RH: Chapter 19

2.8K 83 2
                                    

AlyssaValdez2: Here's what I'll do: I'll take care of you

Napangiti si Dennise ng pagbukas niya ng twitter ay yun ang bumungad sa kanya. Kaya naman nag-post din siya ng hindi ito mine-mention.

Denniselazaro: Talaga lang ah, sabi mo yan.

AlyssaValdez2: Yep, and this is gotta be the happiest day of my life.

Denniselazaro: If you're happy and you know it clap your hands *clap clap*

AlyssaValdez2: Why would I do that?

Denniselazaro: I don't know bakit nga ba?

AlyssaValdez2: Because I love you.

Denniselazaro: And I love you too.

AlyssaValdez2: Goodnight

Denniselazaro: Don't count sheep, talk to the shepherd.

AlyssaValdez2: I will, and thank Him for giving you to him.

Natatawa si Dennise mag-isa, kasi naman kahit hindi nila mine-mention ang isa't isa ay nagkakaintindihan sila at alam nila na silang dalawa ang nagu-usap magtatype pa sana siya ng mag-text sa kanya si Alyssa,

'Goodnight matulog ka na din it's late already. Love you'

'Okay, goodnight. Love you more'

Denniselazaro: drumset ka ba?...... lakas mo kasi makagabog eh! boom! #boypikup

Denniselazaro: tanim ka ba? ....... sarap mo kasi ibaon sa lupa! Hehehe

Denniselazaro: nawawala ka ba?...... hinahanap kasi kita eh... haha! :)

Denniselazaro: asukal ka ba? .... ang sweet mo kasi! boom!

Denniselazaro: pano kaya kung lahat ng tao e sweet.... magka dyabetes kaya tayo? hmmn...

Kinuha niya ang phone niya ng tumunog iyon na may nag-text.

'Matulog ka na ang daldal mo pa.' Natawa siya ng mabasa ang text ni Alyssa.

Denniselazaro: Okay dozzzzzzzzzed off

PAGPASOK ni Alyssa sa office ng Lolo Nestor niya ay naabutan niya doon ang Daddy ni Dennise "Good morning Mr. Mike." Bati niya rito, "Lo bakit niyo ko pinatawag?"

"Actually hindi ako ang gustong kumausap sa'yo kundi si Mike." Tumayo ito, maiwan ko na muna kayo may meeting pa akong kailangan puntahan.

Naupo siya sa single sofa na katapat ni Mike, "Bakit niyo ako gustong makausap?"

"It's about my daughter, Dennise. Napapansin ko na masyado na siyang napapalapit sa'yo pati na rin ang paghahatid mo sa kanya. At hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa, I don't like you for her."

Naikuyom ni Alyssa ang mga kamay niya, "I don't think it's for you to decide."

"It is, dahil ama niya ako. May iba akong gusto para sa kanya and that is Luis Alfonso Revilla."

Kumunot ang noo niya sa binanggit nito, alam niyang may gusto si Luis kay Dennise pero hindi niya inaasahan na inirereto ito ng ama rito. "Hindi mo kayang turuan ang isang tao na magkagusto sa ibang tao and especially Dennise, may sarili siyang isip."

"I can, naguguluhan pa lang siya pero kapag nakapag-isip na siya ay malalaman niya na it's for her own good."

"Does it really for her own good?"

"Of course, I'm her father, kaya kung ano ang makakabuti sa kanya."

Naningkit ang mga mata niya rito, kinimkim niya ang bumabangong galit dito, kung hindi lang niya kilala ang totoong ugali nito ay baka napaniwala na siya. "Well I guess, doon tayo magkakasundo, I also want what is good for her." Tumayo na siya, "Is that all sir?"

Tumayo na din ito, "Yes that is all."

Pagkalabas nito ng kwarto ay kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Alfred. "Alfred, can I ask you a favor?"

"Sure, what is it?" sagot nito sa kabilang linya.

"Contact your men and sabihin mo sa kanila na gusto kong malaman kung ano ang kinalaman ni Mike sa pamilya ni Luis Alfonso Revilla."

"Luis Alfonso Revilla? Yung lalaki na nakakasabay natin sa firing range?"

"Yes, siya nga."

"Okay, I'll give you the report as soon as possible."

"Thanks."

NAKAUPO si Dennise at Alyssa sa carpeted floor ng sala sa condo ni Alyssa. Nanood sila ng movie, nakasandal ito sa paanan ng couch samantalang siya ay nakasandal naman sa katawan nito, nakayakap din ito sa kanya.

"I talked to your Dad pala kaninang umaga. Nagpunta siya sa office ni Lolo."

"Ano pinag-usapan niya?" humarap siya rito.

"He said he doesn't like me for you."

Nakagat niya ang labi niya, alam niya iyon pero hindi niya akalain na darating pa sa punto na kakausapin pa nito si Alyssa. "Anong sabi mo?"

"Na hindi dapat siya ang nagde-decide para sa'yo. Don't worry hindi ko sinabi sa kanya na tayo na."

Nakahinga siya ng maluwag, ayaw naman niyang itago ang relasyon niya sa ama. "Bakit hindi mo sinabi?"

"Dahil sinabi niyang ayaw niya sa akin, at kung sinabi ko pa sa kanya na girlfriend kita baka lalo ka lang niyang ilayo sa akin. Pero hindi naman ako papayag na ilayo ka."

"Sorry, ayoko naman na itago ka kay Daddy pero natatakot ako na ganoon nga ang gawin niya na ilayo ako sa'yo or worst ipilit niya ko sa iba."

"Si Luis."

Nagulat siya sa sinabi nito. "Paano mong nalaman?"

"Sinabi din niya sa akin na si Luis ang gusto niya para sa'yo."

Napabuga siya ng hangin, "Magkaibigan lang naman kami ni Luis at alam niya 'yon."

"Pero hindi kaibigan ang tingin sa'yo ni Luis."

Tumango siya rito. "Pero—"

Inilagay nito ang hintuturo sa labi niya para patigilin siya sa pagsasalita. "It doesn't matter, kahit naman ilang lalaki pa ang magkagusto sa'yo sakin pa rin naman di ba."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Ikaw din no, dami mo kayang chicks. Kaya dapat behave ka lang."

"Behave naman talaga ako, at wala akong chicks. Friendly lang talaga ako."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Talaga lang ah."

"Yep, may ibibigay nga pala ako sa'yo." Dumukot ito sa bulsa, iniabot nito sa kanya ang isang locket. "Open it."

Pagbukas niya ng locket ay natawa siya, "Bakit ganito yung picture? Naka-pout? At saan mo naman nakuha ang picture ko na 'to?"

"Sa twitter." Natatawang sabi nito, "Ganito kasi yan. Di ba naka-pout tayong dalawa so pag sinara mo yung locket." Tumaas-taas ang kilay nito sa kanya.

Tawa siya ng tawa ng ma-gets niya ang ibig nitong sabihin. "Puro ka talaga kalokohan." Hinampas niya ito sa braso.

Kinuha naman nito mula sa kanya ang locket at isinuot sa kanya. "Huwag mong huhubarin yan ah, at wag mo din papalitan yung pictures."

"Oo na." natatawang sabi niya. Yumakap siya rito. "Thank you." Hinalikan niya ito sa pisngi.

f


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon