Heartbeat

4.3K 134 4
                                    


HOW BEAUTIFUL IS IT THAT SOMEONE

COULD MAKE YOUR HEART BEAT SO FAST

WHEN YOU DONT WANT IT TO BEAT AT ALL.

******************************************

Naomie's POV


Di ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Basta ang alam ko ay biglang bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko na nga namalayan na nakalapit na siya.

Siya nga ang lalakeng nakabangga ko sa bar.

Hinawakan ko ang aking dibdib. Bakit lalo yatang bumilis ang tibok ng aking puso?

Bagong pakiramdam na aking ipinagtataka.

Bumalik ako sa realidad nang tumikhim ito. Malaya ko nang nakikita ang gwapo nitong mukha ng siya ay ganap na makalapit sa akin.

" Hi ! Nice to see you nearer." ulit nito na wika.

"Ha?" maang kong tanong.

Napakamot ito ng batok bago nagsalita. "Ahm, hi ! By the way im Charles."

"So? " para maalis ang hiya at kaba ko ay  nagawa kong sabihin yun.

Halata ang gulat niya sa pagtataray ko.

Naramdaman ko na lang na siniko ako ni ate. Napatingin tuloy ako sa gawi ni ate.

"Dont be rude. Nagpapakilala yung tao oh." bulong ni ate sa akin. Pero obvious na narinig ng iba lalo na ng Charles na  nasa harap ko dahil napangiti ito.

Tumikhim muna ako . "Huh! Im Naomie." maikling pakilala ko sa sarili.

"Naomie." ulit niya sa pangalan ko. "Such a beautiful name." puri niya saka inilahad ang kamay.

Di ko alam kung bakit niya inilahad ang kanyang kamay . Ewan ko ba. Siguro nga tama ang bestfriend ko ng sinabi niyang 'densed ' ako. Tinitigan ko lang ang nakalahad niyang kamay at hindi ito tinanggap.

Nang mapansing wala akong balak na kunin ang kanyang kamay ay ibinaba na nito iyon.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito. "Anong bakit?" tanong niya na wari ay naguguluhan.

Napabuntong hininga ako. " Bakit ina-nounce niyo pa at bakit gusto mo este niyo akong makita?" alanganin kong tanong.

"Ahm, its just you catches my attention. " prangkang sagot niya.

Di ko alam kung likas na bolero itong kaharap ko pero ang sagot niya ay nakapagpabilis na naman sa tibok ng aking puso. Siguro nga kailangan ko ng magpakunsulta sa espesyalista. Normal pa ba itong nararamdaman ko? Bakit sa kanya ko lang nararamdaman?

" Im not into it! How did i catched your attention by the way?" balik tanong ko sa kanya.

Napasipol pa ang iba niyang kabanda habang nakikinig sa usapan namin na tila ba nasisiyahan sila sa nasasaksihan. Si ate at kuya naman ay kausap na ang manager nila.

"I find you different from others. You, particularly your shirt with that design catches my attention. " sagot  niya sabay turo sa shirt ko na may design na lily.

Nanlaki ang mata ko. Nahalata na ba niya?

Di ako nakaimik.

"She's fond of lily. Its her favorite flower." singit ni ate.

"Wow ! Thats great. Charles is really into lily's. Actually we all do." singit naman nung Hems.

"Really. So thats why." sagot ni Kuya.

MY LOVE LYRICS FOR CHARLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon