Cure #3: Reset
Napakagat ako sa aking ibabang labi nang marinig ko ang boses ng aking walong taong gulang na anak sa kabilang linya. "Mommy,"
"Mamaya ka na tumawag, Lily. Busy si mommy!" Pagkatapos ko iyong sabihin ay nanggigigil na pinindot ko ang end call button sa telepono.
I'm already waiting for the verdict on my case for my client, Miss Roberto. She was accused for attempted murder, the defendant worked as the assistant to the victim. But she was not just an assistant though, she's also his mistress.
Tumabi sa'kin ang aking kliyente habang inaantay namin na lumabas muli ang jury, napabuntong hininga siya bago magtanong, "Mananalo ba tayo? Makukulong ba ako? Paano kung may makita silang mali?"
Ngumiti ako ng bahagya bago siya sinagot. "Hinawakan ko ang kaso mo, kasi alam kong kaya kong ipanalo ito. Lahat ng sinabi ko sa korte ay pinag-isipan kong maigi. Ang aking katuwiran ay aking pinanghahawakan at hindi ko bibitawan. Kasi alam kong hindi ako aalipustahin ng aking puso habang ako'y buhay. Magtiwala ka lang sa'kin, katulad no'ng unang araw na pinili mo ako para maging abogado mo."
Napatango naman siya at binigyan ako nang matamis na ngiti bago nagsalita. "May tiwala ako sa'yo. Alam kong kaya mong ipanalo ang lahat ng kaso, kahit pa kailangan mong baliin ang katotohanan."
Tumaas ang isa kong kilay sa huli niyang sinabi. Sinungaling. Iyan ang tingin niya sa'kin, pero aminado ako roon. Hangga't malaki ang bayad, kaya kong ipanalo lahat.
"Case number P***** we, the jury, find the defendant, Dianne Roberto, not guilty." Nagbunyi ang lahat sa inanunsyo ng korte. Ngumisi lang ako at nagpatuloy na lumabas ng courthouse. I won, again.
Kumunot agad ang noo ko habang pinipindot ang switch ng ilaw sa bahay. "Lily!"
Tinawag ko agad ang aking anak dahil nakabukas na ang pinto nang dumating ako. Mas nakakapagtaka pang nakapatay ang ilaw.
Walang sumagot sa'kin kaya nagtungo ako sa kwarto ng bata. "Lil-"
Napatigil ako dahil wala ring tao roon. Asan na ba siya? Naglakad lakad pa ako, pumasok ako sa silid ko pero wala ring tao. "Lily! Yaya!"
Sobrang lakas na ng pagkakatawag ko, pero wala pa ring sumasagot. Bumangon na ang kaba sa aking dibdib.
"Lily!" Patakbo ko nang pinuntahan ang iba pang silid at laking gulat kong nang makita kong nakahandusay sa sahig ang katulog sa maid's quarters.
Nanginginig akong tumawag ng tulong. Agad namang dumating ang mga pulis.
Pagkatapos siyang suriin ng doctor ay napag-alaman naming nahimatay lamang siya. Nagbigay na rin siya ng statement tungkol sa kidnapper, pero 'di pa rin ito sapat para matukoy ang salarin.
Makalipas ng ilang sandali ay napabaling ang lahat sa telepono sa sala nang tumunog ito. Nilapitan ako agad ng isang pulis at pinagsabihan.
"Pahabain ninyo po ang usapan, Mam. Para matrace natin ang lokasyon ng tumatawag. 'Wag ninyong hayaan siyang magalit." Napa-irap ako sa sinabi ng lalaki.
"I knew what to do." Bumuntong hininga ako pagkatapos kong sabihin 'yon at inilagay na sa aking tenga ang telepono. "Hello."
'Di nagpaligoy-ligoy pa ang kausap ko at sinabi agad ang kanyang pakay. "Maghanda ka ng limang milyon bukas ng umaga, eksaktong alas dyes."
"Teka lang, paano ko naman malalaman na nasa'yo ang anak ko? Let me hear her voice!"Tumaas agad ang boses ko dahil sa hiningi niya. Limang million? Anong tingin niya sa akin, bangko?
BINABASA MO ANG
SUICIDE OUTBREAK: Round Two
AcakLITERARY OUTBREAK: SURVIVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 1) Suicide Outbreak: Round Two