DEAR WHOEVER IS READING THIS, YOU'RE BEAUTIFUL AND SOMEONE OUT THERE IS CRAZY ABOUT YOU. SO SMILE. LIFE IS TOO SHORT TO BE UNHAPPY.
**************************
Charles' POV
"Do you think its effective?" kabadong tanong ko kay Alaina.Ngisi lang ang sinagot sa akin ni Alaina. Kumindat pa ito. "Oo naman kuya. Teka nalocate na ba ni Sander kung saan na sila?" tanong nito.
"Yes. Sa Sofitel." sagot ko. Panay pa ang hawak ko sa kwelyo ng polo ko. Im nervous. Ngayon lang nangyari sa akin ito.
"Then halika na. Date crashing diba? Mukhang mag-aanjoy ako nito ah!" sabi ni Alaina saka hinila na ako pasakay ng sasakyan. Sana lang tama tong naisip na plano ni Alina - ngayon niya patunayan yang sinasabi nilang genius mind niya sa kalokohan.
Naomie's POV
"Wow naman! Talagang galante ka ngayon Enrique ah!" sabi ko sa kaibigan. Bihira kasi itong maglibre sa ganitong mamahaling restaurant."Minsan lang to buddy." wika niya pero nakatingin pa rin sa cellphone.
"Saan na daw siya?" tanong ko sa kanya.
Ipinaghila niya muna ako ng mauupuan bago sumagot. "On the way na daw. Lagi naman siyang late. Ayaw pa kasing magpasundo." reklamo nito. "Mabuti nakatakas ka sa farm niyo." pag- iiba nito ng usapan.
"Weekend naman kaya okay lang. Tutal umalis din sila ate at kuya James. Sa condo din nila ako tutuloy mamaya." nakangiti kong sagot.
"Swerte mo -" di na naituloy ni Enrique ang sasabihin ng may bumangga sa kanya na bag. Napatingala ito sa magandang babae na humingi ng paumanhin.
"Oh Im sorry. I didn't mean to Mister?" magiliw na sabi ng babae. Pati ako ay napatulala sa ganda nito. Para itong panlaban sa miss universe. At ang nakakabelieve ay wala itong effort na make up sa mukha. Natural ang ganda.
"Thats fine Miss." wika ni Enrique.
Gusto kong matawa sa reaksiyon ng kaibigan ng makakita ng maganda. Kung nandito lang si Sharra pihadong gugustuhin nitong sapakin ang kaibigan.
"Thanks. Akala ko magagalit ka. By the way im Alaina Sabrine Thomas. And you are?" pakilala nito kay Enrique.
"Enrique San Matias." pakilala naman ng kaibigan.
"Oh hi! And you are?" napunta sa akin ang atensiyon nung babae.
"Naomie Sandillas. Hi Alaina!" nahihiyang sabi ko.
"Nice to meet you Naomie. Ang ganda mo naman." wika nung babae.
"Ang ganda mo rin Alaina. " puri ko din sa kanya.
Tumawa ito. "Actually yan din ang sabi ng kadate ko ngayon. Ay teka ayan na pala siya!" turo niya sa papalapit na lalake. "Charles!"
Sa una gulat ang naramdaman ko pero kalaunan ay nakadama ako ng galit sa lalake. Ang hinayupak na ito may paligaw ligaw pang nalalaman eh nakikipagdate pala sa iba.
"Guys. This Charles Norton. Anyway Charles this is Enrique and Naomie." pakilala ni Alaina sa amin.
Hindi ko nakitaan ng pagkagulat si Charles sa halip ay nakangisi ito. "Wow, di ko inaasahan na nandito din pala kayo Enrique and Naomie. Akalain mo yun? Parang nangyari na rin ito noon." wika nito.
"Yun bang bigla na lang tayong nagkikita sa isang kainan kapag magkasama kami ni Naomie?" prangkang sabi ni Enrique.
"Ganun na nga pare. Such a coincidence. Para tuloy akong date crasher. Hahaha." mabilis na sagot ni Charles.
BINABASA MO ANG
MY LOVE LYRICS FOR CHARLES
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch II-5 "When the words fail. Music speaks Naomie." wika ni Charles sa akin. Sinimulan niyang magtipa sa kanyang dalang gitara. Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa kilig. Its my first na haranahin ng isang l...