RH: Chapter 23

3K 76 2
                                    

BAKIT ayaw mo nito? Maganda 'to promise tsaka bakit ka matatakot tao lang din naman sila, namutla lang ng konti at nasobrahan sa eyeliner." Sabi ni Alyssa habang tinitingnan nito ang DVD cover.

"Huwag na yan." Pero kahit anong paki-usap niya ay wala na siyang nagawa ng i-insert nito ang bala sa DVD player. Paglapit nito sa kanya ay hinila kaagad niya ito sa tabi niya at sumuksok dito.

"Kala ko ba macho ka? The Grudge lang pala tiklop ka na agad." Pang-aasar nito sa kanya.

"Gusto mong layasan kita?"

Hinigpitan niya ang kapit dito ng kumawala ito sa kanya, "Bitawan mo muna ko." Natatawang sabi ni Alyssa sa kanya.

"Ayaw."

"Papatayin ko lang yung ilaw."

"Huwag mo ng patayin yung ilaw."lalo lang niyang hinigpitan ang kapit dito.

Inabot nito ang remote at pinause ang pinapanuod nila. "Ayan naka-pause na pakawalan mo muna ko, mas masarap manuod ng madilim."

Wala na siyang nagawa kundi pakawalan ito pagpatay nito ng switch ng ilaw ay dumilim kahit na maliwanag pa sa labas, makapal kasi ang kurtina kaya natatakpan ang sikat ng araw. Konting sinag lang ng araw ang nakakapasok.

Pagbalik ni Alyssa sa tabi niya ay sumuksok ulit siya rito ng i-play na nito ang movie. Umayos naman ito ng upo, itinaas nito ang mga paa sa couch at sumandal sa armrest ng couch, kinabig siya nito palapit at yumakap siya rito.

"Manuod ka ah, wag kang matutulog."bilin nito sa kanya.

"Opo, manunuod po."

Bawat scene na nakakatakot ay pumipikit lang si Dennise at sisiksik kay Alyssa, habang ito naman ay tinatawanan lang ang bawat maging reaction niya.

"That kid is cute." Biglang sabi ni Alyssa.

"Who?" nakapikit pa rin siya.

"Toshio, dumilat ka kasi." Sinuklay nito ng kamay ang buhok niya.

Pagbukas niya ng mata ang nakita niya na sinasabi nitong cute ay ang batang maputing-maputi na parang pinaliguan ng foundation na naka-upo lang sa sulok. "Anong cute dyan? Ang creepy kaya."

"Why? He's cute! Mukha lang siyang lumaklak ng isang gallon ng suka kaya naging ganyan kaputla."

Napapantastikuhang tiningnan lang niya ito.

"Gusto ko kapag nagka-anak tayo pangalan Toshio." Tumaas-taas pa ang kilay nito sa kanya.

Tiningnan niya ito ng masama, "Pwes mag-anak ka mag-isa!"inirapan niya ito at siya namang pagtingin niya sa TV screen ay ang mukha ng babae sa ilalim ng comforter ang bumulaga sa kanya.

Sa gulat niya ay napatili siya at sumubsob sa leeg ni Alyssa, kahit si Alyssa ay mukhang nagulat sa pagtili niya ng maka-recover ito sa kanya ay natatawang hinagod nito ang likod niya. "Ayaw ko na niyan."sabi niya rito na hindi pa rin umaalis sa pagsubsob niya sa leeg nito.

"Tapusin na natin, manuod ka na. Sabihin ko na lang sa'yo kapag nakakatakot na yung scene na susunod para hindi ka na magulat."

"Napanuod mo na pala bakit mo pa pinapanuod ulit?"

"Gusto ko kasing ipanuod sa'yo, maganda yan." Hinagod nito ang buhok niya, "Manuod ka na, wala ng nakakatakot na scene."

Napabuga siya ng hangin at umalis na sa pagkakasubsob niya rito at nanunuod na. Pero nakayakap pa rin siya rito at ito man ay nakayakap din ang isang braso sa kanya.

HINDI alam ni Dennise kung paano niyang natapos ang movie na iyon, halos hindi siya humihinga bawat scene at tulad din naman ng sinabi ni Alyssa bawat scene na nakakatakot ay mauuna ng sabihin ni Alyssa sa kanya kaya naman hindi na siya nagugulat o kaya naman ay napapakit na siya bago pa iyon mangyari.

"So what do you think about the movie?" tanong nito sa kanya.

"No comment."

Natawa ito sa kanya, "So payag ka ng pangalanan ng 'Toshio' magiging anak natin?"

"Yun pa rin ang sagot ko sa'yo mag-anak kang mag-isa!"

Tinawanan lang siya nito, "Manuod na lang tayo ng ibang movie. The Ring gusto mo?"

"Never mind, uuwi na lang ako." Tumayo na siya ng pigilan siya nito at hilahin paupo.

"Joke lang , here ikaw na mamili ng gusto mong mapanuod."

Kinuha niya mula rito ang mga DVDs at namili ng pwede nilang mapanuod. "Ito na lang, Black Swan."

Isinalang nito ang bala at balik sila sa dating pwesto, nakahiga silang magkatabi sa couch habang nakayakap siya rito.

HABANG nanonood ay hinahagod ni Alyssa ang buhok ni Dennise, ng mapansin niyang wala na itong imik ng silipin niya ang mukha nito ay nakapikit na ito at nakatulog, nakaunan ito sa dibdib niya.

Napangiti siya sa payapang mukha nito bago niya inayos ang pagkakahiga niya ng hindi ito nagagambala, just looking at her peaceful sleep makes her happy and contented pakiramdam niya ay nawawala ang lahat ng dalahin niya kapag nakikita at nakakasama niya si Dennise. Itinuloy na niya ang panunuod ng maramdaman din niya ang pamimigat ng talukap niya.

NANG masilip ni Lolo Nestor si Dennise at Alyssa sa entertainment room ay napangiti siya sa ayos ng dalawa, magkayakap ang mga itong natutulog at mukhang nakatulugan na ng mga ito ang pinapanuod.

Pumasok siya sa loob ng kwarto at pinatay ang TV at DVD player. Masaya siya sa nakikitang improvement ni Alyssa, kung dati ay puro paghihiganti lamang ang alam nito ngayon ay iniisip na din nito ang ibang tao at ang mararamdaman niyon at iyon ay dahil lahat kay Dennise.

Napakalaking pasalamat niya ng mapunta sa kanya si Alyssa, naging tunay na apo ang tingin at turing niya rito. Marahil ay dahil na din sa ang kaisa-isang anak niya ay maagang binawian ng buhay bago pa man siya mabigyan ng apo.

At malaking pasalamat din niya ng mapunta si Dennise kay Alyssa dahil sa ginawang pagbabago nito sa apo niya bago pa man ito tuluyang lamunin ng dilim at galit.

Nang masigurong mahimbing ang tulog ng mga ito ay masayang lumabas siya ng kwarto at hinayaan ang mga itong payapang matulog sa yakap ng isa't isa.

-----

Happy Halloween Guys! Haha 

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon