang hayop na pulis.
Wala na akong nagawa nang bitbitin nila ako pabalik sa bilibid. Akala ko katapusan ko na pero hindi pa pala dahil mas matindi pa ang kahihinatnan ko.
Matapos magamot ay ibinalk agad ako sa aking selda kasama muli ang apat pang mga criminal na may mga kasong panggagahasa, pagpaslang, at pagnanakaw. Isang suntok sa sikmura ang natanggap ko pagka pasok na pagkapasok ko pa lamang sa loob ng selda. Isang suntok pa muli sa mukha ang nakapagpamilipit na sa akin sa sakit. Napaupo ako sa sulok at ininda ang pagsuntok ni Joven, ang naghahari-harian sa loob ng selda.
BINABASA MO ANG
SUICIDE OUTBREAK: Round Two
RandomLITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Suicide Outbreak: Round Two