*Venice Pov*
Mag tatlong buwan na ako rito sa hindi ko malamang lugar. Tsk! In the first place hindi ko naman alam kung bakit ako dinala dito.
Matapos kong matawagan si ethan hindi na ulit ako nakahawak ng cellphone. Minsan naiisip ko nalang hinahanap ba nila ako?
Pero minsan napasok sa isip ko gusto ko na makawala dito para naman makauwi na ako sure ako na nag aalala na si mommy at daddy sa akin.
"venice"
Agad naman akong napalingon sa pinto ng mag bukas ito at iniluwa neto ang hinayupak na lalaki
"luto na ang pagkain tara na sa baba at ng makapag hapunan na tayo"
"liam why am i here? "
"let's eat"
"liam gusto ko na umuwi. Bakit mo ba ako dinala dito sa lugar na to! Sila mommy at daddy nag aalala na sila sa akin baka mamaya nagkakasakit na si mommy dahil kaka isip kung asan na ako please im begging you gusto ko na umuwi ibalik mo na ako"
"kakain ka ba? "
Napabuntong hininga nalang ako at umiling. Wala akong gana kumain ngayon.
Mag tatatlong buwan ko na kasama si liam dito sa lugar na to.
Wala akong alam kung bakit nya ginagawa ito.
Hindi ko magawang makatakas kasi nasa gitna kami ng isang isla helicopter lang ang paraan para makaalis dito sa lugar na to.
Hindi ko naman matawag na impyerno ito dahil sobrang ganda talaga ng lugar yun nga lang boring kasi walang tv walang radio walang cellphone at walang mapag pasyalan.
Umaalis si liam dito at iniiwan ako sa matandang babae na katiwala nya dito. Sabi nya kelangan nya raw bumalik ng maynila dahil may mga trabaho parin naman daw syang naiiwan dun.
So ako?! Hindi ko kelangan umuwi?!
Namimiss ko na ang pamilya ko.
Napahiga ako sa kama at saka tumititig sa kisame.
Biglang pumasok sa isip ko si ethan. Namiss ko sya sobra hindi ko na ipagkakaila yun. Nung narinig ko yung boses nya napaiyak agad ako kasi ramdam na ramdam ko sa boses nya na nag aalala talaga sya sa akin
Minsan pumasok sa isip ko pano kung may makita na syang babae patay na talaga sya sa akin. Pinagbigyan ko na sya wag na wag syang magkakamali na sirain ulit yun. Kung hindi mag papakamatay na ako
"ija? Kumain ka na heto pinagdalhan kita"
"busog pa po ako manang eh. Pero salamat po iwan nyo nalang po jan kakainin ko nalang po kapag nagutom na ako salamat po"
"oh sige at ako'y lalabas na"
*end of Venice Pov*
*Liam Pov*
"ano po manang? Kumain po ba? "
"busog pa raw sya anak. Pero pinaiwan ang pagkain kakainin nalang daw nya kapag nagutom sya"
"sige po salamat"
Agad naman akong napaupo sa sala.
"anak bakit hindi mo nalang sya palayain? "
"ayoko po manang hindi ko pa po kaya"
"anak kapag mahal mo ang isang tao papakawalan mo ito."
"hindi po ganun yun kadali manang"
"naawa na ako kay venice ijo"
Pagtapos nya sabihin yun ay umalis na sya.
Hindi ako titigil venice hanggat hindi ulit ako ang mahalin mo
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancee
RomanceWhat if your father set you an arrange marriage to the boy who broke your heart long time ago, what are you going to do?