After 3 weeks. Hindi talaga ako lumabas sa kwarto ko. Hindi ko binuksan ang cellphone ko. Hindi ako gumamit ng any social media's. Nanuod lang ako ng nanuod ng movie na makikita ko sa dvd's cabinet ko.Alam ko or nararamdaman ko na nag aalala sila mommy at daddy sa akin. Ramdam na ramdam ko. Hindi ko parin naman pinapabayaan ang sarili ko. Kumakain parin naman ako. Yun nga lang nag papadala nalang rin ako dito sa room ko ng makakain.
Ayaw ko munang lumabas. Dahil parang feeling ko kapag lumabas ako masu-suffocate na naman ako.
Lagi kong sinasabi kay daddy na hindi nya kasalanan. Walang may kasalanan. Hindi naman nila kasalanan na may mga ganung tao diba ? Bahala na karma sakanila.
-
Kakatapos ko lang maligo ng kumatok si manang.
"Anak ?"
Binuksan ko yung pinto at hinarap sya.
"Bakit nay ?"
"Anak may bisita ka sa baba."
Napakunot noo ko.
"Sino nay ? Si andrea ? Nandito na pala sa pilipinas yung gagang yun ?"
Nag punta kasi si andrea sa u.s dahil may business proposal syang inaatupag. Sa pagkaka alam ko mga 6 months sya tatagal dun ah. Bakit parang napa aga ?
"Hindi anak."
Napalingon na ako kay manang.
"Sino po ?" Tanong ko pero parang ramdam ko na kung sino.
"Venice."
Napalingon ako sa taong nakatayo sa may pintuan ng kwarto ko na nakalimutan ko pala isara.
Hindi ko alam ang ire-react ko. Sheteng malupit !
"Anak, maiwan ko muna kayo dito"
At sinundan ko ng tingin si manang na lumabas ng kwarto.
Napaharap at napatitig naman ako sa mukha ng lalaking nasa harapan ko.
"Why are you here ?"
Casual kong tanong. Dahil ayoko magalit dahil feeling ko lalo akong mai-stress and masu-suffocate. Total naiyak ko narin naman, Ok na yun
"How are you venice ?"
Venice nalang ? Napatawa naman ako ng wala sa oras. Ano ba tong iniisip ko.
"Ayos lang. Diba may pasok ka ngayon bakit ka pala nandito ?"
Tanong ko. Nakatingin lang ako sa mukha nya. Parang wala naman pinag bago. Gwapo parin. Charot lang !
"Are you ok ?"
"Do i look like im not ok ?"
Hindi sya nakasagot sa tanong ko. At napa titig lang sa mukha ko. Nailang naman ako kasi kakatapos ko lang maligo. Wala pa akong ayos. Nag susuklay pa nga lang ako ng buhok ko eh.
"Bakit nakapatay phone mo ? Im trying to contact you but out of coverage ka"
"Relax" sabay tumayo ako sa inuupuan ko at tinaas ang kamay na parang sumusuko.
"I was feeling stressed, that's why i turn off all my gadgets and social media's acct. How about you ? Why are you here ?"
Nakita ko naman syang napakunot ang noo.
"Stressed ? Why ? bawal na ba ako dito ?"
"Hindi naman, tara sa baba' tayo nagugutom na ako"
Ayoko lang talaga na maiwan ka kasama dito sa kwarto ko. Kainis ayaw ko pa nga lumabas ng room ko eh, balak ko pa nga mag extend pa ng 1 week eh.
Nauna na akong mag lakad at nakita ko naman sa gilid ng mata ko na kumilos na rin sya para sumunod sa kusina.
Pag dating namin sa kusina may nakasalubong akong isang katulong at nag pahanda ako ng pagkain.
"Venice let's talk"
Napapa smirk nalang ako sa pag kakasabi nya ng "venice" nasan na ang "baby" !
Umupo ako sa upuan sa tapat ng lamesa
"Ok talk"
"First, i want to say sorry for what happen last time, i know im being immature-"
Pag putol ko sa sasabihin nya "No, don't say sorry. I know na ako yung immature. Ako ang nag palaki ng away, and im sorry for that"
"And im sorry if i can't contact you for a few days after our immature fight"
" you know what ? Lets stop talking this issue, i dont want to talk about what happen last time"
"We need to talk about this issue, hindi yung umiiwas ka na naman !"
"Ok stop. Kung magagalit ka na naman, wag ka nalang makipag usap sa akin, inaantay mo nalang ba na makipag break ako ?"
Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi yun. Eh wala naman talagang kami ?
"What are you talking about ?"
"Hindi ako makikipag break ok ? Kasi in the first place, wala naman na talagang tayo. Itong kung anong meron tayo ngayon arrangement lang ito remember ?"
"Baby"
"Im sorry im not in the mood" sabay tayo at umalis ng kusina umakyat sa kwarto.
My god ! Parang gusto ko mag bakasyon ngayon.
BINABASA MO ANG
My Ex Is My Fiancee
RomanceWhat if your father set you an arrange marriage to the boy who broke your heart long time ago, what are you going to do?