RH: Chapter 17

2.9K 88 2
                                    

MALAPIT ng mag-umpisa ang laban ng makarating sila, sa school nila gaganapin ang laban kaya naman halos lahat ng audience doon ay estudyante ng school nila although may iba rin na dumating para suportahan ang kalaban na team.

Naghahanap na sila ng mauupuan ng may lumapit sa kanilang lalaki, bata pa ito sa tingin niya ay freshman pa lang ito. "Ate Dennise?" Nakakunot ang noong tumango siya rito, napakamot ito sa ulo. "Ibinilin po kasi ni Ate Ly na doon daw po kayo maupo ng mga kabigan niyo." Itinuro nito ang bakanteng bleacher na malapit sa bench ng mga players at coach.

"Ganoon ba? Pasensya ka na kung natagalan ka sa paghihintay sa amin." Hinging paumanhin niya rito ng sumunod sila rito papunta sa upuan nila.

Nang makaupo na sila ay magalang itong nagpaalam sa kanila at umalis na rin. Napako ang tingin niya sa mga players na nagwa-warm up sa gitna ng field. Napahawak siya sa bracelet na nakasuot sa kanang kamay niya ng matanawan niya si Alyssa.

"Ano wala ka bang balak na lapitan siya at ipakita yang suot mo ha?" dinunggol siya sa balikat ni Ella.

"Paano ko siyang lalapitan kung may laban nga oh, mamaya na lang kapag siya na ang lumapit." Nakita niyang parang may hinahanap si Alyssa at ng magawi sa kanila ang tingin nito ay nakangiting kumaway sa kanila.

Lalapit sana ito sa kanila ng tawagin ito ng coach nito dahil mag-uumpisa na ang laban, natawa siya ng mag-flying kiss ito sa kanya at sipain iyon na parang invisible na bola papunta sa kanya.

At dahil nakita iyon ng mga kaibigan niya ay hindi niya maiwasan ang matukso ng mga ito. "Wag nga kayo, magu-umpisa na oh."

"Aminin mo kinikilig ka no?" sinundot siya sa tagiliran ni Laura.

"Ano ba, tumigil nga kayo." Pagsaway niya sa mga ito, pigil niya ang ngiti para hindi na siya mapansin pa ng mga ito pero parang walang balak siyang tigilan.

"Pakipot ka din eh, obvious ka naman." Pandagdag ni Shiela.

"Oo nga." Pagsang-ayon ni Ella sa mga ito, "Suot mo na nga yung bracelet oh, formality na lang ang kailangan at yun ay ang makita niya na suot mo mismo yan."

"Kaya ingatan mo yan, baka mapigtas pa yang bracelet mo." Paalala ni Laura sa kanya.

"Oh kaya naman mahulog sa imburnal, pwede mo naman siyang hanapin kaya lang eeew kaya yun." Panggatong ni Shiela sa kalokohan ni Lau.

Tawa naman ng tawa si Ella sa pinagsasabi ng dalawa, "Tsk, sayang yun kung sakali love life na naging bato pa."

Isa-isa niyang pinaghahampas ang mga ito, "Kayo kung wala kayong masabing matino tahimik na lang kayo. Hindi ako makanuod dahil sa inyo."

Mukhang hindi siya sineryoso dahil tinawanan lang siya ng mga ito.

KANINA pa palipat-lipat ang tingin ni Alyssa kay Dennise na naka-upo sa bleacher sa likod lang ng upuan ng coach nila at sa coach nila na ini-instruct sila ng dapat nilang gawin, kanina niya pa ito gustong lapitan pero hindi na siya nakalapit dahil malapit na mag-umpisa ang laban nila.

"Valdez, focus." Tawag pansin sa kanya ng coach nila. Lumipat ang tingin nito kay Dennise, naiiling na nangiti ito. "Yan dapat ang ginagawang inspiration hindi distraction kaya makinig ka sa sinasabi ko hindi yang kung san-san gumagawi ang mata mo."

Napakamot siya sa ulo, "Sorry coach."

Ibinalik na niya ang pansin sa sinasabi nito.

MAHIGPIT ang laban kaya naman hindi magkamayaw ang mga audience sa pagch-cheer, 2-1 ang score lamang ang team nila Alyssa ang kailangan na lang ay maka-goal pa sila upang sila na ang panalo.

Ipinasa ng ka-team niya ang bola sa kanya pero mabilis na nabakuran siya ng kabilang team nakipag-agawan ito sa kanya ng bola ngunit mabilis siyang kumilos para maipasa iyon sa ka-team niya na standby sa kanya. Nang ito naman ang bakuran ay mabilis siyang tumakbo.

Bumwelo ito na ipapasa sa isa pa nilang ka-team na medyo malapit dito ang bola at ng mahagip siya nito ng tingin ay finake nito iyon at mabilis na naipasa sa kanya ang bola. Hindi iyon inaasahan ng kalaban kaya naman hindi agad naka-bwelo na makalapit sa kanya mabilis siyang tumakbo habang sinisipa ang bola at ng makasipat siya ng magandang bwelo ay sinipa niya ng malakas ang bola para maka-goal.

Pagsipa niya ng bola ay pigil ang hininga na hinintay ng lahat kung ano ang kalalabasan, kung makaka-goal siya ay panalo na sila kung hindi naman ay magkakaroon pa ng isang game na maaring ihabol ng kabilang team.

Tinangka iyong harangin ng goalkeeper ngunit hindi nito iyon naharang at dumiretso sa net ang bola. "YES!" malakas na sigawan nilang lahat, patakbong naglapitan sa kanya ang mga ka-team niya at binuhat siya ng mga ito. Rinig na rinig din ang malakas ng hiyawan ng mga audience, masayang lumapit sa kanila ang coach nila at nakisali na rin sa kaguluhan nila sa gitna ng field.

Ang ibang team mates naman niya ay nakipagbasaan pa ng tubig maging sa mga audience, ng ibaba siya ng mga bumuhat sa kanya ay mahigpit siyang niyakap ng coach nila, "Good job, Valdez." Tinapik siya nito sa likod, "You're team work with Reyes and Chua during that last scene is epic." Puri nito sa kanilang tatlo na nag-fake sa kalaban kaya naman mabilis na naipasa sa kanya ang bola.

Tinapik din niya sa balikat ang dalawa niyang team mates na siyang malaking dahilan at nai-goal niya ang bola. "Team work indeed."

Ilang batian pa ang naganap bago siya tuluyang nakawala sa mga ito, hinanap ng mata niya si Dennise at nakita niya ito kasama ang mga kaibigan na nakatayo at pumapalakpak habang nagch-cheer sa pagkapanalo nila.

Patakbo siyang lumapit sa mga ito, tinalon niya ang paghakbang sa railings na harang. Nang tuluyang makalapit dito ay natigilan siya ng mapansin niya ang nakasuot sa kanang kamay nito.

NAPANGITI si Dennise ng mapansin niyang parang natigilansi Alyssa ng mapatingin ito sa kanang kamay niya kung saan naka-suot ang bracelet na binigay nito sa kanya.

"Congratulations! Ang galing mo." Tinapik niya ito sa balikat.

Hinawakan siya nito sa kanang kamay at tinitigan ang bracelet, "Really?" baling nito sa kanya.

Pigil ang ngiting tumango siya rito, hinintay niya ang magiging reaksyon nito. Nagulat siya ng bigla itong tumawa at pakabig siyang niyakap. "Thank you." Bulong nito sa kanya, natatawang gumanti siya ng yakap dito.

Hindi nila namalayan na sa kanila na pala napunta ang atensyon ng ibang tao na malapit sa kanila, ang ibang team mates din ni Alyssa ay sa kanila na rin napunta ang pansin. Sinimulan silang tuksuhin ng mga ito at dumagdag pa ang mga kaibigan niya.

Tinawanan lang nilang dalawa ang mga ito, "You don't know how happy you've made me today." Sabi nito sa kanya habang nakahawak sa bewang niya. Kitang kita niya ang kasiyahan sa mata nito at alam niya na siya man ay ganoon.

"I am as happy as you are." Ipinaikot niya ang mga kamay sa batok nito ng buhatin siya nito at iikot.

Nang maibaba siya ay pinagdikit nito ang kanilang noo, nakapikit ito habang nakangiti. Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito nang dumilat ito ay nagtama ang paningin nila, "I love you." Bulong nito.

Yumakap siya rito, gumanti naman it ng mas mahigpit na yakap. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaligayahan niya ngayong araw na ito, kung sana ay pwedeng wag ng matapos ang araw na ito. But no, she knows that after this day ay mas magiging masaya pa siya dahil nandyan si Alyssa para pasayahin siya.

"I love you too." Ganting bulong niya sa tenga nito na tanging ito lang ang makakarinig.


Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon