ALBUM RELEASED

3.6K 117 3
                                    

LUCK CAN OFTEN MEAN SIMPLY TAKING ADVANTAGE OF A SITUATION AT THE RIGHT MOMENT. IT IS POSSIBLE TO MAKE YOUR LUCK BEING ALWAYS PREPARED.

(Michael Korda)

*******************************

Charles' POV


"Hey tama na yang pag-i emote. Ito oh!" wika ni Connor sa akin sabay abot ng isang bote ng beer.

Ngumisi ako at sumagot. "Hindi ako nag i emote! Wala sa character ko yun!"

"Deny as long as you want pare." wika niya na may kasamang iling. "Mukhang nagclick na naman sa masa ang sinulat ni sweet lily ah." aniya.

Tama ito. Number one ito sa karamihan ng radio station ng bansa. Kahit saan ay maririnig ang awit namin na kalalabas lang sa market.

"Marami yatang nakakarelate sa kanta." sabi ko na lang.

"Maraming sawi sa pag-ibig? Mukha nga." aniya.

Binuksan ko ang beer at ininum. Si Connor ang madaling kausapin at hindi basta basta nagbibiro. May pagkasensitive ito sa mga bagay bagay. Matapos maubos ang isang bote ay nagbukas pa kami ulit ng isa pa hanggang sa nakarami na kami habang nanonood sa mga kasama namin sa banda na may kanya kanyang ginagawa.

"Ligawan mo na kasi ulit. Malay mo this time magkaroon ka na ng pag-asa." wika ni Connor.

"Easy to say pare. Paano kung di niya ako harapin." mahina kong sagot.

Sa totoo lang naduduwag na naman ako. Paano kung wala talagang pag-asa.

"Wala din namang mawawala kung di mo ulit susubukan. " sagot niya.

Napabuntong hininga ako ng malalim. "Marami na akong naging girlfriends, marami na akong nagustuhan , kahit nga naging kaibigan ko ay nagandahan ko pero iba itong nararamdaman ko sa kanya. At ito rin ang una kong panliligaw sa babae at nabasted ako. Masakit sa ego. Ewan! I don't fucking care kung anu-ano ang pinaggagawa ko noon pero ngayon iba na. Iba siya at hindi ko siya maalis sa sistema ko. " sa wakas ay nailabas ko na rin ang nasa loob ko.

"You really like her! " wika ni Connor. Lumagok ulit ito ng beer bago muling nagsalita. "Ligawan mo ulit. Kulitin mo! Noon bang magkasama kayo ay wala ka man lang nadamang pag-asa. Kung meron take a risk. Its better to take a risk than never. I will tell you this coz your my bandmate and also a friend." aniya. Tumingin ito sa bintana. Glass wall ng lobby ng recording studio namin kung saan tanaw ang buong siyudad. He is sad and i know it pero hindi ito palakwento. "Bago pa ako masama sa grupo ay may nakilala akong babae. She's different. Im a college student like her that time. She's very simple na siyang nagustuhan ko sa kanya. Minsan nagkaayaan kaming magpipinsan na mag-outing sa Batangas. Nagkataon na kaklase niya pala ang isang pinsan ko na babae kaya ayun nagkaroon ng time na magkalapit kami. Sa isang linggong outing namin na yun ay nagkalapit kami. We exchange numbers. Time passed from textmates ay naging best buddies kami. Naramdaman ko yun, na gusto din niya ako kaya nagbakasakali akong ligawan siya pero binasted niya ako. Di ko alam ang reason kung bakit . Im wasted that time at nakilala ko kayo. Naging miyembro ako ng banda. Lumipas ang panahon. Nagkita kami ulit. Nagkamustahan. Andun pa rin yung nararamdaman ko sa kanya. Nagbalak akong ligawan siya ulit dahil baka ngayon may pag-asa na pero nagkamali ako. Masyadong matagal na panahon na ang sinayang ko. Dahil nung huli kaming magkausap ay nakita ko siya na may buhat na baby. She's married at a mother now. Sabi nga ng pinsan ko kung niligawan ko daw siya ulit pagkagraduate niya ay baka sinagot niya ako dahil that time ay hinihintay niya pala akong bumalik dahil ready na siya. "

Hindi ko akalain na may ganito itong kwento sa buhay.

"Wag mo ng patagalin dahil baka magsisi ka. Move now hanggat hindi pa huli ang lahat. Wag kang gumaya sa akin pare." payo niya sabay tapik sa aking balikat.

MY LOVE LYRICS FOR CHARLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon