RH: Chapter 18

3.1K 92 2
                                    

VICTORY party ng soccer team nila Alyssa kaya naman nandoon silang magkakaibigan nila Den, si Alyssa naman ay sandaling nagpaalam na kasama ang mga team mates nito.

"Kamusta naman kayo?" siko sa kanya ni Ella na nakatingin kay Alyssa na naka-upo sa kabilang table kausap ang mga ka-team nito.

"Maka-tanong ka wala pa nga sila 24 hours na mag-on no." sabi Shiela dito.

"Oo nga naman kasi." Pagsang-ayon niya, "Tsaka isa ganun din naman ang trato niya sa akin kahit nung nanliligaw pa lang siya."

"Pero ibang klase ang chemistry niyo ah." Sabi ni Ellaa. "Alam mo yung magtitigan lang kayo pero lahat na ng tao na makakakita sa inyo imposibleng hindi kiligin sa inyong dalawa."

"Alam mo, kung ano-ano napapansin niyo."

"Hi Den." Paglingon niya ay nakita niya si Alfred, "Kamusta?" humalik ito sa pisngi niya at naki-upo sa table nila.

"Ayos naman, by the way these are my friends Ella, Laura, and Shiela." Pakilala niya sa mga kaibigan niya. "And girls, si Alfred friend ni Alyssa."

"Hi girls." Masayang bati nito, "Balita ko okay na kayo ni Alyssa ah."

"Oo at may pagka-chismoso ka rin no." natatawang sabi niya rito.

"Siya kaya nagsabi sakin."

"Pareho kayo, magkaibigan nga kayo."

Ngumiti lang ito sa kanya, "Kung alam mo lang, torpe kaya yan sayo ilang pangungulit pa ginawa ko dyan para lang manligaw na sa'yo."

"Talaga? Parang hindi kapani-paniwala mukha kasi siyang malapit sa babae."

Natawa ito sa kanya, "Yeah chickboy yan pero pagdating sa'yo tiklop." Iniikot nito ang paningin, "Nasaan nga pala 'yon?" hanap nito kay Alyssa na wala na sa kabilang table kung san may kausap ito kanina.

"Ayun oh." Turo ni Ella kay Alyssa na nakita nilang nakatayo sa gilid ng makeshift stage at may kinakausap na lalaki, nakita nila ng abutan ito ng gitara ng kausap.

Umakyat ito sa stage at naupo sa stool, at nag-mic test.

"Don't tell me she's going to sing."

"She can sing?"

"And obviously she can play guitar."

Sunod-sunod na react ng mga kaibigan niya, tahimik lang siya at nakatingin kay Alyssa, kahit siya ay yun din ang tanong sa sarili niya.

"She looks like she's going to sing, yes she can sing and play guitar." Sagot ni Alfred sa tanong nga mga kaibigan niya, napatingin silang lahat dito na nginitian sila.

"Good evening everyone. May I get your attention." Agaw pansin ni Alyssa, "Before I start I would like to dedicate this song to the girl on table," nagbilang ito ng mga tables, "Table 8 that girl who's wearing an orange dress." Nakangiting kumaway ito sa kanya.

Nahihiyang tinakpan niya ang mukha niya ng palad niya ng magtinginan ang mga tao sa kanya. Natatawang inasar naman siya ng mga kaibigan niya kasama na si Alfred.

"Okay," huminga ng malalim si Alyssa and she started strumming her guitar.

There are no words, to paint a picture of you girl
Your eyes, and those curves, it's like you're from some other world
You walk in my way, oh God it's so frustrating.

So while I disappear when you come near,
It makes me feel so small,
Why do I blow my lines, most every time,
Like I've got no chance at all,

If I could be your superman,
I'd fly you to the stars and back again.
'cause everytime you touch my hand,
I can feel my powers running through your veins.
But I can only write this song,
And tell you that I'm not that strong.
'Cause I'm no superman, I hope you like me as I am

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon