I WANNA BE THE GUY WHO MAKES YOUR BAD DAYS BETTER; THE ONE THAT MAKES YOU SAY "MY LIFE HAS CHANGED SINCE I MET HIM."
(Johnny M.)
*********************************
Naomie's POV
"Napaaga yata ang dating mo?" agad na tanong ko kay Enrique na kumportableng nakaupo sa living room namin na ini-estima ni mama. Alas nuebe pa kasi ang usapan namin na gagala. Nagkaayaan kasi kaming pupunta sa grotto ngayon.Nakangiti itong sumagot sa akin. "Maige na yung maaga ako dahil baka magreklamo ka na naman na late ako at bigla ka na lang aalis sa inis. Mahirap pa naman kapag umusok na ang ilong mo sa galit." biro pa niya.
Natawa naman ako. Ang ayaw ko kasi sa lahat ay yung ako ang naghihintay.
"Mabuti pa ay magmeryenda ka na muna hijo." wika ni mama. Magiliw ito kay Enrique. Humarap naman na si mama sa akin. "Ikaw naman ay umakyat na sa kwarto mo at mag-ayos." utos niya sa akin.
"Opo mama." sagot ko at umakyat na sa kwarto ko.
Pagkatapos kong maligo ay mabilis akong naghanap ng maisusuot. I decided to wear a faded jeans and a white shirt. Pagkatapos magblower ng buhok ay ipinusod ko ito.
Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay tumayo na agad si Enrique sa kinauupuan niya. "I really expect that you are wearing like that you know!" aniya ng mapansin ang suot ko.
"Ano naman ang gusto mong isuot ko, dress?" pasuplada kong tanong sa kanya.
"I hope so, kaya lang siga ka maglakad eh." biro pa niya.
"Tse!"
First destination namin ay sa may grotto.
Agad kaming pumasok sa may simbahan.
"You know what?" tanong ni Enrique sa akin.
"Hindi! Di mo sinasabi sa akin eh." wika ko.
"May itim na sports car na sumusunod sa atin kanina. " aniya.
Napakunot ang noo ko. Sports car? Probinsiya ito, bihira ang may ganoong sasakyan. "Bakit naman tayo susundan?"
"Ewan! Tinted yung sasakyan , di ko alam kung sino ang nakasakay. Simula sa malapit sa bahay niyo hanggang dito sa grotto. Lets see mamaya if nagkataon lang o talagang sinusundan tayo." aniya.
Tumango ako. Lumuhod na kami at nanalangin.
Ilang minuto ang nakalipas at nagtungo naman kami sa isang sulok , nagsindi ng kandila at nanalangin na naman para sa mga prayer request namin.
"Tara libutin natin yung station of the cross." aya ni Enrique.
"Sige." agad akong sumang-ayon sa kanya.
Sa lahat ng madadaanan naming istasyon ay kumukuha kami ng larawan. Idadagdag ko ito sa mga pictures namin.
Sa mga naging ka-batch ko noon ay masasabi kong si Enrique ang isa sa pinakamasayang kasama. Di niya alintana ang pagiging weird ko diumano. Sila lamang ni Sharra ang bukod tranging tunay kong kaibigan.
"Kain na tayo. Nagugutom na ako. Di pa ako nag-aalmusal no!" aya ko sa kanya.
"Sige. Sa kubo tayo." aya niya. Sikat na kainan iyon dito sa Bulacan.
Habang bumibiyahe kami patungo sa kubo ay may napansin kami.
"There, look at the side mirror. Nakasunod na naman sa atin yung sportscar." aniya.

BINABASA MO ANG
MY LOVE LYRICS FOR CHARLES
RomansThe Billionaire's Group Series - Batch II-5 "When the words fail. Music speaks Naomie." wika ni Charles sa akin. Sinimulan niyang magtipa sa kanyang dalang gitara. Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa kilig. Its my first na haranahin ng isang l...