RH: Chapter 8

3.1K 78 2
                                    

"HI Dennise!" bati sa kanya ni Ivy, kasama nito ang ever-loyal friends nito na sina Aiko at Myla. Co-cheerleader niya ito pero hindi nila ka-close. "I just want to give you this." Ibinigay nito sa kanya ang isang envelope.

"Para saan 'to?"

"I'm having a house party tomorrow night, sana makapunta kayo since Friday night naman."

Nag-alangan siyang sumagot, "Ahm kasi—"

"Sige naman na, you and you're friends." Nakangiting baling nito sa mga kaibigan niya.

"S-sure." Napipilitang sagot niya.

"Thank you!" umalis na ang mga ito.

Nilingon siya ni Ella, "Bakit ka pumayag?"

"Kasi..." napabuga siya ng hangin.

"Hindi ka makatanggi?" tumango na lang siya rito. "Paano ngayon yan? Pupunta ka?"

Nginitian niya ito ng matamis at nag-beautiful eyes. "Samahan niyo ko." Sabi niya rito at kila Laura at Shiela.

"Hind ako pwede Denden, alam mo naman na every Friday umuuwi ako sa province namin." Sabi ni Ella sa kanya.

"Shiela, Lau." Baling niya sa dalawa, nag-paawa look siya sa mga ito.

"Hindi rin ako pwede, dadating ang tita ko at may family reunion kami." Sabi ni Shiela sa kanya.

"Ako pwede , samahan na kita tutal wala naman akong gagawin bukas ng gabi." Pag-payag ni Laura.

Napatayo siya at lumapit dito, "Talaga? Yey! Thank you talaga Laura." Niyakap niya ito.

"LAU, where are you?" kausap ni Dennise si Laura sa cellphone, nasa tapat na siya ng bahay nila Ivy at hindi siya makapasok dahil hinihintay niya pa ito.

"Den, I'm so sorry hindi ako makakapunta it's an emergency my cousin had an accident papunta na kami ng hospital ngayon. I'm sorry talaga."

Napabuga siya ng hangin, "No, it's okay. Send my regards to your cousin." Binaba na niya ang tawag, tutal ay wala naman siyang makakasama ay hindi na lang siya tutuloy.

Paalis na sana siya ng makasalubong niya sina Aiko at Myla, "Den! You're here nap ala, tara na sa loob." Hinila siya ng mga ito sa braso.

"Wait kasi—" huminto siya.

"Don't' tell me aalis ka na hindi ka pa nga nakakapasok magtatampo sa'yo si Ivy." Sabi ni Myla sa kanya.

"Let's go inside na." hinila na siya ni Aiko kaya wala na siyang nagawa kundi sumama sa mga ito.

KANINA pa gustong umalis ni Dennise, pero hindi siya makaalis dahil na rin sa pakiusap ni Ivy na mag-stay pa siya kahit sandali, maingay ang paligid dahil sa malakas na tugtugan at isabay pa ang pag-iingay na din ng mga tao. Hindi siya sanay sa ganoong environment, at halos lahat din ng mga nandoon ay may hawak na bote ng alak.

"Denden!" lumapit sa kanya si Ivy, "Here have a drink." Iniabot nito sa kanya ang hawak na baso.

"Hindi ako umiinom." Tanggi niya.

"Don't be such a party spoiler Den, besides hindi naman 'to nakakalasing." Pilit nito sa kanya.

"Ahm ano kasi—"

She shoved the glass into her hand, "Please Dennise?"

Napakagat siya sa labi niya at napipilitan niyang ininom ang baso na hawak, nag-cheer ang mga tao na nakakita sa kanya. The next thing she knew nagkasunod-sunod na ang pagsasalin sa hawak niyang baso.

Nahihilo na si Dennise, umiikot na ang paningin niya kaya naman sinubukan niyang lumayo sa mga tao na nakapaligid sa kanya, "Hey where are you going?" tanong sa kanya ng isang lalaki na hindi na niya matandaan ang pangalan.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon