CHAPTER 08

1.7K 12 3
                                    

Sky Deck View Bar

Andito kami sa rooftop ng building ng bar, ganda ng view dito sobrang nakakachill while kitang kita yung mga city.

"Dami naman nito! Dave sinaniban ka ba? Ngayon ka nalang ulit kasi nanglibre." sabi ni Anne habang kumukuha siya ng malalamon.

"Syempre, bawi ko yan sainyo."

"Namiss namin kayo, tagal ba naman natin hindi nagkasama sama ulit." sabat ni Jerome.
Bahala muna sila diyan magchismisan basta eto ako kain lang ng kain hahaha.

"Ikaw Aki ano na nangyari sa'yo? May asawa kana pala ba't wala kaming alam?" tanong ni Anne.

"Oo nga, tapos hindi mo man lang kami ininvite nakakatampo ka." sabat ni Jerome.

Hirap maging tahimik ikaw tatargetin hehe.
Si Dave naman tahimik lang na nakikinig, alam niya na kasi yung sitwasyon ko.

"Guys, long story biglaan rin kasi lahat ng pangyayari. Tsaka kumbaga secret lang yung marriage namin wala nang event chuchu or sa simbahan."
sagot ko.

"Nakakaloka ka talagang babae ka, basta kung saan ka masaya support kami sa'yo."
sabi ni Jerome.

"Hindi man lang kami nakapunta sa kasal mo hmmp." tampo ni Anne.
Biglang nag vibrate phone ko, may natawag.

"Jay is calling you..."

"Wait lang ha, sagutin ko lang." tumayo ako at lumayo onti sakanila.

"Where the hell are you?"

"Uhh, nasa sky deck view bar with highschool classmates ko bakit?"

"Bakit hindi ka nagpapaalam?"
Lol, may pake pala siya? Haha.

"Wow ha kailan kapa naging concern hahaha!" pabiro kong sabi.

"Jeez Aki, i just wanted to know is there anything wrong with that?"
galit nanaman siya.

"Wag mo nga akong inglesin Jay, ano bang meron bakit mo ako hinahanap?"

"Nothing, pinatanong lang kita kay Yaya Bonnie and she said na wala ka daw sa mansion 'di ka rin nagsabi sakanila na aalis ka."

"Akala namin kung ano na nangyari sayo." hirit niya pa.
Ohh.. nalimutan ko nga pala magsabi kina Yaya.
Bigla kasi akong pinick up nila Dave sa mansion.
Nakakatuwa lang, concern sila sa'kin.
Pero normal lang yun, asawa ako ni Jay sa papel malamang.

"Sorry hehe, nalimutan ko rin kasi sasusunod magsasabi ako okeh?"

"K, bye may aasikasuhin pa ako dito." pagpapaalam niya.

Call ended...

Bumalik na'ko sa table namin nila Dave.
"Iba na talaga pag may asawa na no"sabi ni Dave.
Napangiti lang ako habang paupo.
Pansin ko na nagtitinginan sila sa isa't isa na para bang may tinatago.

"Aki, nag *toot* na ba kayo?" tanong ni Anne.
Huh? Ano daw?

"Ano ibig mong sabihin?"

"Alam mo na toot toot! Make love, in short sex." sabi ni Anne.

Wtf?!

"Jusko Anne maniwala ka man o hindi, wala pa kaming ganon ni Jay."

"Sus kasal na kayo tapos hindi pa rin? Pambihira, kung kami yan ni Anne game agad! Hahaha!" sabat ni Jerome.

"Babe naman! Nakakahiya." binatukan ni Anne si Jerome.

A/N: Btw, yes magjowa po sila Anne at Jerome.

"Nakooo, pwes ibahin niyo kami ni Jay 'di muna namin priority yon tsaka busy siya sa work lagi."

Dave's POV

Nanatili lang akong tahimik habang nag-uusap usap sila.

Nag ccellphone ako habang nakikinig sakanila pero hindi ko pinapahalata, ewan ko ba... pag topic nila si Aki at Jay naiirita ako na parang naiilang.

"Wait lang ha, natawag si Mommy."
tumayo si Aki.
Tinignan ko lang si Aki habang papalayo siya samin.

"Pre kanina kapa tahimik diyan ah."
Inakbayan ako ni Jerome.

Alam nilang dalawa na mahal ko si Aki, kahit noon pa na 'di ko alam sa sarili ko na mahal ko na pala si Aki.. basang basa na nila ako haha.
Para ko na silang tunay na kapatid, lahat ng galaw ko alam nila kahit pag may problema ako, lalapitan agad nila ko o kakausapin dadamayan ako.

"Dave hindi mo pa rin ba sinasabi kay Aki?"
Napayuko ako sa tanong ni Anne.
Tinutukoy niya yung aaminin ko na dapat kay Aki yung totoong nararamdaman ko sa'kanya.
Pero 'di ko magawa, hindi na pwede dahil may asawa na rin siya. Ayoko ipagsiksikan ang sarili ko sa hindi na puwede.

Hindi pa dapat talaga ako uuwi sa pinas agad, kaya lang naman ako umuwi dito para i-surprise si Aki at magtatapat na dapat ako sa totooong nararamdam ko sa'kanya.
Pero ako pala yung na-surprise.

"Okay lang yan pre, may iba pa diyan na mas better para sa'yo."

"Babe nakadepende pa rin yun, ako ba better na ba ko sa'yo?" tanong ni Anne kay Jerome.

"Oo naman, kahit pa sabihin nilang may mas better na iba kesa sayo, ikaw pa rin ang one and only na better para sa'kin."
Haha sana all may healthy na relasyon tulad nitong dalawa.

"Ohh, yun naman pala eh, 'di mo masasabing may mas better na iba para kay Dave kung sa paningin niya lang naman ang better ay si Aki."
Woah, smooth.
Tumpak na tumpak yung sinabi ni Anne.

"Totoo yan, once na tinamaan at napamahal ka talaga sa isang tao sa'kanya lang talaga iikot mundo mo." Sagot ko.

Kaya pag napamahal ako sa isang tao buong buo at totoo. Hindi basta basta mawawala yun kahit ang sakit sakit na.
Basta para kay Aki kakayanin ko.

"Pero Dave ha, may asawa na si Aki... hindi ko sinasabing ipagpatuloy mo pa rin yan. Kailangan mo nalang maging masaya para sa'kanya at mag move-on ka na."

"Alam ko naman yun Anne, kaya nga hindi ko na inamin sa'kanya."
Nakakalungkot lang at ang hirap tanggapin na bigla bigla nagbago ang lahat, hindi pa rin ako makapaniwalang may asawa na si Aki.

Nakakapagtaka lang rin talaga, parang may ibang tinatago si Aki. Halata eh. Kilalang kilala ko si Aki, hindi niya basta basta magagawa 'to ng walang dahilan.

Malalaman ko rin lahat someday.

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon