CHAPTER 22

1.1K 18 2
                                    

"She wants a love that will not cage her independence and hold hostage her dreams, but contribute to her freedom."

Dalawang araw na nakalipas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dalawang araw na nakalipas...

Para akong mababaliw dito nakakulong sa kwarto.
Sobrang tahimik at napakalungkot ng paligid.
Hindi ko na alam gagawin ko.

Hindi na nakatali ang mga kamay at paa ko sa kama, pero nakakulong pa rin ako. Inalis na rin yung tape sa bibig ko dahil kahit ano namang sigaw gawin ko dito walang tutulong  at walang makakarinig sa'kin. Sa pagkarinig ko sa mga kwentuhan ng mga tauhan ni Jay... itong bahay na 'to nasa kalagitnaan halos ng parang bukid.

Binubuksan buksan nalang ng tauhan ni Jay yung pinto pag mag-aabot sila ng pagkain ko at damit.
Sinubukan kong gumawa ng paraan para tumakas pero ang hirap... walang kagamit-gamit sa kwarto na 'to wala ring bintana dahil nasa basement 'tong kwarto. Yung CR toilet at mismong bathtub lang ang laman wala nang kahit ano pa.

Kamusta na kaya sila Mommy? Si Ash? Si Tita?
At si Liam...
Naaalala niya pa kaya ako?
Iniisip niya pa ba 'ko? Miss na miss ko na sila.
Puro nalang iyak ang ginagawa ko dito araw araw... sobrang nakakalungkot.

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko yung mga sinabi ni Jay about kay Daddy dahil hanggang ngayon malaking katanungan pa rin yung pag-iwan samin ni Daddy.
Bakit niya nga ba kami nagawang iwanan?

Naalala ko may nag sumbong samin ni Mommy na kamag-anak namin na nakita si Daddy may kasamang babae sa mall.
Siguro nga possible yung sinasabi ni Jay, baka dun na sumama si Daddy sa babae niya.
Hindi ko na alam... ang sakit sakit na isipin.

Biglang bumukas yung pinto.
Si Jay... papalapit siya sa'kin.
Nakaupo lang ako sa kama, tinabihan niya 'ko.
Hindi ko siya tinitignan, iniiwas ko ang tingin ko sa'kanya.
Nakatitig lang siya sa'kin nang matagal.
"You're still beautiful no matter what. If we still have a chance, i promise you i'll do everything for you Aki."
hinahaplos niya 'ko sa pisngi gamit kamay niya.
Blanko lang emosyon ko na halos wala na akong pake sa pinagsasabi niya.

Dahan dahan niyang inilapit mukha niya sa'kin.
Tinulak ko siya dahil pa-halik na siya sa'kin.
Wala pa rin akong binibitawang salita kahit isa.

"Come on Aki, let's have some fun i know you'll like it." Bulong niya sa'kin.
Tumayo siya, narinig kong inaalis niya damit niya.
Tuwid pa rin ang tingin ko, hindi ko siya nililingon.

Hinahalikan niya leeg ko, tinulak ko uli siya ng mas malakas hanggang sa hindi ko ma-control sarili ko na hindi magsalita. Napa-upo siya sa sahig sa pagkatulak ko sa'kanya.
"Tangina tama na Jay! Kung ganito ulit gagawin mo sa'kin patayin mo nalang ako! Mas pipiliin ko nalang mamatay kesa mamuhay ng ganito!"

"Kahit kailan hinding hindi ko kayang mahalin ang taong tulad mo! Hindi kita kayang pakisamahan! Tigilan mo na 'ko Jay!" hirit ko pa. 

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon