RH: Chapter 28

2.9K 63 0
                                    

KATATAPOS lang ng klase ni Dennise ng saktong magring ang phone niya, nang i-check niya kung sino ang tumatawag ay nakita niyang overseas call iyon, napangiti siya dahil alamn na kaagad niya kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Tito Chris! Napatawag ka? Kamusta na?"

"Den, nandyan ba Tita mo?" bungad agad nito sa kanya.

"Paano mo naman nasabi na nandito siya? Parang ang lapit lang ng France sa Pilipinas ah."

"Dyan lang naman pumupunta yun kapag ganitong may tampuhan kami."

Natawa siya sa sarili niya ng marinig niya ang frustration sa boses nito. "Relak lang, nandito sila kasama niya si Julie."

"That's good, pakibantayan ah? Uuwi ako dyan."

"Bata ba? Bakit ko naman kailangan bantayan?"

"Baka kasi kapag nalaman niya na susunod ako dyan sa Pilipinas salisihan ako nun."

"Ikaw naman kasi Tito, bakit mo inaway?"

"Hindi ko siya inaaway no, siya na nga nang-away sa akin siya pa may ganang magtampo."

"Oh sige, ako na bahala kay Tita basta sabihan mo lang ako kung kalian ang dating mo dito para masundo ka namin."

"Okay, salamat."

"Bye." Pagkababa ni Dennise ng tawag ay natatawang napa-upo siya sa armchair, sila na lang magkakaibigan ang natira classroom ngayon.

"So magka-away pala yung Tita at asawa niya ngayon kaya siya biglang napauwi." Sabi ni Ella na naka-upo ng paharap sa kanya.

"Yeah, tampuhan lang yun lagi naman ganun yung mga 'yon. Sanay na ko." Inayos na niya ang mga gamit at inilagay sa loob ng bag niya.

"Pero ang sweet nila, nakakainggit tuloy." Sabi naman ni Laura.

Nangalumbaba siya, "Yeah, ang sweet nga nila. alam mo yung parang lambingan na nila yung away nila na yan. It's a part of their relationship already."

"And natatandaan ko pa di pa ang tagal nilang mag-boyfriend-girlfriend before sila magpakasal." Sabi ni Ella, ito ang pinakamatagal niyang kaibigan kaya naman ito ang nakakaalam ng lahat di tulad nila Lau at Shiela na nitong College lang niya nakilala at nakapalagayan ng loob. "I remember pa nga na sobrang under ni Kuya Chris sa Tita mo, remember nung ginawa natin siyang yayo nung magka-away sila ni Tita Cha para ilakad natin na magkaayos na sila."

Natawa siya ng maalala ang mga kalokohan nila na yon kung saan pinahirapan nila si Tito Chris para matulungan nilang magka-ayos ang dalawa. "Eh kung ulitin kaya natin?" tiningnan niya ang mga kaibigan niya na napangiti sa idea niya.

"SO itong Tito Chris mo naman ang susunduin natin?" tanong ni Alyssa, nasa airport na naman sila at hinihintay naman ang pagdating ng asawa ng Tita Cha niya.

"Yup." Tumango siya rito. "Mabait siya sobra."

"Hmn, ganyan din ang sinabi mo kay Tita Cha pero sinupladahan lang ako nung umpisa."

Natawa siya rito, "Ano ka ba siyempre ganun lang talaga yun pero okay naman na kayo di ba?"

"There he is." Turo ni Den ng makita niyang lumabas anb Tito Chris niya, sinalubong nila ito.

"Where's Cha." Sabi agad nito pagkalapit nila rito.

"Agad-agad? Wala man lang kumustahan muna?" humalik siya sa pisngi nito.

Napahawak ito sa sentido nito, "Pasensya ka na, kasi naman."

Tinapik niya ito sa balikat. "Okay lang yan Tito, kaya lang kasi may binilin si Tita Cha sa akin."

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon