CHAPTER 20

1K 10 4
                                    

Sawakas...
Gaan at lakas ng loob ang naramdaman ko dahil matatapos na rin ang lahat ng pagdurusa ko, nakalipas na ang pitong buwan.
Pitong buwan na puno ng paghihirap at sama ng loob.
Pitong buwan na pagtitiis na pagpapanggap bilang asawa ni Jay.
Hindi naging madali para sa'kin ang lahat ng mga nangyari.

Eto na ang tamang panahon para samin ni Liam.
Makakapagsimula na ako muli, pero hinding hindi pa rin mawawala sa sarili ko ang mga hinanakit at sama ng loob na binigay sa'kin ni Jay.
Ang dami niya nang kinuha sa pagkatao ko, kahit anong gawin niya hindi ko na siya kayang pagkatiwalaan muli.

Valdez Mansion

Sa puntong 'to handa na 'kong harapin si Jay, gusto kong ipaalam sa'kanya na tapusin na ang lahat. Kahit papano gusto ko pa rin magpasalamat sa'kanya, sa pagtulong niya sa'kin.
Malaking utang na loob ang pagtulong niya samin, sa buhay ng nanay ko.
Kaya handa akong lunukin pride ko para pasalamatan siya.

Bago ako pumasok sa room ni Jay huminga ako ng malalim.
"Aki, i didn't know na papasok ka pa pala uli dito." pagkalingon niya sa'kin agad niya 'kong nilapitan.
Nakangiti siya sa'kin.
Sa sobrang lapit niya sa'kin nailang ako kaya umatras ako onti at napaiwas ako ng tingin sa'kanya.

Hindi ko kayang tignan ng matagal si Jay dahil sa lahat ng nagawa niya sa'kin, halos nag-ipon ako ng lakas ng loob para lang harapin siya.
Bumibilis pa rin kabog ng dibdib ko sa kaba kapag kaharap ko siya.

"Pupuntahan na sana kita sa room mo dahil gusto kita makausap." hirit niya pa.

"I know marami na 'kong nagawang mali sa'yo at pinagsisisihan ko yun sobra... please give me a chance Aki. I'll give everything you want. I love you." pagpatuloy niya.
Inilapit niya mukha niya sa'kin habang nakatingin sa labi ko, hanggang sa pahalik na siya sa labi ko agad ko itong iniwasan.
Biglang nawala ngiti niya sa mukha.

"Jay, please tama na. Tapusin na natin 'to. Gusto ko nang bumalik sa pamilya ko at makapagsimula muli." sabi ko.

"Yun lang naman talaga usapan natin diba? Ikaw pa mismo nagsabi, pagpapanggap lang ang lahat."
Hindi ko na kaya pang pakisamahan siya, hindi niya 'ko naiintindahan sa lahat ng pinagdadaanan ko.

"Ano pa ba gusto mo? Just stay with me please. Nagmamakaawa ako. Hindi ko kayang iwan mo 'ko Aki, maniwala ka man o hindi mahal kita."
Mahal? Pero sa mga kinikilos niya hindi pagmamahal ang nakikita ko. Mahirap magpadala sa salita, mas mabuting magpadala sa salita na may gawa.

"Kahit pa pilitin kong mahalin ka, wala talaga akong nararamdaman para sa'yo Jay. Hindi ko na talaga kayang tumagal pa dito, hayaan mo na 'ko."
Nakita kong nangdiin ang kamay niya na halos nanginginig habang blanko ekspresyon niya, hindi ko alam kung galit ba siya o ano. Kinabahan ako.

Biglang lumingon siya sa tabi at napayuko onti habang nakapikit.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon