RH: Chapter 16

2.9K 90 0
                                    

"DEN." Sumilip ang Daddy niya sa kwarto niya. "Are you busy?"

Ibinaba niya ang librong binabasa, "No Dad, why?"

"Luis ask me kung pwede mo siyang samahan sa mall, may kailangan daw siyang bilhin and since hindi ka naman busy."

Napabuga siya ng hangin, talagang alam ni Luis kung kanino magpapaalam, bakit hindi na lang sa kanya diniretsong nagpaalam kung pwede niya itong samahan. "Okay Dad, magbibihis lang ako. I'll call him na lang na magkita kami sa mall."

"He's actually downstair, hinihintay ka." Yun lang at lumabas na din ito ang ama niya ng kwarto.

Naiikot niya ang mata niya, at talagang siniguro pa nito na hindi siya makakatanggi. Wala sa mood na pinilit niyang mag-ayos ng sarili.

Pagbaba niya ay naabutan niya si Luis na nakaupo sa couch, ng makita siya nito ay tumayo ito "Tara?" aya na niya rito.

Nang nasa sasakyan na sila ay tahimik lang siya habang byahe.

"Pasensya ka na kung naabala kita ah?" basag ni Luis sa katahimikan.

"Okay lang yun, wala din naman akong ginagawa."

Tinapik-tapik nito ang daliri sa manibela, "Ang totoo niyan hindi naman dapat talaga ako magpapasama sa'yo dumaan lang ako sa bahay niyo dahil may pinabigay ang Papa sa Daddy mo, then nag-suggest ang Dad mo na samahan mo na ako."

Si Daddy talaga. Naiinis na sisi niya sa ama sa isip, "It's okay, ano ba kasi ang kailangan mong bilhin?" wala naman siyang problema kay Luis, parang kapatid na din ang turing niya dito kahit na alam niyang hindi ito sa kanya. Ang ayaw lang niya ay ang pangingi-alam ng ama niya sa relasyon nila, hindi niya mapipilit ang sarili na magkagusto dito ng dahil lang sa utos ng ama niya.

"Kailangan ko lang bumili ng regalo para sa birthday ng anak ng kaibigan ko."

Hindi na siya sumagot dito ng huminto sila sa parking ng mall, "Kain muna tayo bago maghanap para may energy tayo, baka kasi matagalan sa paghahanap." Sabi nito sa kanya ng makapasok na sila sa loob ng mall.

"Sige." Pagkibit-balikat niya, nakarating sila sa isang restaurant. Pag-order nila ay nagpaalam sandali si Luis na mag-CR, sinundan niya ito ng tingin.

Nilibang niya ang sarili sa pagtingin-tingin sa paligid habang hinihintay niya si Luis na bumalik ng mahagip ng mata niya di kalayuan si Alyssa na nakatayo sa tapat ng store, paglingon nito ay nakita siya nito.

Kumaway siya rito masayang ngumiti naman ito sa kanya ng siyang pagbalik ni Luis, napakunot ang noo nito ng maupo sa tapat niya si Luis. Nagkibit balikat na lang siya rito, "Ahm, wait lang Luis mag-CR lang ako." Paalam niya rito at tumayo na bago pa ito makasagot.

Paglabas niya ng restaurant ay hinanap niya ng mata si Alyssa ng biglang may humila sa kanya sa braso. Dinala siya ni Alyssa sa isang gilid kung saan hindi sila kita mula sa kinauupuan ni Luis tsaka siya isinandal sa pader. "Hi." Bati sa kanya ni Alyssa.

"Hello." Itinaas niya ang kamay bilang pagkaway dito. "Ahm, sinamahan ko lang si Luis na bumili ng regalo para sa birthday na pupuntahan niya. Since hindi naman ako busy nakakahiya naman kung hindi ko siya samahan di ba?" mabilis na sabi niya.

Tumaas ang kilay nito, "Bakit ka nagpapaliwanag sa akin?" nakangiting tanong nito sa kanya. itinaas nito ang kamay niya at tiningnan ang wrist niya na walang suot na bracelet.

Nakagat niya ang labi niya, "Hindi ako nagpapaliwanag no, nagsasabi lang ako masama ba?" binawi niya ang kamay niya rito. "Balik na ko dun baka natagalan na ko masyado."

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon