CHAPTER 16

1.1K 17 1
                                    

Akina's POV

Valdez Mansion

"Aki, can we talk?" hinawakan ni Jay kamay ko.
Agad agad kong inalis kamay ko sa'kanya.

"I want to apologize to you."
Eto nanaman.

After niya makagawa ng mali sa'kin, sasaniban na ulit siya ng pagka-anghel niya. Kabisado ko na mindset niya.

Kaya siguro siya ganito dahil kay Liam, alam kong may ginawa si Liam para magsorry sa'kin si Jay ng ganito.

"Shit look at your arm... i can't believe i let my temper get the better of me like that."

Tinitignan ko lang siya ng masama.

"Hindi lang yan ang ginawa mo sa'kin Jay!" tinaasan ko siya ng boses.
Hindi ko mapigilan luha ko sa galit.

"Huh anong ibig mong sabihin?" nagtataka siya.

"Pati pagkababae ko! Ang matagal ko nang iniingatan kinuha mo! Binaboy mo 'ko Jay!"
Ang bigat bigat sa dibdib dahil naalala ko nanaman yung mga nangyari.

Gusto ko siyang saktan.
Pero hindi ko magawa dahil kahit anong kagaguhan gawin sa'kin
Inuunawa ko pa rin. Ganon ako kabait.
Hanggang sa hindi ko na kaya tinalikuran ko siya at kusang humagulgol na 'ko sa iyak.

"Hindi ko alam Aki, believe me please. Lasing na lasing ako non alam mo yun, i'm so sorry." Niyakap niya ko from behind.

Lasing na lasing? Imposibleng hindi niya alam ginawa niya sa'kin that time

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Lasing na lasing?
Imposibleng hindi niya alam ginawa niya sa'kin that time. Halos hindi na ako makagalaw sa higpit ng hawak niya non. Wala na 'kong magawa kundi hayaan siya sa gusto niyang gawin.
Wala akong kalaban laban.

Parang wala na 'kong karapatan magdesisyon para sa sarili ko. Lagi nalang ang gusto niya ang nasusunod.
"Bitawan mo 'ko Jay."
Kalmado kong sinabi habang yung luhang nasa mga mata ko hindi ko pa rin mapigilan.
Inaalis ko pagkayakap niya sa'kin.

"Parang awa mo na patawarin mo 'ko Aki please, i know i was really unfair to you... but this time nagsasabi talaga ako ng totoo."

Kahit alam kong paulit ulit niya pa rin akong ginagago... okay lang sa'kin... dahil buhay ng nanay ko ang kapalit sa lahat nang 'to.

Ayoko rin nang may nag mamakaawa sa'kin... sino ba naman ako para hindi magpatawad diba.

I'll forgive him, pero hindi ko na siya mapagkakatiwalaan pa.
Hindi ko na rin siya kayang paniwalaan.

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon