I KNOW YOU HAVEN'T MADE YOUR MIND UP YET BUT I WOULD NEVER DO WRONG. I'VE KNOWN IT FROM THE MOMENT THAT WE MET. NO DOUBT IN MY MIND WHERE YOU BELONG.
********************
Naomie's POV
"Magandang umaga manang!" bati ko sa pinakamatandang kasambahay. Nakasalubong ko ito sa may hagdan na may dala dalang bouguet ng dilaw na calla lily."Kasing ganda mo itong bulaklak ineng. Heto pinabibigay ng gwapo mong manliligaw." wika ni manang sabay abot sa akin ng bulaklak.
Napasinghap ako sa narinig. "Galing po siya dito manang?" tanong ko.
"Aba oo ineng. Pati ang mama mo binigyan ng bulaklak. Ayun tuloy ang aga nakasimangot ng papa mo." agad na sagot ni manang. Magkasabay na kaming bumaba ng hagdan.
"Nakaalis na po ba siya?" tanong ko muli.
"Oo. Umalis din siya matapos siyang kausapin ng papa mo." sagot muli ni manang.
Napakunot ako ng noo. Ano kaya ang pinag-usapan ni Charles at ni Papa?
Naabutan namin si mama na inaayos ang bulalak na malamang ay yung binigay sa kanya ni Charles. Inilalagay niya ito sa vase sa may hapagkainan.
"Ma naunahan niyo ako." sabi ko kay mama. Doon ko din sana iyon balak ilagay eh.
"Mas maige kung sa kwarto mo iyan ilagay ." sabi naman ni mama
"Bakit naman ma? Mas okay yata dito." sabi ko.
Inilapag ko muna ang hawak na bulaklak sa mesa.
"Para naman lagi mo iyang nakikita. " sabi ni mama.
"At para lagi kang mainspire. Siguradong maganda ang gising mo niyan ineng pag iyan ang lagi mong unang makikita." biro naman ni manang sabay lapag ng sandwich at gatas sa tapat ko.
"Tama ka manang. Hindi na masama na laging may dumadalaw na gwapo dito sa bahay." biro naman ni mama.
Napangiti ako. Ngumuya muna ako bago sumagot. "Naku mama, nakuha kayo agad sa bulaklak. Hehehe."
"Mukha nga. Ke gaganda ba naman ng dinadala niya ditong bulaklak tuwing umaga. Eh ang papa mo binibigyan lang ako tuwing anibersaryo namin." sabi naman ni mama.
Pinagpatuloy niya ang pagsasalansan ng bulaklak sa vase samantalang ipinagpatuloy ko naman ang pagkain. Nakagayak na akong bumaba kanina at pagkatapos mag-almusal ay pupunta na ako sa pinagsu-suplayan namin ng mga itlog.
"Ma naman alam mo namang bihirang sumpungin si papa ng pagkaromantiko eh." natatawang sabi ko.
"Oo nga eh kaya tuloy dumadami na ang puti niyng buhok. Bilisan mo nang kumain diyan at maaga yata ang delivery niyo ngayon. Tiyak na bubugnutin na naman ang papa mo pag na-late ka." utos ni mama.
Mabilis na tinapos ko ang pagkain ng mapansin ang oras. Nakakahiya naman sa kliyente namin kung male-late ako. Si ate ang dating gumagawa nito pero sa akin nakaatang ngayon dahil sinusulit yata nila ate ang kanilang honeymoon ni kuya.
Mabilis na nakapunta ako sa poultry namin. Nadatnan ko sila mang Ador na inilalagay na ang mga tray ng itlog sa L300 na delivery truck namin.
Pinanood ko sila habang tinatapos iyon habang tinitignan ang mga permit at resibo na ipapakita sa kliyente.
"Mam sakay na po kayo sa unahan. " wika ni mang Ador na naglalakad na patungo sa drivers seat.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng pagbukas ko ng pinto ng sasakyan ay makikita ko si Charles na kampanteng nakaupo. Ngiting ngiti itong nakatingin sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/43858559-288-k370045.jpg)
BINABASA MO ANG
MY LOVE LYRICS FOR CHARLES
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch II-5 "When the words fail. Music speaks Naomie." wika ni Charles sa akin. Sinimulan niyang magtipa sa kanyang dalang gitara. Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa kilig. Its my first na haranahin ng isang l...