RH: Chapter 6

3.4K 79 0
                                    

HUMINTO sila Dennise at Alyssa sa isang resto-bar, inalalayan siya nitong bumaba at ito na rin ang nag-alis ng helmet niya, "Sandali lang tayo, magpapakita lang ako sa kanila." Sabi nito sa kanya bago sila pumasok sa loob.

"Alyssa!" bati rito ng makalapit na sila sa table ng mga kasama nito. Nakipag-fist bump ito.

"Guys, this is Dennise." Pakilala nito sa kanya, at inalalayan siya nito maupo.

"Hi Dennise, I'm Alfred. Mas maganda ka pala sa personal at malapitan." Nakipag-kamay ito sa kanya.

"Ahm, salamat pero san mo ko nakita?" nagtatakang tanong niya, ngayon lang kasi niya ito nakita.

Tiningnan ng masama ni Alyssa si Alfred at tinawanan naman ito ni Alfred, "Ah sa party ni Alyssa, nakita kita duon kaya lang hindi kita malapitan, bantay sarado ka kasi."

"Pasensya ka na kung hindi kita matandaan ah." Napatingin siya kay Alyssa, nakatingin din ito sa kanya kaya naman nag-iwas siya ng tingin dito.

Ipinatong ni Alyssa ang kamay nito sa sandalan niya. "Ano gusto mo? Order ka lang then hatid na din kita after." Masyado itong malapit sa kanya, naiilang siya pero hindi naman niya maalis ang tingin dito.

Tumikhim siya, "Ahm, anything bahala ka na." nag-iwas na siya ng tingin dito at ng mapatingin siya kay Alfred ay nakatingin din ito sa kanila tsaka siya nginitian.

Tinawag na ni Alyssa ang waiter at nag-order sa kanila.

"CR lang ako ah." Paalam niya sa mga ito at tumayo para magpunta sa CR.

"Ly, mukhang iba na yan ah?" tinapik ni Alfred si Alyssa sa balikat.

"What do you mean?" napatingin siya rito.

"Nothing, it's just, the way you look at her parang iba tell me dahil pa rin ba sa plano mo kaya ka nakikipaglapit sa kanya?" mahina lang ang pagkakatanong nito sa kanya para hindi marinig ng ibang kasama nila.

"That's nonsense, of course." Mahinang sabi niya, kinuha niya ang baso ang uminom, hindi niya alam pero parang kahit siya ay hindi naniniwala sa sinabi niya, sa tuwing nagtatama ang paningin nila ni Dennise ay nakakalimutan niya kung ano talaga ang plano niya kaya siya nakipag-lapit rito.

"Mukhang kahit sarili mo kailangan mong kumbinsihin." Tinapik siya sa balikat ni Alfred bago lumayo sa kanya ng makita nitong palapit na sa table nila si Dennise.

Habang palapit sa kanila si Dennise at nakatitig siya rito, nabitin ang baso na hawak niya na iinumin sana niya. Parang nag-slow motion ang tingin niya sa mundo habang naglalakad ito at hindi aware sa nangyayari sa kanya at ng ngumiti ito sa kanya ay bigla siyang napainum sa hawak na baso at nasamid siya.

"OKAY ka lang?" napabilis ang paglapit ni Den kay Alyssa ng bigla itong masamid habang umiinom, hinagod niya ang likod nito at naupo sa tabi nito.

Tumawa naman si Alfred, "Sorry but ly you're funny." Tiningnan naman ito ng masama ni Alyssa kaya nag-peace ito.

"Okay ka na?" ulit niya sa tanong bago ito inabutan ng tissue.

"Yeah, thank you." Kinuha nito sa kanya ang tissue, namumula ang mukha nito at hindi makatingin sa kanya.

Bigla siyang natawa habang nakatingin dito, "Sorry." Sabi niya ng mangunot ang noo nito, "Ang cute mo kasi." Napisil niya ang pisngi nito ng mapansin niyang parang nabigla ito at natulala sa kanya. Tatanungin sana niya nito ng dumating na ang in-order nila, nag-umpisa na silang kumain.

HINUBAD ni Dennise ang suot ng helmet pagkababa niya ng motor at ibinigay kay Alyssa, "Thank you." Nakangiting sabi niya.

Itinaas ni Alyssa ang visor ng helmet nito, "You're welcome, and thank you din hindi ko kasi ine-expect na sasama ka sa akin." Lumapit ito sa kanya, napaatras siya ng bigla siyang yakapin nito.

Pakiramdam niya ay biglang huminto ang oras at ang tanging naririnig lang niya ay ang tibok ng puso nya habang nakayakap sa kanya si Alyssa, "Thank you." Bulong ni Alyssa sa kanya bago siya pinakawalan at naglakad na papunta sa motor nito, hanggang sa makaalis na si Alyssa ay nakatulala pa rin si Dennise sa harap ng gate nila.

"Ikaw ba hija, walang balak pumasok?" napalingon siya at nakita niya si Yaya Ising na nakatayo sa gate nila.

"Papasok na po." Pumasok na siya at nilagpasan ito para mag-diretso sa kwarto niya.

HINDI makatulog si Dennise, kanina pa siya pabaling-baling sa kama niya kaya naman naisipan niya na tumayo at dumiretso sa kusina. Binuksan niya ang ref, inilabas niya ang lalagyan ng icecream at kumuha ng kutsara. Hindi na niya pinag-abalahan na kumuha ng bowl para lagyan ng ice cream, doon na mismo siya kumain.

"Mukhang may pino-problema ang prinsesa." Nakatayo sa pinto papunta sa servant's quarter si Yaya Ising. Lumapit ito sa kanya at hindi na pinagka-abalahan na buksan ang ilaw.

"Yaya, bakit niyo naman po naisip na may problema ako?" umupo ito sa tapat niya.

"Dahil hindi ka naman mahilig sa ice cream, kumakain ka lang niyan kapag malungkot ka." Tinitigan siya nito kaya naman nag-iwas siya ng tingin. Kilalang kilala na talaga siya nito, dito siya lumaki kahit noong nasa poder pa lang siya ng Mommy niya kaya naman ng kunin siya ng ama niya ay isinama niya ito.

"Wala po akong problema 'ya, may iniisip lang po ako naguguluhan lang po."

"Tungkol ba sa babae 'yan?" tanong nito sa kanya.

Nag-iwas siya ng tingin dito, "Paano—bakit niyo naman po nasabi 'yon?"

Nangiti ito sa kanya, "Hija, hindi man ako nagka-asawa ay babae rin ako. Ano ba gumugulo sa'yo at nagkaganyan ka."

Napayuko siya, "Hindi ko po alam, kasi hindi ko naman po siya gaanong kilala pero bakit po ganoon? Hindi siya mawala sa isip ko simula ng unang beses ko siyang makilala at kapag nakikita ko siya..." napahawak siya sa dibdib niya.

"Bumibilis ito?" itinuro ni Yaya Ising ang dibdib niya sa tapat ng puso niya, tumango siya rito. "Bata ka pa, ang magandang gawin mo ay kilalanin mo muna siya."

Tumayo siya at yumakap dito. "Thank you 'ya, sa inyo lang talaga ako nakakapag-sabi unlike Daddy."

"LY, what are you doing here? It's late." Napatinign si Alyssa sa lolo niya, nakatambay siya sa terrace nila, hindi kasi siya makatulog kaya naisipan niyang lumabas na muna.

"Nothing 'lo, I'm just thinking." Sumandal siya sa railings. "Is it right na gumamit ako ng ibang tao para lang makaganti ako." Mahinang sabi niya.

Umiling ito, lumapit sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Buti naman at naisip mo na yan. Matagal ko ng gustong sabihin sa'yo na mali ang idamay mo ang tao na walang kinalaman dito."

"So you mean, kailangan ko na siyang iwasan para hindi siya masama kung ano man ang plano ko?" tanong niya rito.

Tinitigan siya nito sa mga mata, "Do you think it is the right thing to do? Ang iwasan siya?"

Napayuko siya, "Yes, I think it is the right thing to do. Bago pa—bago pa ko ma-in love sa kanya."

"You think so? I think it's too late already." Sabi nito sa kanya bago siya iniwan at pumasok na sa loob.

"I can't, hindi ako pwedeng magkaroon ng koneksyon sa lalaking 'yon, hindi ako pwedeng ma-in love sa anak niya." Mahinang sabi niya sa sarili niya.


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon