Chapter 20 -Unfriended

350 18 0
                                        

ALEXIS's POV

Grabe hindi talaga ako makapaniwala. Gusto ni Janna na wag akong mafall kay Mark at hindi ko siya mapaFall.. P-pero paano na yan ? Nililigawan ako ni Mark. Paano ko masasabi kay Mark ang lahat ?

Bumalik na ako ng classroom at umupo katabi ni Mark.

Si Mark parang ang Cold. Blanko ang mukha niya Halos di niya ako kinakausap. E ang daldal daldal kaya netong mokong na ito !

H-hindi kaya narinig niya ang pinag usapan n-namin ?

Dumating na ang prof. Namin at nagsimula na ang First subject

--

Recess

Hinanap ko kaagad si Janna nang madatnan ko siya sa Garden, mukhang malalim ang iniisip, pero sumilip ako ng konti, k-kausap niya si Mark ?

Di ko napigilang hindi makinig sa usapan nila kaya't nakinig nalang ako sa likod ng puno.

" Bakit ba nagbalik ka nanaman ?! " sabi ni Mark

" I know labag ito sa kalooban mo, at alam kong nasasaktan ka nanaman tuwing nakikita mo ko dahil sa nangyari saatin dati.. " sabi ni Janna

" Alam mo naman pala e. E bat bumalik ka pa ?! Maayos na ang buhay ko dito! At pinakiusapan mo pa talaga si Alexis na wag akong mainlove sakanya ?! Anong klase ka ha ?! " sabi ni Mark

" Mahal parin kita Mark.. Sana bigyan mo ako ng Second chance ." sabi ni Janna

" Second chance ?! Wala namang naging tayo ah ! Wag kang umarte na parang naging tayo ! Isa ka lang rin sa naging fan ko.! " sabi ni Mark at umalis na. Nakita niya ako ngunit nilagpasan lang niya ako.

Nilapitan ko si Janna na umiiyak.

" Janna.. " sabi ko sakanya

" Simula ngayon wag mo na akong tratuhing kaibigan ! " sigaw saakin ni Janna.

Anong nangyari kay Janna ?

Hinabol ko siya hanggang sa nasa canteen na kame

" Anong sinasabi mo Janna ? D-di kita maintindihan. " sabi ko sakanya

" Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ko makausap lagi si Mark! Ikaw din ang dahilan kung bakit hindi ako magustuhan ni Mark! Malandi ka kase! Lahat nalang kinikuha mo ! Youre such a Bitch! " sabi ni Janna at tuluyan nang umalis.

Tumulo nalang ang luha ko dahil sa masasakit na sinabi ni Janna. Hindi ko na talaga siya maintindihan.

Nagbago siya dahil sa Isang lalaki.. Nagbago siya saakin dahil kay Mark..












SHORT UPDATE !

// Queen BITCH. \\

Queen BITCH.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon