Chapter 24 - Wala sa sarili

345 10 1
                                    

Alexis's POV

"Alexis, saan mo gusto kumain?" Tanong ni yuri habang nagmamaneho siya.

"Kahit saan." Sagot ko habang nakatingin sa Malayo. Naguguluhan talaga ako. Bat ko nga ba to kasama si Yuri?

"Yuri, bat kita kasama ngayon? Di pa naman tayo ah." Sabi ko habang nakatingin parin sa malayo.

"H-ha? Haha! Hindi mo ba natatandaan na sinagot mo ako kahapon sa school? Sa canteen?" Sagot nya.

"Sinagot kita?!" Sigaw ko. Nabigla kase ako sa sinabe nya totoo ba ito?!

"Alexis. Alam mo Gutom lang yan." Sabi ni Yuri.

"Hindi ako gutom! Hindi kita sinagot! Ano ba?!" galit na galit na ko dito. Ako ba niloloko neto?! Wala naman akong matandaan na sinagot ko siya eh.

"A-alexis kung nagbibiro ka hindi nakakatuwa." Naging seryoso na siya ngayon.

"Hindi nga ako nagjibiro eh! Hi--" Naputol ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako. Walanghiyang Yuri to ah. Nagpupumiglas ako pero ginagalaw niya yung lips niya kaya hindi ko napigilan na gumalaw din. Gusto ko nang ihinto pero ayaw niya akong bitawan, kaya wala akong nagawa kundi sumunod nalang sakanya. Habang hinahalikan niya ako biglang naisip ko si Mark kaya nasuntok ko siya sa tiyan, at naka-kalas na ko sakanya. Pagka-kalas ko pinunasan ko yung bibig ko at nagsalita.

"Kung akala mo sinagot na kita kahapon. Nagkakamali ka. Nabigla lang ako kahapon. Namental block. Kaya hindi tayo! at wala kang karapatan para halikan ako!" Sigaw ko

"I-I'm sorry Alexis." Sabi niya at bumaba na ako ng kotse niya.

Nasan ka na ba Mark?!

Queen BITCH.  {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon