CHAPTER 02

5K 44 0
                                    

Valdez Mansion

Pinuntahan ko na yung address na binigay ni Jayden.
Ang laki ng bahay niya modern mansion, ang ganda.
Kinakabahan pa rin ako na may halong takot dahil hindi ko alam anong klase 'tong tinanggap ko.

Nung nakita ako ng guard sa gate, lumabas siya at lumapit siya sa'kin.
"Dito po ba nakatira si Jayden Valdez?" tanong ko.

"Ahh oo, pasok po kayo Ma'am"
Pinasunod ako ng guard, pumunta kami sa living room... ang ganda ng bahay na 'to napaka-lawak.
Bawa't gamit dito halatang mamahalin talaga.

"Maupo nalang muna kayo diyan Ma'am."

"Sige, thank you."

Umalis na yung guard.
Tumitingin tingin ako sa paligid, may nakita akong picture ni Jayden may kasama siyang magandang babae at lalaki sa picture.
Mukhang kapiling niya yung babae, ang sweet nila tignan sa picture kahit may isang lalaki silang kasama.

"Finally you're here."
Lumingon agad ako sa'kanya.

"Kakarating ko lang."

Umupo siya sa isang sofa sa harap ko.
"Starting now on, dito ka na titira sa bahay ko hangga't mag-asawa tayo."

"Dito ako titira?! Wala naman sa usapan yun! Sobra na ata 'to!"
Hindi ako sanay ng may kalive-in na lalaki na hindi ko naman kaano ano.
Kahit maliit yung apartment ko syempre mas komportable ako don.
Hindi ko alam ano pumasok sa isipan nitong lalaki na 'to kung bakit niya ginagawa 'to.

"Can you just speak calmly don't shout, mamaya marinig ka pa ng mga tao dito."

"You're my wife, kaya kailangan." hirit niya pa.

"Pero--" naputol pagsasalita ko ng biglang nagsalita siya.
"You signed the contract, so you have to do this as my wife."
Hindi ako makapaniwala na ganitong klase pala pinasok ko.
Sinunod ko nalang siya total malaki utang na loob ko sa'kanya tinulungan niya 'ko.

"Hindi mo na rin kailangan asikasuhin yung sa pagpa-surgery sa Mom mo, diniretso ko ng ipa-surgery Mommy mo... may breast cancer siya right?"
Nung marinig ko yun para akong maluluha sa saya.
Kahit hindi ko pa sinasabi sa'kanya kung ano ang sakit ni Mommy alam niya na agad.
So pinasurgery niya na talaga si Mommy.
Halos mabaliw na 'ko sa kakahanap ng paraan para magkapera at mapagamot si Mommy.
Finally ngayon gagaling na siya, para akong sasabog sa saya.

"Thank you..." dahan dahan kong pagpapasalamat.

"Jeez, don't cry.. i don't like seeing girls crying."

"Sorry, tears of joy lang." pinunasan ko luha ko.
Hindi ko namalayang naluha na pala ako sa tuwa.
Sobrang daming hirap kasi dinaanan ko para lang mapagamot si mommy.

May inabot siya sa'kin na pera.
"I know you need this, para na rin sa bills sa hospital at sa mga gamot ng Mom mo.. take it."

"Thank you talaga." pagpapasalamat ko uli.
Napakalaking bagay kasi nito para sa'kin kaya super thankful ako.

"Offer ko lang rin yan sa'yo, para mag-sign ka sa contract." sabi niya ng seryoso.

"Kahit na, malaking tulong pa rin 'to sa buong buhay ko. Sobrang salamat."

Tinawagan ko agad si Tita Jane para kamustahin ang lagay ni mommy.
"Tita? Kamusta na po ang mommy?"

"Sawakas nakaraos din, naoperahan na rin ang mommy mo. Nasa recovery room pa rin siya, kailangan niya pa magpahinga." sagot ni Tita Jane, para rin siyang naiiyak sa tuwa.

"Teka saan ka nga pala nakakuha ng pera? Malaking halaga yun paano mo nagawan ng paraan?" Hirit niya.

"Mahabang istorya po, eexplain ko nalang po sainyo pag-punta ko diyan Tita. Sa ngayon may kailangan muna ako asikasuhin." sabi ko.

. . .

"Take this."
Biglang may binigay nanaman siya sa'kin.
Credit card?
Para saan naman 'to?
Nabigyan niya na 'ko ng pera sapat na yun.

"Hindi ko na kailangan yan, nakakahiya na sa'yo sobra."

"Idiot, I-bili mo yan ng mga damit mo, ayoko ng nagsusuot ka ng ganyan... such a trashy outfit." Tinignan niya itsura ko from head to toe.
Wow thanks sa pang-iinsulto. Hindi ko alam ano i-rereact ko sa sinabi niya. Ano ba gusto niyang suotin ko? Kalalaking tao nito ang arte.

"Ayos lang naman 'tong suot ko ah."

"T-shirt? Pants? Flat shoes?! Such a trashy outfit. Hindi ka mukhang asawa ko. Later papasamahan kita kay Yaya Bonnie sa mall, alam niya mga dapat mong suotin as my wife."
Hindi naman kasi ako kasing yaman niya, pero sabagay may point naman talaga siya pag magkasama kami mukha lang akong katulong niya.

"Oo na, sige."

Biglang may dumating...
"Bonnie, pakisamahan siya sa Mall." sabi ni Jayden.

"Ay Sir siya po ba yung asawa niyo?"
Nginitian ko siya, mukhang nasa 30s na siya.

"Hello po."
Pagbati ko.

"Ang ganda niyo po Ma'am kahit simple lang at walang makeup, kaya ka siguro nagustuhan ni Sir Jay."
Ay grabe naman mangbola hehe. Nginitian ko siya.

"I have to go now, may urgent meeting ako. Ikaw na bahala sa'kanya Bonnie." sabi ni Jayden.
Tumayo na siya para umalis na.
Pagkabukas ni Jay ng pinto nagsalita si Yaya Bonnie.
"Wala man lang goodbye kiss?"
Nagulat ako sa sinabi niya. Para pa siyang nakangiti na pang-asar.
Kailangan ba talaga may ganon? Seryoso?
Bumilis heartbeat ko habang palapit si Jay sa'kin.

"Bye Hon." kiniss niya 'ko sa lips.

"Sweet naman!" sabi ni Yaya Bonnie

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sweet naman!" sabi ni Yaya Bonnie.

!!

Sa lips pa talaga?! Puwede naman sa cheeks.
Sa gulat ko sa ginawa niya medyo napa-ilag ako ng onti. Hindi ko makontrol sarili ko sa nangyari.
Dahil sa reaksyon ko biglang kumunot noo niya habang nakaclose up sa'kin mukha niya.
Ang gwapo niya pala lalo pag naka-close up.

"Bonnie ipahanda mo na rin yung isang kotse sa driver pang mall niyo." Pagpapaalam niya.

"Okay po Sir."

At the moment sa MALL

Habang iniikot namin yung mall madami kami napag usapan ni Yaya.
Since bata pa daw si Jayden don na siya nagtatrabaho.
Napalapit agad loob ko kay Yaya Bonnie.
Marami rami na rin kami nabili ni Yaya, actually nilibre ko pa siya mga damit kahit ako lang talaga pinapabilan ni Jayden.

Sabi pala ni Jayden kay Yaya Bonnie wag daw kami uuwi hangga't 'di mauubos yung 50k na binigay niya pangbili ng damit ko.

Grabe, pang-mall 50k samantala pag mag-shshopping ako dati sa mall ang kaya ko lang gastusin 3k pababa.

Iba't ibang susyalin na brands nabili naming damit, shoes, bags, accessories.
adidas, pandora, H&M, Guess?, Calvin Klein etc.

Sa totoo lang 'di ako sanay magsuot ng mga mamahaling bagay feel ko mahoholdap ako pag nasa labas ako haha.

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon