CHAPTER 24

874 13 7
                                    

Biglang may narinig kaming putok ng baril.
"Dito ka lang." sabi ni Jay.
Agad na kumaripas si Jay para silipin yun.
Hindi ko na alam anong nangyayari.
Ang bilis ng tibok ng puso ko sa takot.

Dahan dahan akong lumabas ng basement para silipin yung kumakalabog na ingay at nakaamoy rin ako ng usok.
Paglabas ko nakita ko yung tauhan ni Jay nakahandusay sa sahig may dugo at hindi na nagalaw. Para akong hihimatayin sa sobrang kaba.

Nakita ko si Jay may kasuntukan malapit sa nasusunog na kuwarto.
Palaki ng palaki yung sunog.
Napansin kong si Liam yung kasuntukan ni Jay.

Biglang may dumating na mga pulis.

Tumakbo si Jay sa likod palayo sa mga pulis. Hinabol siya ng mga pulis. Habang si Liam natumba bigla at may bumagsak sa'kanya.

"Liam!" Nilapitan ko si Liam hindi siya makatayo dahil sa nakadagan na kahoy na nasusunog sa'kanya. Pilit ko siyang buhatin at hatakin.

Natanggal ko yung kahoy na nakadagan sa katawan niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Natanggal ko yung kahoy na nakadagan sa katawan niya.
"Liam! I-aalis kita dito. Gising! Wag naman ganito oh! Liam!"
Wala siyang malay, hindi ako mapakali at nagpapanic na ako ng husto. May mga dugo pa siya sa katawan at mukha.

"Tulong!" sigaw ko.

Nabuhat ko siya onti at naramdaman kong pinipilit niyang tumayo pero hindi niya magawa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nabuhat ko siya onti at naramdaman kong pinipilit niyang tumayo pero hindi niya magawa.
"Mahal na mahal kita." Dahan dahan niyang sabi.
Niyakap ko siya ng mahigpit habang umaagos ang mga luha sa mga mata ko.

Lahat gagawin niya para mailigtas ako, kahit ang buhay na niya ang kapalit.

Sawakas at may tumulong samin na pulis. Inalalayan nilang buhatin si Liam.
"Negative boss hindi na namin siya nahabol. Biglang nawala." sabi nung pulis sa kasama niya.
Nakatakas si Jay.

. . .

Hospital

Hanggang sa makapunta kami dito sa ospital, puro katanungan pa rin ang nasa isip ko kung bakit nangyari ang lahat ng ito.
Ayon sa mga pulis kaya nila kami napuntahan don dahil sa pag track nila ng cellphone ko habang kausap ko si Liam nung nakaraan.
Hindi ko alam kung paano nalaman ni Liam na nasa panganib ang sitwasyon ko kaya humingi siya ng backup sa mga pulis.

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon