CHAPTER 05

2.7K 26 2
                                    

Akina's POV

"Ma'am Aki! Gising na po!"
tinatapik-tapik ni Yaya Esther braso ko.

"Bakit anong meron?" Tanong ko.

"Ma'am pinapagising po kayo sa'kin ni Sir Jay aayusan ka pa daw, sumunod ka nalang daw po sa first floor"

"Okay, okay." Sagot ko.

May party daw mamaya sa club ni Jay, puro mga kakilala niya lang mga ininvite niya at ipapakilala niya daw ako sa mga guests niya.
Pagkatapos kong maligo pumunta na 'ko sa first floor.

"Wow! Bongga siya ba?"

Pagkapasok ko sa living room may humiyaw kaagad na bakla na kasama ni Jay.
Sino naman yang bakla na yan?
Parang ang mean ko ah.

"Niki meet Akina Valdez my wife, siya yung aayusan mo." sabi ni Jay.

"Kalurkey ka girl, you're so pretty!" nakipag-beso beso siya sa'kin.

"Talaga? Thank you!" pagpapasalamat ko.

"Bolera talaga yan pagpasensyahan mo na." sabi ni Jay.

Epal talaga 'tong lalaking 'to.
Ang ayos ayos ng bati sa'kin ni Niki eh.

"I'm Nico Valdez, Jayden's one and only beautiful and bonggabells cousin, just call me 'Niki' para bongga pakinggan like Nicki Minaj."
Aba antaray mo girl! Hahaha!
Shocks magpinsan pala sila ni Jay!
Sa totoo lang hindi bagay sa'kanya maging bakla kasi ang gwapo niya kasi haha.

Pero mukhang susyalin siya parang professional makeup artist at ang taray ng buhok niya ha blonde.
Sana maging close kami ni Niki kasi gusto ko ng friend like him.
"So, ikaw na bahala diyan Niks." sabi ni Jay.

Lumingon sa'kin si Niki at tinitigan ako from head to toe.
"Hmmm, okay let's start!"
Sinimulan niya na ang pag-aayos sa'kin.

After one and a half hour natapos rin ang pag-aayos sa'kin ni Niki dami rin namin napag-usapan.
Isa nga siyang professional makeup artist at sikat na vlogger.
Hindi kasi ako active sa social media na yan kaya 'di ko na alam ano ganap sa online.

Sexy curled hair, Fitted gown with side leg slit, Jimmy Choos higheels and Chanel accessories.

Simple but elegant.

Sa buong buhay ko parang ngayon lang ako naging ganito ang itsura.

"Ayan, napakabongga mo na lalo Akinabells!" sabi ni Niki.

"Thank you Nikibells! Ang galing galing mo."

"No problem Akinabells, Now gorabells na tayo kay Jayden aalis na kayo. Susunod nalang ako later sainyo sa lounge."

Paakyat na sana kami sa second floor nang biglang nasalubong namin si Jay nakatuxedo.
Nagkatitigan kami ni Jayden sa isa't isa.
Parang gulat na gulat siya nung makita niya ko.
Nginitian niya ako, nginitian ko rin siya.

"Oh sige! Magtitigan lang kayo hanggang end of the world! Kaloka!" sabi ni Niki.

Le Valdez Lounge


Pagpasok namin ni Jay... ang daming tao.

Grabe yung mga outfit na suot ng mga guests yayamanin.
Unti unting mga nagtinginan samin ni Jay yung mga tao.
B

igla akong kinabahan ewan ko kung bakit.
Nung nasa stage na kami as in lahat talaga nakatingin saming dalawa ni Jay.

"Aki, you okay?" bulong sa'kin ni Jay.
Tumingin ako sa'kanya, nginitian ko siya habang nagnod ako.

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon