WHEN YOU'RE HAPPY , YOU ENJOY THE MUSIC.
BUT WHEN YOU'RE SAD, YOU UNDERSTAND THE LYRICS.
******************************************************
Naomie's POV
Hello everyone! I am Naomie Sandillas. Twenty three years old from San Jose Del Monte Bulacan. Im just an ordinary girl na nagarap na magkaroon ng sariling desisyon sa buhay. Buong buhay ko ay dinidiktahan ako ng papa ko kung ano ba ang dapat kung gawin. Alam ko namang mahal niya ako kaya niya ginagawa ito pero may mga gusto ako na hindi ko magawa dahil hindi niya gusto.
Una ayaw niyang umalis ako sa poder nila kahit na nasa hustong edad ako. Kailan pa ako aalis dito? Hanggang sa mag-asawa ako at magkaanak sa kung sino mang mapipili niya ?
Pangalawa, siya ang nagdesisyon noon na kumuha ako ng business administration para gumaya sa ate ko. Dahil kailangan kong tumulong sa pagpapalago ng poultry farm namin. Kahit hindi ko gusto ay ginawa ko para sa kanya dahil ayaw ko siyang suwayin.
Pangatlo, siya rin ang nasunod kung saan ako dapat magtrabaho. Kaya hanggang ngayon ay patago pa rin ang ginagawa kong pagsulat.
Ang pagsulat ay nakahiligan ko na simula pa noong bata ako. Lagi akong nanalo sa mga kompetisyon noon sa school, mapa- essay writing man ito o novel. Kaya noong mabigyan ako ng chance na sumulat ay naging masaya ako. Natutunan ko rin kung paano mag compose ng awitin at sinuwerte na mapili ang obra ko ng ilang sikat na mang-aawit ng bansa, iyon nga lang sa alyas kong sweet lily na ang bestfriend ko si Shara lang ang nakakaalam.
Bakit sweet lily?
Simple lang kasi simula pa noon ay gustong gusto ko na ang halamang lily. Sa katunayan ay marami akong water lily sa maliit na pond namin sa likod ng bakuran namin. Lagi ngang naiinis si mommy kasi hindi na halos makita ang alaga nitong koi dahil mabilis lumaki ang mga water lily ko.
At noong college ako ay naisip kong magpatattoo ng maliit na lily sa batok ko. Para sa akin ay ito ang pagkakakilanlan ko.
Ngayon sa kasalukuyang buhay ko ay ang magandang mga komento sa aking mga ikinucompose at isinusulat ang siyang nakakapagpasaya sa akin ng lubos.
"Hey sister. Bakit late ka naman ha? At bakit ganyan ang suot mo?" tanong ni ate sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko na para bang hindi ito angkop sa bar na kinaroroonan namin.
Sabagay naman, puro naka-skirt o kaya sexy dress ang mga nakita ko sa bar at maging si ate.
Ang pagkakaiba namin ni ate ay ang pananamit. Moderno itong manamit at babaeng babae kumilos samantalang ako ay mahilig sa sneakers at maong na pantalon. At ang sabi pa ng iba ay kilos lalake daw ako. Ang iba nga napagkakamalan akong lesbian which is not true.
"Ate naman !" reklamo ko. "Buti nga pumunta pa ako. Hinanap ko si James na boyfriend nito at binati. "Happy birthday kuya!"
Agad na tumayo si kuya James at niyakap ako. "Thank you little sis." sagot niya sa akin.
Masasabi kong swerte si ate kay kuya James dahil talagang napakabait nito. Actually masasabing perfect couple ang dalawa at sa tingin ko ay hinihintay na lang ni ang proposal nito. Head over heels yata si ate kay kuya.
Naroon din si Shara na agad lumapit sa akin.
"As usual late ka na naman. Malapit na kayang matapos ang birthday party ni James!" sita sa akin ni Shara.
"Para namang may bago sa ginawa ko ha?" sagot ko sa kanya sabay kuha ng wine.
"Sabagay atleast dumating ka pa rin." wika niya ulit.
Shara is a modern girl who likes partying unlike me kaya nga di ko alam kung bakit kami nagclick bilang magbestfriend. As far as i remember ay ito lang ang pumansin sa akin nung high school ako at bagong lipat. Lahat ay tingin sa akin ay weirdo kaya walang nagtatangkang lumapit sa akin at makipagkaibigan. Siya lang.
"Sayang kanina nameet namin ang ibang musician. Diba nagkucompose ka kay Charles, yung gwapong singer?" bulong na tanong niya sakin.
Tumango ako. Hindi ko pa nameet personally si Charles Norton pero nakita ko na ito sa poster at magazine. May hitsura ito at mukhang habulin ng mga babae kaya nga laging sold out ang mga tickets tuwing concert ng banda nila.
"Andito sila. Sa may kabilang lounge lang. And ang gagwapo ng mga tao dito, kahit yung bartender oh!" wika pa niya sabay turo sa bartender.
"Guwapo nga at pihadong taken." sagot ko sa kanya ng mapansin na may katabi ang bartender na magandang tsinitang babae.
"Ay oo nga. Sayang!" sabi niya tuloy.
Kumuha ulit akong ng panibagong wine ng maubos ko ang una.
Napalingon kaming lahat sa harap ng biglang tumigil ang music. Huminto sa anumang ginagawa ang ibang naroon sa private lounge at tumingin kay kuya James na bigla na lamang lumuhod sa harap ni ate pagtigil ng kanta. Nakatuon sa dalawa ang pansin naming lahat.
"Babe, you know that im in love with you ever since i lay my eyes on you three years ago. And now all i want is to be with you forever. I may not be a perfect boyfriend to you but i will do my best to make you happy. Will you marry me Narra? Coz i want you to be my wife.' madamdaming pagpopropose ni kuya James kay ate.
Kitang kita ang pagmamahal nito sa ate ko.
Naluluha si ate na sumagot. "Oo naman babe."
"Yes!" sigaw ni kuya sa labis na saya. Binuhat pa nito si ate at niyakap.
"I love you babe." sabi pa nito kay ate
"I love you too." sagot naman ni ate.
Kasunod niyon ay ang masayang pagbati ng mga taong naroon sa kanila.
Nakangiti akong pinagmasdan sila.
Im happy for both of them. They are really for each other. Ako kaya kailan ko matatagpuan ang lalakeng para sa akin?
Para hindi mainggit ay mabilis akong bumati sa dalawa at nagpaalam. Ayaw pa sanang pumayag ng dalawa ngunit di na ako nagpapigil. Sa aking pagmamadali ay may nabunggo ako. Hindi ko gaanong nalingunan ang itsura nito at hindi na rin ako nag-abalang alamin kung sino. Sorry na lang sa kanya, kung sino man siya. Dahil kung hindi pa ako umalis ngayon ay pihadong di nila ako papayagang makaalis mamaya.
**********************************************************
Hope you'll like this story too.
:-)
Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
MY LOVE LYRICS FOR CHARLES
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch II-5 "When the words fail. Music speaks Naomie." wika ni Charles sa akin. Sinimulan niyang magtipa sa kanyang dalang gitara. Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa kilig. Its my first na haranahin ng isang l...