CHAPTER 11

1.3K 17 1
                                    

Tinulungan ako ni Anne makahanap ng trabaho, pinasok niya ako sa company kung saan rin siya nagttrabaho.

This day dami naming inasikaso, done na rin ako sa job interview at gumawa pa ulit ako ng panibagong resume ko ang sarap sa feeling ng may bagong ganap sa buhay ko.

Well congrats to me!
P.A ang new job ko 'Personal Assistant'

Satisfied na ako sa new job ko, i'm so excited para bukas sa first day ng work ko.

Workaholic rin kasi ako ayoko ng walang ganap sa buhay ko feel ko nag sasayang ako ng oras.

"Next time wag ka magsasarili ha, sabihin mo lang pag kailangan mo ng tulong, andito kami lagi para sa'yo Sis." Sobrang thankful ako tinulungan ako ni Anne.

"Thank you so much Sis ha naappreciate ko sobra." pagpapasalamat ko.

10:31 P.M

Hindi na muna ako umuwi sa mansion nila Jay, ayoko muna.
Kaya umuwi muna ko samin kina Mommy.

Naiinis pa rin ako sa nangyari nung nakaraan ang bigat sa loob na biglang ganon siya magsalita.

"Ano ba nangyari ba't naisipan mo dito matulog nak?" Tanong ni Mommy.

"May problema ba Aki? Nag away ba kayo ng asawa mo?" Tanong ni Tita Jane.

"Ate sabihin mo lang kung ano ginawa sayo talagang reresbakan ko yan." Sabat ni Ash.

Puro sila tanong while ako tahimik pa rin hindi ko alam sasabihin ko.

Nakakatuwa lang na concern sila at alam na talaga nila pag may tinatago akong sama ng loob.

"Wala naman, masama ba kung dito ako matulog? Hindi niyo ba ako namiss hehe." sagot ko.
Si Tita Jane at Mommy nagtinginan sa isa't isa.

"Kilala kita nak pag nagsisinungaling ka nalaki butas ng ilong mo, ano nga nangyari?"
Haha, ganon ako pag nagsisinungaling minsan nalaki butas ng ilong ko pag naalala ko yung sama ng loob ko.
Para kasing may nakabara na hangin sa chest and lalamunan ko pag masama loob ko.

Biglang may nagdoorbell sa labas ng house namin.

"Ako na." Si Tita Jane magcheck kung sino yun.

. . .

"Aki, may naghahanap sayo."

Si Jay ata yun.
Nagbuntong hininga ako bago lumabas.

Pagkalabas ko...
Driver lang pala ni Jay yung naghahanap sa'kin.
Akala ko si Jay, nag assume naman ako masyado. Assumera.

"Ma'am pinapahanap at sundo po kayo sa'kin ni Sir Jayden."
Sundo?
Hindi ko alam ano mararamdaman ko.

"Uhmm, pasensya na pero dito muna ako matutulog pakisabi nalang salamat."

Nag nod nalang yung driver ni Jay at umalis na.

Pagpasok ko ng bahay, knwento ko na kina Mommy na may hindi lang kami napagkaintindihan ni Jay.

Hindi ko sinabi na tinasaan ako ng boses ni Jay dahil lang sa gusto ko maghanap ng trabaho.

Panigurado magagalit sila Mommy kay Jay pag nalaman nila yun.

Ayoko na lalo pang gumulo lahat.
Mas okay na yung isarili ko muna.

1 hour ago...

May nag doorbell nanaman, sino naman yun?

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon