RH: Chapter 2

4K 95 0
                                    

AFTER 4 YEARS...

SUNOD-SUNOD na putok ang pinakawalan ni Alyssa, binaba niya ang hawak na baril hinubad muna niya ang headset na suot bago pinindot ang button para lumapit sa kanya ang papel na target niya, napangiti siya as usual puro gitna na naman ang tama niya.

Pumalakpak si Alfred na nasa likod niya, "Wala ka talagang kupas." Nag-fist bump sila nito, kaibigan niya ito.

Nag-ring ang cellphone niya, "Lolo, napatawag ka?"

"Come to my office, Alyssa." Yun lang at pinatay na nito ang linya.

"Need to go. Pinapapunta ko ni Lolo sa office." Paalam niya kay Alfred.

"Sure, I'll stay here for a while."

Naglakad na siya papunta sa naka-park niyang motor. Pagkasuot ng helmet ay sumakay na siya at pinaharurot ang motor.

Pagdating sa building na pag-aari ni Lolo Nestor ay isa-isa siyang binati ng mga tao doon, "Good afternoon Ma'am Alyssa." Tinanguan niya ang bawat bumati sa kanya hanggang sa makasakay siya sa elevator.

Pagtapat niya sa table ni Jenny, ang secretary ng lolo niya. "Hey sexy." Bati niya rito at itinukod ang kamay sa lamesa nito

"Alyssa." Ngumiti ito sa kanya, ngiting nang-aakit. "Kanina ka pa hinihintay ng Lolo mo, pumasok ka na."

"Thanks." Kinindatan niya ito bago siya tuluyang pumasok sa opisina ng Lolo niya. "Hi gran."

"Ly, didn't I tell you to stop flirting with my secretary?" bungad sa kanya ng Lolo niya.

Tumaas ang kilay niya rito, iminuwestra nito sa kanya ang LCD na naka-install sa pader at nakakonekta sa CCTV sa labas ng opisina nito. She grinned, hindi na niya kailangan magkaila rito alam ng lolo nya ang mga tipo nya. At obviously ay nakita nito ang ginawa niya. "It's just for fun gran." Naupo siya sa sofa.

"Whatever it is, itigil mo na." sabi nito sa kanya, nagkibit-balikat na lang siya rito. "Kaya kita pinapunta rito ay dahil dito." Lumapit ito sa kanya at inihagis sa kanya ang newspaper na nasa business section.

Naningkit ang mga mata niya ng makita kung sino ang nasa litrato. "Mike." Tumaas ang sulok ng labi niya, napako ang tingin niya sa babaeng kasama nito.

"It's been a month simula ng bumalik ka ng Pilipinas, and I think it's about time na lumabas ka na. I will formally announce you as my successor." Sabi nito sa kanya, "And this time kailangan mo ng tapusin ang sinimulan natin."

"Nagawa niyo na di ba? You're finally one of the biggest investor sa kompanya niya. Napasok na natin ang mundo niya." Isa iyon sa plano nila ang pasukin ang sariling mundo nito at unti-unting pabagsakin ang kompanya nito.

"No, you are. Sa'yo nakapangalan ang pinirmahan namin na contract. You are one of his biggest investor." Napangiti siya sa sinabi nito. "But before that, I told you na maghanap ka ng university na page-enroll-an mo, nakahanap ka na ba?"

"Who's this girl?" tanong niya sa lolo niya, nakapako ang tingin niya sa kasamang babae ni Mike, naka-hawak ito sa braso ng lalaki. Maganda ito at bata pa, sa tingin niya ay ka-edad lang niya ito.

"That's her daughter."

"He had a daughter?" napatingin siya rito.

"Obviously."

She smirks. "I think I have a new plan."

"What?"

"Kinuha niya sa akin ang pamilya ko, pwes kukunin ko din sa kanya ang pinaka-mahalagang tao sa kanya." Tumayo na siya at naglakad sa pinto, "By the way Lolo, alam ko na kung saan ako mag-eenroll pero hahanapin ko pa."

INIABOT kay Alyssa ni Alfred ang isang brown envelope, kinuha niya iyon at tiningnan ang laman. "Thanks bro, maasahan ka talaga."

"It's my men's work." Sabi nito, may ari ang pamilya nito ng private investigator agency kaya dito siya nagpatulong na malaman ang lahat ng kailangan niya about sa anak ni Mike. Inilabas niya ang mga laman noon, binasa niya ang report about dito. Kinuha niya ang picture nito, at tinitigan ang maganda nitong mukha. "She's pretty, pero bakit naman kailangan mo pa siyang idamay. Wala siyang alam sa nangyari. At isa pa mukang straight ang isang yan eh."

Nagtaas siya ng tingin dito mula sa litrato. "Wala ring alam ang pamilya ko sa nangyari dati, ang mga kapatid ko. Pero may nagawa ba sila?"

Nagkibit na lang ito ng balikat. "Wala na kong sinabi."

TUMATAKBO si Dennise sa corridor para makatakas sa makulit niyang manliligaw na si Myco, wala naman sana siyang balak na iwasan ito pero masyado ng makulit ito at nagiging stalker na niya. Lumingon siya sa likod niya para masiguro kung nakasunod pa ito sa kanya ng pagharap niya ay bumangga siya sa kasalubong niya.

"Aah!" naramdaman niyang babagsak niya ng hawakan siya ng mahigpit sa mga balikat ng nabunggo niya at i-steady ang tayo niya, nag-angat siya ng tingin at parang tumigil ang mundo niya ng masalubong ng mata niya ang magandang mukha na iyon napakalapit lang ng mukha nila sa isa't-isa kaya naman kitang-kita niya na parang natigilan din ito ng magtama ang paningin nila.

"Den!" napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita niya si Myco na palapit na sa kanila.

Nilingon niya ang kaharap, "I'm sorry." At nagmamadali siyang umalis.

NAPAHAWAK si Alyssa sa dibdib niya pag lagpas sa kanya ni Dennise na nabangga siya, kanina pa siya paikot-ikot sa campus at hinahanap ito ng mabangga siya ng isang babae at hindi niya inaasahan na ito pa ang nakabunggo niya.

Pero ang hindi niya inaasahan ay ang magiging reaksyon niya rito, biglang kumabog ang dibdib niya ng magtama ang paningin nila, napabuga siya ng hangin para kalmahin ang pakiramdam niya. Napapalatak siya ng maalala na kanina pa nga pala niya hinahanap ang babaeng yun, patakbo siyang sumunod sa pinuntahan nito pero hindi na niya ito naabutan.

"Damn!"

DAHAN-DAHAN na sumilip si Dennise sa pinagtataguan niyang pader, ng masigurong hindi na nakasunod sa kanya si Myco ay lumabas na siya.

"Dennise!" biglang sulpot sa harap niya ni Myco. "Iniiwasan mo ba ko? Bakit ka biglang tumakbo kanina?"

"Myco, hi!" ngumiti siya dito at umiling. "Hindi no! bakit naman kita iiwasan, ano lang kasi." Napakamot siya sa noo niya, "Nagmamadali ako at may practice pa kami ng cheering squad."

"Ihahatid na kita." Pag-aalok nito.

"Naku wag na, baka maistorbo pa kita." Nag-cross finger siya, Please wag mo na ko ihatid.

"Hindi ihahatid na kita." Hinawakan siya nito sa braso, ng biglang may tumawag rito.

"Myco!" Napalingon siya sa tumawag rito na ka-team nito sa basketball. "Kanina pa kita hinahanap, pinapatawag tayo ni coach sa office niya."

"Ha? Pero ihahatid ko pa si—"

"Sabi ko naman sa'yo wag mo na ko ihatid sige ah." At nagmamadali na niyang iniwan ito, at nagpunta sa gym kung saan sila may practice sila para sa cheering squad nila.

"Den!" kumaway sa kanya si Ella, ang best friend niya na kasama din niya sa co-cheer leader din niya. Lumapit siya rito, "Bakit ngayon ka lang?"

"Nakipag-habulan pa kasi ako kay Myco." Napakamot siya sa ulo niya, "Ang kulit."

"Kasalanan mo naman yan, masyado ka kasing mabait at kinaibigan mo pa talaga, ayan tuloy na-misinterpret niya nabaliw sa'yo."

"Kasalanan ko pa ngayon, ewan ko ba okay naman ako sa mga nakikipag-kaibigan sa akin pero kapag nagpakita na sila sa akin ng motibo parang ayoko na." sabi niya, halos lahat kasi ng mga nagiging kaibigan niyang lalaki ay nagkakagusto sa kanya at kapag ganoon ang nangyari ay siya na ang kusang umiiwas rito. Pero iba ang kaso ni Myco, masyado itong makulit.

"Magpalit ka na, para makapag-warm up ka na agad, ang init ng ulo ni Ma'am Nath kaya malamang pahirapan na naman tayo niyang sa practice." Sabi nito sa kanya at tumayo na para makapag-warm up.

Dumiretso naman siya sa locker room nila.


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon