CHAPTER 19

1K 11 4
                                    

Unti unting nagtinginan samin ni Liam yung mga tao, sa puntong 'to mas lalo akong naiilang. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko.

"Sis wag ka magpapadala diyan. Andito kami para sa'yo, mas kilala namin yung totoong ikaw." pinapakalma ako ni Anne.
Sa sinabi ni Anne medyo gumaan loob ko, sobrang thankful talaga ako na may kaibigan akong tulad nila.

Si Dave at Jerome nilapitan na din ako.
Agad agad naman pinuntahan ni Liam si Hailey, at may ibang guards na din na lumapit para awatin at paalisin si Hailey.

"Hindi naman totoo yun diba? Aki?" sa sinabi ni Dave halos hindi na ako makasagot.. hindi ko alam ano isasagot ko.

"Aki?"
Seryoso siyang nakatingin sa'kin habang naghihintay ng isasagot ko.

"Oo." mahinahon kong sagot.
Ang hirap ng sitwasyon ko, hindi ko naman ginusto ang lahat ng 'to.. hindi ko ginustong madamay si Liam.
Kahit anong gawin ko, bakit ang ka-malian ang pilit lumalapit sa'kin?

11:39 PM

Si Hailey napaalis na sa venue.
Marami nang umuwi na tao, kami kami nalang nila Liam at Chelsea ang naiwan. Sila Dave nakauwi na rin.
Nililigpit na rin ng mga caterer yung mga tables, etc.

"Tara na Sis uwi na tayo, sabay ka na samin."
Pag-aaya ni Chel. Kasama niya boyfriend niya.

"No, ako na maghahatid sa'kanya Chel." sabat ni Liam.

"Sige po Sir mauna na kami."

Hinintay muna namin na makaalis sila Chel.
Parehas kami ni Liam nakaabang na makaalis na sila Chel sa venue.

. . .

"Kanina mo pa 'ko iniiwasan, dahil ba sa nangyari kanina? Kay Hailey?"
Pagkalingon ko kay Liam agad niya kong pinagsabihan.

"Hindi, ayoko lang na husgahan lalo tayo ng mga tao." mahinahon kong sagot habang nakayuko.
"Lalo na ikaw, ayoko nadadamay ka nang dahil sa'kin." hirit ko pa.

Nagbuntong hininga siya bago magsalita.

"Aki..." mahinahon niyang sabi.
Sa tono at lambing ng boses niya sa pagtawag sa pangalan ko mas lalo akong nanglambot.
Dahan dahan niyang hinawakan mukha ko, nakatitingin lang siya ng matagal sa mga mata ko.

Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ngayon halo halo emosyon ko, ayoko nang masira lalo tingin ng mga tao samin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa sobrang lapit namin sa isa't isa ngayon halo halo emosyon ko, ayoko nang masira lalo tingin ng mga tao samin. Gustong gusto ko makasama si Liam.. kung pwede lang sa lahat ng oras ganito kami sobrang saya... pero hindi pwede.
"Liam, baka may makakita satin.. kung ano ano nanaman-" naputol pananalita ko nang bigla siyang nagsalita.

Dirty Secrets (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon