CHAPTER 21

904 13 0
                                    

A day passed...

Akina's POV

"Jay! Buksan mo 'tong pinto!" kinakalabog ko yung pinto habang sinisigawan ko si Jay sa labas ng room niya.

"Jayden!" hindi ako titigil sa kakatawag hangga't hindi niya binubuksan yung pinto.
Punong puno na 'ko sa'kanya, pati si Liam sisirain niya sa'kin.

Bumukas na yung pinto at pagkabungad niya sa harap ko agad ko siyang sinampal ng malakas.

Bumukas na yung pinto at pagkabungad niya sa harap ko agad ko siyang sinampal ng malakas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ano yung sinabi mo kay Liam?! Ha?!"


"Aki let me explain."

"Jay malinis ang pakikitungo ko sa'yo simula't sapul, pero ikaw? Una't dulo wala ka nang ginawang tama sa'kin!"

"Gustong gusto kita ipakulong simula nung binaboy mo pagkababae ko! Pero mas pinili kong manahimik, para sa ikakatahimik ng lahat. Inako ko lahat. Tiniis ko lahat lahat."
Hindi ko mapigilang hindi maluha ang mga mata ko, sobrang nanghihina na 'ko. Naalala ko nanaman lahat ng mga dinanas ko.
Nakayuko lang siya at nanatiling walang salita.


Habang paalis na ako hinawakan niya kamay ko. "Aki..." tinawag niya pangalan ko. Ang tamlay ng tono ng boses niya.
Binitaw ko kamay ko at patuloy na umalis.
Ayoko na makarinig pa ng kahit anong sasabihin niya, wala na dapat siyang ipaliwanag.

2:24 PM

Sinimulan ko na mag-empake ng mga gamit ko sa kwarto. Habang nag-aayos ako napadaan ako sa salamin, pinagmamasdan ko ang sarili ko.

This necklace

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This necklace... naalala ko si Liam.
Nakakalungkot na nakakainis.
Naiinis ako dahil nagpadala agad siya sa mga sinabi ni Jay, hindi niya man lang ako pinaringgan kahit sa saglit na pagkakataon.
Nalulungkot ako dahil bigla niya nalang akong binitawan ng ganon lang.

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon