RH: Chapter 21

2.9K 80 2
                                    

NAKAUPO si Alyssa sa bleacher at hinihintay si Dennise ng may lumapit sa kanya na babae.

"Hi Alyssa." Nakangiting umupo ito sa tabi niya.

Napakunot ang noo niya, pamilyar sa kanya ito pero hindi niya alam kung saan niya nakilala ito. Nakangiti lang ito sa kanya habang nakakatitig. "Yes?"

Nawala ang ngiti nito. "You don't remember me?"

Umiling lang siya rito.

Sumama ang mukha nito ng mapansin nitong nakatingin siya rito ay agad naman nitong inayos ang expression nito, "I mean, you went to my party just a couple of months ago and we've met there pinakilala ka sa akin."

"Party?" napaisip siya kung anong party ang tinutukoy nito, wala pa naman siyang ibang party ulit na napupuntahan kundi iyong... "You mean yung party na pinuntahan ni Den?"

Sumama ulit ang mukha nito na agad din nitong inayos, "Yeah yun na nga." Walang ganang sagot nito.

"So, sino ka na nga?"

Naiinis na napabuga ito ng hangin. "Seriously?" tumayo na ito at pinameywangan siya, "You don't remember even my name?"

Umiling lang ulit siya rito.

"Oh my god," naiinis na pinaypayan nito ang sarili gamit ang kamay. "I need fresh air."

Sinundan lang niya ito ng tingin ng layasan siya nito. "Problema nun, para tinanong ko lang kung ano pangalan niya."

Nagkibit-balikat na lang siya ng makita niya si Dennise na palapit na sa kanya. Nang makalapit na ito sa kanya ay kinuha niya mula rito ang dalang bag nito.

"Anong ginawa mo kay Ivy? Mukhang galit?" tukoy nito sa babaeng nakasalubong nito.

"Ah, Abbie pala pangalan niya." Hinawakan niya ito sa kamay ng maglakad na sila. "Ewan ko dun lumapit kasi siya sakin so tinanong ko kung anong pangalan niya since mukhang kilala niya ko ayun nagalit kaya umalis."

Natatawang kumapit ito sa braso niya, "Hayaan mu nayun, ganun talaga yun mahirap makuha ang ugali."

"Dinner muna tayo?" aya niya rito.

"Hmn, okay."

PAGTAPAT nila sa sasakyan ni Alyssa ay pinagbukas siya nito ng pinto.

"Bakit hindi mo na yata ginagamit yung motor bike mo?" tanong niya ng maka-upo na ito sa drive seat.

"Baka lang kasi mahirapan ka kapag yun ang gamit ko kapag ihahatid kita." Isinuot na nito ang seatbelt, dumukwang din ito sa kanya at isinuot ang seatbelt sa kanya. Pinisil nito ang baba niya bago umayos ng upo.

"Hindi naman, parang na-miss ko nga sumakay sa motor bike mo."

"Sige one time kapag itatanan na kita yun ang gagamitin ko." Nangingiting sabi nito.

"Puro ka talaga kalokohan."naiiling na sabi na lang niya rito, hindi talaga niya makuha ang ugali nito. Minsan ay seryoso at parang malalim ang iniisip minsan naman ay parang bata na masyadong maloko.

Sasagot pa sana ito sa kanya ng tumunog ang cellphone nito. "Babe, can you answer it?" iniabot nito sa kanya ang phone ng hindi inaalis ang tingin sa daan.

"Hello?"

"Ly, kalian ka pa naging boses babae?"

Natawa siya ng mabosesan si Alfred, "Ngayon lang since hindi niya masagot ang tawag mo at nagda-drive siya."

"Oh I see." Tumawa ito sa kabilang linya, "Pakitanong na lang kung kalian kami pwedeng magkita, I have to give her some papers and report kasi."

"It's Alfred, kalian daw kayo pwedeng magkita may ibibigay daw siya sayong papers and report." Baling niya kay Alyssa.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon