READ.COMMENT.FAN~
HAPPY ! 100k reads !! *sabog confetti* SALAMAT PO SA MGA PATULOY NA NAGBABASA AT NAGCOMMENT !! PATI NA RIN YUNG MATYAGANG MAGVOTE ! SALAMAT !!
ILabYow ate ! Hahaha. Para sayo to XD Tuwa ako sa comments mo eh.
-------------------------------------
SHAYNE’s POV :
“ WEEEEEEEEEEEEEEE ?! AKO YAN ?? DI NGA ? DI NGA ?” sigaw ko habang hinahawakan ko yung mukha ko. Parang hindi naman kapani paniwala >///< masyadong….. masyadong MAGANDA !!
“ Oh Yiiiiiiiz !! Sadyang magaling lang ako atii ~” sabi nung baklang nag-ayos sakin.
“ Shayne matag---“ sabi ni Gail pero natigilan siya pagbukas niya ng pinto. Sumunod naman sila Zia at Kim na pumasok pero natigilan rin sila….
“ Baket ?” tanong ko. Para silang nakakita ng multo eh.
Natauhan naman sila at bumalik na sa dati. Nagkunwaring umiyak si Gail.
“ Dalaga na ang bestfriend naten … parang kahapon lang single siya tapos ngayon married na. Baka mamaya may bunga na sila ni Keith… huhuhu” drama ni Gail. Kinurot ko siya sa braso.
“ ARAY !!” sigaw ni Gail at hinimas yung braso niya.
“ Ikaw kasi eh ! Ang OA mo.” Sabi naman ni Zia.
“ Hay –hay ! Fine. Oh, halika na ! Napakatagal naman kasi eh.” Sabi niya at lumabas. Lumabas na rin kami pero nahuhuli ako. Ang sakit kasi ng paa ko parang namamaga. Naapakan kasi ako kanina sa mall eh, nagsorry naman yung babae kaya hinayaan ko na lang.
“ Okay ka lang ?” tanong ni Kim. Napansin niya ata na medyo mabagal ako maglakad.
“ Aah, oo. Masakit lang paa ko.” Sabi ko. Tinawag na kami agad ni Gail at sumakay sa kotse na puti.
“ Excited na ko ! Siguradong kayo na ang mananalo.” Excited na sabi ni Gail. Napangiti naman ako dun, eto rin yung rason kung bakit mahal ko sila. Pinapalakas nila loob ko.
“ Oo nga ! Ako rin.” Sabi ni Zia. Ngumiti naman si Kim sakin.
Nagkwentuhan lang kaming apat hanggang sa makarating na kami. Hindi ko pa rin nakikita si Keith hanggang ngayon.
“Hindi pa ba tayo baba ?” tanong ko. Umiling lang sila at nagsimulang bumaba. Lalabas na sana ako ng hinarang ako ni Zia.
“ Huwag ka munang baba. Susunduin ka ni Keith !” sabi niya at sinara na yung pinto. Napabuntong hininga na lang ako, gusto ko ng bumaba !
Nag-antay lang ako tulad ng sinabi ni Zia kaya lang lumipas na yung 30 minutes wala pa rin siya. Binuksan ko na yung pinto at lumabas, tiningnan ko yung lugar. Ang ganda… andito kami sa bandang dagat na part… parang may gaganapin na kasal talaga pero may stage yung pagrarampa yung models,tapos andaming bulaklak. Sumakto yung wedding dress na pinasuot saken, maikli lang yung dress pero pahaba siya. Tapos tube length lang yung taas na may design na mga bulaklak. Yung buhok ko nakataas at may kulot na piece of hair sa harap ko tas bandang left may malaking pulang bulaklak. Naka paa lang ako kasi yun daw pagbeach wedding.
Nagsimula na kong lumakad,sinusundan ko lang yung mga pink candles. Ang astig naman ata ng fashion walk na to, pangkasal ata talaga eh. Wait ! Diba fiance ko si Keith ? Hindi kaya surprise niya to at kakasal na kami ngayon ?! Napatigil ako sa paglalakad at babalik na ko sa sasakyan. HINDI PA KO READY MAGPAKASAL !! Nang makabalik na ko sa kotse bumungad sakin si Keith na nakasmirk.
BINABASA MO ANG
GIRLS VS BOYS [ LOVE VS HATE]***REVISING
Teen Fiction[HUWAG PO MUNANG BASAHIN--ineedit ko pa po] Meet four girls na ayaw magpatalo sa boys--- wala man sa mukha nila ang pagiging competative pero pagdating sa laban, marerealize mo na lang na TALO ka na! Meet four boys na hindi nagpapatalo sa girls--- k...