RH: Chapter 31

4.4K 86 15
                                    


MEDYO nag-alangan si Dennise na tumuloy sa sinasabi ni Alyssa ng makita niyang medyo madawag ang daan, pero dahil gusto rin niyang makabalik sa cliff na napuntahan niya ng bata siya ay tumuloy pa rin siya. Maganda ang view na nadadaanan niya, kahit tirik ang araw ay natatakpan iyon ng makakapal na dahon ng puno. Habang daan ay hindi niya mapigilan ang pagkuha ng litrato.

Pagdating niya sa lugar na sinasabi ni Alyssa ay napa-wow siya sa nakita. Isa iyong hindi kataasan na cliff at ang clearing na may mga iba't ibang wild flowers. Sa ibaba ng cliff naman imbis na dagat o tubig ay bukirin ang makikita at dahil panahon ng pananim ay puro green ang makikita.

Kinuha niya kaagad ang camera niya at kumuha ng madaming mga litrato, nang mapagod ay naupo siya sa ibabaw ng malaking bato paharap sa bukid, ipinikit niya ang mga mata niya at pinuno ng hangin at dibdib. And just like what Alyssa said in-imagine niya na kasama niya si Alyssa that time and she's right she can feel her presence na kahit malayo ito ay parang kasama na din niya ito. Napangiti siya at humawak sa dibdib niya.

"I really wish you were here." Bulong niya sa hangin.

"I am here." Bigla siyang napalingon at dahil sa biglaang galaw niya ay muntik na siyang malaglag sa kinauupuan niyang bato kung hindi lang may humawak at umalalay sa kanya at maingat siyang naibaba sa lupa.

"Ly?" napatitig siya rito at sinuguradong hindi ito imagination lang niya, itinaas niya ang kamay niya at hinawakan ito sa pisngi tsaka niya ito kinurot ng madiin.

"Aw!" pinigilan nito ang kamay niya at inilayo ang pisngi sa kanya. "Para san yun?"

"Akala ko kasi hindi ka totoo."

"Di ba dapat sarili mo kukurutin mo? Bakit ako?" hinimas nito ang nasaktang pisngi.

"Ayoko nga, masakit yun no. Okay na yung nasaktan ka so totoo ka nga."

"Eh kung ikaw kaya ang..." iniamba nito ang kamay sa pisngi niya.

"Oh sige ano?" banta niya rito at humakbang paatras dito.

"Wala, ihu-hug lang kita." Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit, napakapit siya sa batok nito ng iangat siya nito.

"How did you know this place pala?" tanong niya ng ibaba na rin siya nito.

"I asked around." Nakangiting sabi nito.

"Kailan ka pa dito?"

"Kanina lang, kasama ko si Alfred."

"Na-miss mo ko no? Di ka nakatiis eh." Pinisil niya ang ilong nito.

Nakalabing tumango ito sa kanya tsaka siya niyakap at ipinatong ang baba sa balikat niya. "I missed you." Bulong nito sa kanya.

"I'VE been here once." Sabi ni Dennise kay Alyssa, magkatabi silang naka-upo sa malaking bato.

"Really? When?" gulat na tanong ni Alyssa kay Dennise. Madalas siya sa lugar na ito noong bata pa siya.

"Matagal na, bata pa ako I was 10 or 11 that time." Nilingon siya nito. "A friend brought me here."

Napaisip siya roon, madalas siya sa lugar na ito at paborito niyang puntahan dati pa pero parang wala siyang matandaan na nagawi ito o ibang tao na hindi niya kilala sa lugar na ito.

Humilig ito sa balikat niya, "Huwag ka magtampo ha? Pero kasi, you weren't my first love."

"What?"

Mabilis itong bumaba sa bato at pumuwesto sa pagitan ng hita niya paharap sa kanya. "I can't actually tell if I loved that girl but..."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito, kahit matagal na iyon ay hindi pa rin niya maiwasan na makaramdam ng selos.

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon