RH: Chapter 37

2.1K 62 0
                                    

TULOY-TULOY lang si Alyssa na pumasok ng conference room habang may ka-meeting ito Mike, nagulat pa ito sa kanya "Ms. Valdez, anong ginagawa mo rito? At talagang pumasok ka pa ng hindi ko binibigyan ng permiso."

She smirked, "I don't think I need a permission to enter this room, as a major stock holder and investor of this company, I have more rights in this company than you Mr. Lazaro."

"What are you talking about? I am the owner of this company!"

"Oh no you don't, to inform you habang wala kang alam sa nangyayari sa paligid mo ay palihim kong binibili ang ibang shares ng board members dito, you may not all know dahil hindi naman ako ang humaharap sa inyo, nagtataka kayo dahil masyado akong bata para dito? Don't worry mas alam ko ang pasikot-sikot sa ganitong bagay kaysa sa inyo because may grandfather is the one who trained me.

"And so, here I am, I managed to own 43% of this company while you, Mr. Lazaro only own 35%, oh let me correct that, no you own nothing why? Because that 35% belong to his daughter Dennise who happens na dinaya niya ang pirma para palabasin na ibinigay ito sa kanya ni Dennise. Here, remember this?" inilabas niya ang envelope na binigay ni Den sa kanya. "Siya nga pala, may naghihintay sayo na mga pulis sa labas ng conference room na ito paki-sama na rin ang lawyer mo na siyang tumulong sa'yo sa pag-forge ng pirma ni Den." Lumapit siya sa pintuan at binuksan iyon para makapasok ang mga pulis na siyang kasama niyang nagpunta sa lugar na iyon.

MABILIS ang mga pangyayari, nagulat na lang si Dennise na tumawag sa kanya ang Yaya Ising niya para sabihin na nakakulong ang Daddy niya at kasabay noon ay dinakip din nga mga pulis ang Tito LA niya sa kanilang lugar at dinala sa Manila para isama sa kanyang ama.

Alam niyang si Alyssa ang may kagagawan ng lahat ng iyon, sinusubukan niya itong tawagan pero hindi naman ito sumasagot sa kanya.

The next thing she knew ay nililitis na sa korte ang kaso ng ama niya, hindi niya ito sinubukang dalawin man lang habang nasa kulungan ito. Hindi niya alam kung paano ito haharapin.

"Are you okay?" tanong sa kanya ng mga kaibigan niya, pinuntahan siya ng mga ito sa kanila.

"Yes." Pilit siyang ngumiti sa mga ito.

"Have you talked to her yet? I mean kay Alyssa?" tanong ni Ella.

Umiling siya, "Ayaw niya akong kausapin and I don't know why."

"Siguro dahil na rin ayaw ka niyang madamay pa sa gulo." Pagtatanggol ni Laura dito.

"That must be the lamest excuse." Sabi ni Amy, "Kahit anong gawin niya kasama pa rin si Den dito, anak siya at wala siyang magagawa para maiba iyon."

"Well maybe it's his way of protecting her. Alam mo naman kung gaano ka-protective si Alyssa kay Den. Para sa kanya tama itong ginagawa niya, though para sa atin hindi."

Lumapit si Mia sa kanya, "You know what's the best thing na gawin mo? Talk to your Dad."

Napayukyok siya sa lamesa, sa totoo lang ay iyon na talaga ang naiisip niya, hindi pa lang niya alam kung paano siya huhugot ng lakas ng loob paraan maharap na ito. "Yes I think so too."

"Miss ko na sya." Mahinang sabi niya at marahang iniumpog ang noo sa lamesa.

"Your Dad?"

"Alysssha." She murmured

"Who?"

"Alyssa!"

"Bakit hindi mo puntahan?"

"Paano ko siyang pupuntahan eh ni hindi nga niya sinasagot ang tawag ko no."

"Then do something! Hindi yung tutunganga ka lang jan." kinutusan siya ni Ella.

"Araw ko naman! Makapanakit ka ha."

Revengeful HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon