CHAPTER 07

1.8K 17 0
                                    

. . .

Just woke up.
This past few days hanggang ngayon laging busy si Jay.
Bihira na lang siya nasa mansion, uuwi lang pag matutulog na.
May problema ata siya sa business niya or else.

Oh baka naman ganito talaga siya, businessman siya hindi lang yung lounge inaasikaso niya.
May ibang businesses pa siya.
"Ma'am Aki, ready na po ang breakfast niyo sa baba." sabi ni Yaya Maria.

"Oh, thank you sige susunod ako."
Buhay prinsesa ako dito, kahit sinasabihan ko ang maids na wag na 'ko pagsilbihan ginagawa pa rin nila.

Nagprepare lang ako at nag halfbath bago bumaba at kumain ng breakfast.

'Di ko pa rin akalain na ganito na buhay ko ngayon donyang donya ang buhay.
Somehow ang sarap mamuhay ng ganito, wala na'kong problema.

Bumaba na'ko sa first floor.
May nakahandang food sa dining table.
Chicken Cordon Bleu, Ham and Swiss Omelet and Wheat Bread Sandwich Avocado.

The best magluto 'to si Yaya Maria!
By the way, favorite ko ang Avocado and Cordon Bleu.

Nakakakain lang ako ng Cordon Bleu sa mga handaan dati, while now breakfast ko nalang 'to haha.
"My favorite!"

Yung ibang maids may nililinis sa kitchen.
At si Yaya Bonnie at Maria nakatayo lang sa gilid habang kakain na ako.

Nag iintay lang sila if may uutos ako.
Sa araw araw na paninirahan ko dito, nababasa ko na mga galaw ng maids.
"Yaya kain, sabayan niyo ko dito." Pag-alok ko sakanila.

"Ay Ma'am sige lang po, kumain na rin po kami kanina." sagot ni Yaya Bonnie.

"No it's okay, gusto ko lang rin ng may kasabay tsaka gusto ko pa kayo makausap at makilala."
Lahat ng maids pinasabay ko na, sabay sabay kaming kumain.
Kahit nakakain na sila, kumain nalang sila ng mga quick meals like cereals, pancake, yogurt.
3 lahat ng maids ni Jay.
Si Yaya Bonnie, Maria and Esther.

Si Yaya Bonnie at Maria lang close ko.
Na-enjoy ako kausap sila.
Yung isa sa probinsya pa nakatira, yung isa naman mayaman naman pala pero maid ang trip niyang trabaho haha kakaiba.
Kanya kanyang decision sa buhay yan.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap namin may pumasok na lalaki.

Habang nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap namin may pumasok na lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matangkad, maputi, chinito.

Sino siya?

"Sir Liam magandang araw po!" Pagbati ng maids.

"Goodmorning! Slacking? Get back to work now, all of you."
Liam? Wow, another suplado.
Naiirita ako sa asta nitong lalaki na 'to.
Lahat ng maids bumalik na sa trabaho nila.

"Ma'am siya po yung kapatid ni Sir Jay." Bulong sa'kin ni Yaya Bonnie bago siya umalis.

May kapatid pa pala si Jay, no wonder parehas silang suplado.. walang modo nga lang 'tong kapatid ni Jay.

"Bakit mo ginawa yun? Karapatan rin nilang magpahinga at kumain."
mahinahon kong sabi.

Lumingon siya sa'kin at papalapit.
"Hahaha, totoo pala yung nabalitaan ko hmm... now i know bakit ka agad ginawang asawa ni Jayden."

"What do you mean?" tanong ko.

"A girl like you."
Nginitian niya 'ko ng malalim.
Tinaasan ko siya ng kilay.
Umupo siya sa upuan harap ko sa table.
"You don't have to waste your time with him. He's literally a dick."

Bakit ba siya ganito magsalita sa'kin?
Sa salita niya pa lang obviously na hindi sila okay ni Jay.
Magkapatid sila pero bakit ganito?
"Ano bang pinaparating mo?" tanong ko.

"Swerte sa'yo ng kapatid ko. You're beautiful and... kind right?"
Tumayo ako para umalis at pumunta sa kwarto.
Ayaw ko mag-aksaya ng oras sa'kanya. Basta ayoko lang.
Wala akong ka-interest interest kausap 'tong lalaki na 'to.
Alam ko na mga galawan ng ganyan.
Nag walkout ako.

Bigla niyang hinawakan braso ko, hinatak niya ako papalapit sa'kanya.
"You don't even know his intentions and what he's doing behind us." nilapit niya mukha niya sa'kin at binulungan niya ako.

Bigla akong nagtaka sa sinabi niya, lalo na tungkol sa marriage namin ni Jay na thru contract lang.
Napaisip ako, ano ba talagang 'tong pinasok ko?
Since ayaw ni Jay sabihin ang rason niya kung bakit niya 'ko ginawang asawa, lalo akong naging curious.
Tinignan ko lang siya habang wala pa rin akong mabitawang salita.

"Liam, what the fuck are you doing here?"
Si Jayden.

"Oh hi bro, how ya doin'? i'm just here to visit you. Masama ba yon?" ngumiti siya widely.

"You should leave."

"Why should i? Sa'yo ba 'tong bahay? Kay Mom and Dad 'to diba? Bahay ko rin 'to." sabi ni Liam.

"Nasa states si Dad kaya i'm the one who's in charge here." sagot ni Jay.

"Yeah aight i know. But still hindi mo 'to bahay so what's your point?"

Nagkatitigan lang silang dalawa, si Jay nakatingin pa rin ng masama kay Liam.

Hindi ko gusto ang mga nangyayari ngayon, ang dami kong tanong sa sarili ko at sa mga nangyayari.

"I must go hahaha, kinakabahan ata yang asawa mo pag andito ako." sabi sa'kin ni Liam.
Lumapit ulit siya sa'kin.
"Just contact me, i'll help you." bulong niya.
May inabot siya sa'kin na maliit na paper with his contact number written on it.
Pa-sikreto niyang inabot sa'kin yun habang papaalis siya.
Hindi nakita ni Jay na inabutan ako ni Liam ng paper.

Pagkaalis ni Liam, lumingon ako kay Jayden naka-crossed arms siya while nakatingin sa'kin ng masama.

"Whatever it is na napag-usapan niyo, don't believe him. That's all. No explanation." nag walkout siya after.
Nagnod lang ako, kahit marami pa rin akong mga tanong sa lahat ng pangyayari.
Wala naman akong choice, pag pilit kong alamin magagalit lang si Jay.
Wala rin naman akong karapatan mangielam o alamin yun, panggap panggapang asawa lang naman ako.

Narealize ko rin hindi na dapat ako magtaka sa bawa't bagay.
Sa dulo't dulo naman pag tapos na deal wala na rin lahat, iiwan ko na sila.

"Dave is calling you..."

"Hello Dave kamusta?"

"Tuloy ka, Halika na pare wag kang mahiyang pumasok, pansensya na sa bahay ko medyo madumi at nakakasulasok-"
Ayan nanaman siya sa pakanta kanta niya siraulo talaga.
Yung tono ng boses niya nakakatawa.

"Gago talaga hahaha, hanggang ngayon ba naman Dave ganyan pa rin style ng joke mo nung HS pa yan!"

"Hahaha!" tawa niyang pangbudoy.

"Nasaan ka nga pala ngayon Aki? Kasama ko sila Anne at Jerome."

"Sa mansion, bakit ano meron?" tanong ko.

"Dating gawi, hangout lang and foodtrip, game? Dadaanan ka namin diyan bigay mo lang address."

"Game!"

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon