RH: Chapter 14

3.4K 94 0
                                    

"KANINO galing yan?" tanong ni Ella sa kanya.

Nagkibit siya ng balikat. "Ewan ko." Kinuha niya ang nakadikit na single blue rose sa desk niya, pagpasok nila sa classroom ay iyon agad ang nakita nila. Binasa niya ang card na kasama doon.

-Can you meet me later? 5pm @soccer field- Ly

Tumili ang mga kaibigan niya ng mabasa ang message at kung kanino galing iyon.

"Ano ba kayo, tumahimik nga kayo. Nakakahiya." Pinagtinginan sila ng mga kaklase nila, mabuti na lang at wala pa silang prof kung hindi ay baka napagalitan pa sila.

"Kasalanan bang kiligin?" sabi ni Laura, sinundot siya nito sa braso. "Aminin mo, kinikilig ka din no."

"Ano ba ka! Huwag ka nga." Kinagat niya ang labi niya para mapigilan ang pag-ngiti niya pero hindi niya pa rin naitago.

"Ikaw na! Ikaw na kinikilig." Pinaghahampas naman siya ni Shiela.

"Hindi kaya." Pagkakaila niya.

"Magkakaila ka pa ganoon?" sabi ni Ella na lumapit pa ang mukha sa kanya. "Tingnan mo nga yang ngiti mo, mapupunit na yang pisngi mo."

Nahihiyang tinakpan niya ang mukha niya. "Basta kasi, wag kayo magulo."

"Oh my god, dalaga na ang baby natin! For the first time may nakapagpakilig sayo! At take note, Babae ah! Haha." Sabi ni Ella na niyakap siya. "Em so proud of you."

"OA ah." Hinila niya ang buhok nito.

"Kasi naman, sa dinami-dami ba naman ng lalaking nagpapansin sa'yo, kay Alyssa ka lang namin nakitang kinilig ng ganyan."

Inamoy niya ang rose na bigay ni Alyssa. "Hindi ko din alam eh, pero kinikilig nga ako." Pag-amin din niya. Natatawang kinuyog siya ng mga kaibigan niya.

PAGDATING ni Dennise sa field ay nagpa-practice pa sila Alyssa, lumapit ito sa kanya ng makita siyang umupo sa bleacher. "Hi! Pasensya ka na ah, medyo na-extend ang practice namin."

"Okay lang, hintayin na lang kita dito."

"Doon ka na maghintay." Hinawakan siya nito sa kamay at inakay siya nito para lumipat ng upuan sa bench katabi ng coach.

"Okay lang ba dito ako?" tanong niya.

"Oo naman, gamit ko nga yan oh." Tukoy nito sa bag na katabi niya.

Naramdaman niyang nakatingin sa kanila ang mga ka-team nito na ang iba ay tumigil pa sa pagpa-practice. Nakagat niya ang labi niya, "Sige na, bumalik ka na sa practice niyo. Dito lang ako."

"Ah, sige." Parang alangan na iniwan siya ni Alyssa, ng makalapit ito sa mga ka-team nito ay inulan ito ng tukso mula sa mga ito, natatawang pinanuod niya ang mga ito magkulitan habang nagpa-practice.

Habang nagpa-practice ang mga ito ay kay Alyssa lang nakatuon ang tingin niya, mabilis ang bawat galaw nito, kahit bago pa lang ito sa team ay makikita ng hindi ito bago pagdating sa paglalaro. Bawat sipa at pasa nito sa bola ay kalkulado.

Nang mag-break ang mga ito ay patakbong lumapit sa kanya si Alyssa, inabutan niya ito ng tubig.

"Thanks." Uminom na ito. Inulan sila ng tukso ng makita ng mga ka-team nito ang ginawa niyang pag-abot ng tubig dito. "Tumigil nga kayo, hindi sanay si Dennise. Baka mailing lang siya." Saway nito sa mga kasama. Umupo ito sa tabi niya, "Pagpasensyahan mo na yang mga yan."

Ngumiti siya rito, "Okay lang yun. Kilala ko naman yung iba sa kanila, sanay na ko sa kakulitan nila."

Hindi na ito sumagot sa kanya, nakangiting nagpunas ito ng pawis sa noo gamit ang kamay nito, kinuha niya ang towel nito na nakapatong sa bag nito at pinunasan niya ang pawis nito sa mukha.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon