CHAPTER 25

967 13 4
                                    

Pilit niyang abutin yung files na naka envelope na binigay ng Tita niya kanina.
Inabot ko ito sa'kanya dahil hindi siya makagalaw ng ayos.
"Pinapabigay nga pala yan ng Tita mo Liam." sabi ko.

"Yes i know, pinatago ko sa'kanya 'to." mahinahon niyang sagot.

"Huh? Pinatago?"
Nagtaka ako sa sinabi niyang yun.
Hindi ko alam ano laman ng envelope at anong files ang meron don.

Nanatili lang siyang tahimik habang binubuksan yung envelope.
Nakatingin lang ako sa'kanya at hinihintay ko siya magsalita.

Napatigil siya na ilabas yung files at tumingin siya sa'kin ng dahan dahan.
"Alalang alala ako sa'yo Aki nung malaman kong hindi okay ang lagay mo, i was so scared and worried na baka ano na ang nangyari sa'yo."
Hinawakan niya ang isa kong kamay at binigyan niya ako ng malambot na tingin.

"Then i found out na si Jayden pa ang gumawa sa'yo ng ganon. Siya rin pala ang nagpabugbog sa'kin. Tandang tanda ko ang boses ng isa niyang tauhan na isa sa nanakit sa'kin. I don't know what i'm supposed to feel... anger, sadness or fear. I don't know."
Sabay inabot niya sa'kin yung mga files.
Hinayaan niya lang akong basahin ito.

. . .

Medical Result Paper?
Habang binabasa ko yung files nagtataka pa rin ako.
Hanggang sa may bigla akong nabasa... nagulat ako at hindi ko alam dapat kong maramdaman.

Hindi pala ito medical result kundi mental health result.

'Jayden Byron Valdez diagnosed with Bipolar Disorder'

Bipolar disorder (formerly called manic-depressive illness or manic depression) is a mental disorder that causes unusual shifts in mood, energy, activity levels, concentration, and the ability to carry out day-to-day tasks.
Bipolar disorder causes extreme mood swings that include emotional highs (mania or hypomania) and lows (depression).
Abuse, mental stress, a "significant loss," or some other traumatic event may contribute to or trigger bipolar disorder.

Si Jay? May bipolar disorder?
Parang bigla nalang nanglamig buong katawan ko at biglang sumagi sa isipan ko ang lahat lahat ng mga naging sitwasyon ko kay Jay simula noon.

Yung pagkidnap niya sa'kin,
Yung ang hirap niya intindihin at bigla niyang pagkagalit,
Yung pag utos niya na saktan si Liam,
Yung pagbaboy sa pagkababae ko... ito ba ang lahat ng yon?

Kaya pala parang hindi makatao ang pagtrato niya sa'kin minsan, ito ang dahilan.

Ang pinagtataka ko ay yung huling usap namin ni Jay.

He was so brave and in control sa mga sinabi niya sa'kin.
He let me go kahit alam kong ayaw na ayaw niya mangyari yun.

"Nahanap ko yang files na yan sa room ni Jayden while i was at mansion few days ago." sabi ni Liam.

"Kailangan niya ng tulong natin Liam. Hindi siya okay. Hindi niya macontrol sarili niya." sabi ko.

"Liam?"
Nakatuwid lang ang tingin niya na parang walang naririnig sa mga sinasabi ko.
Tumingin siya sa'kin nang naka-kunot noo niya sabay umiwas uli ng tingin.

Bakit parang hindi siya interesado sa mga sinabi ko? Sa pagtulong kay Jay?
"Liam? Naiintindihan ko naman kung ayaw mo, alam ko gano kahirap ang pinagdaanan mo kay Jay at sa Daddy mo."

"I'm sorry Aki, but this is not the time for that. Ayoko nang may mangyari pa sa'yo ulit na hindi maganda. Nakakabaliw na. Alam kong hindi niya naman papabayaan sarili niya."

"And yes you're right hindi niya macontrol sarili niya minsan, but let's just accept the fact also na yung iba sadyang ugali niya na yon okay? What he did to us was so inhumane Aki."

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon