CAN'T LET THE MUSIC STOP, CAN'T LET THIS FEELING END, CAUSE IF I DO, IT WILL ALL BE OVER, AND I'LL NEVER SEE YOU AGAIN.
**************************
Naomie's POV
"Bakit ba ang bagal mong maglakad ngayon. See nandito na tayo. " wika ni ate sa akin."Eh yang kapatid mo naman kasi ay hindi sanay sa ganitong pagtitipon. Ewan ko ba sa batang yan!" reklamo pa ni mama.
"Hayaan mo na. Halina kayo. Mukhang marami ng tao. Baka nariyan na ang mga Architects at engineers na nakakuha ng kontrata. Nariyan na rin si kumpadre." wika ni papa.
Patamad akong sumunod sa kanila. Halata ang excitement sa mga ito dahil sisimulan na ang nakaplanong malaking public market dito sa amin.
"Wag ka ngang sumimangot. Ke ganda ganda ng ayos mo ngayon oh tapos ganyan ang aura mo, pang biyernes santo." bulong ni ate sa akin.
"Alam mo naman na hindi ako sanay magdress at mag-ayos ng ganito. Bakit naman kasi kailangan ko pang umatend sa ganito." reklamo ko.
"Hay naku tumigil ka na sa pagrereklamo at baka marinig ka ni mama, yari ka!" sabi ni ate sabay nguso sa nauunang mama namin.
Tumahimik na lamang ako.
Sinalubong kami ni tito Joaquin, ang mayor sa amin na kumpare ni papa. Katabi nito si Enrique, anak ni tito Joaquin na kababata ko.
Agad kami ni ate na nagmano kay tito.
Agad na lumapit sa akin si Enrique. "Wow! Tagal nating di nagkita buddy ah!" wika niya sa akin sabay yakap ng mahigpit.
"Sira! Noong isang buwan lang tayo huling nagkita. Kung magsalita ka parang taon na ah!" sita ko sa kanya.
"Ito naman parang namiss lang kita eh." aniya.
Kinurot ko siya sa tagiliran.
"Aray naman buddy! Ang sweet mo talaga." wika niya agad saka ako inakbayan.
"Uhmm. Tama na yan. Tena at ipapakilala ko kayo sa mga representatives ng NGC, ang nakakuha ng kontrata." wika ni tito Joaquin.
Sumunod dito lahat at huminto sa malaking mesa.
"Everyone meet Norton Group of Companies, Norton Construction firm representatives!" pakilala ni tito sa limang tao . Tumayo ang mga ito.
Napadako ang tingin ko sa pinakabata sa kanila nakatingin sa akin.
Anong ginagawa ng isang singer dito? naguguluhang tanong ko sa sarili.
"This Mr. Michael Norton, the president. " pakilala ni tito Joaquin sa mestisong lalake na tingin ko ay kaedad nila papa. "Engineer Robert Pascual, Engineer Sonny De Guzman, Engineer Roel Lina and Architect Charles Norton. Guys this is Jose and Nenita Sandillas, one of the poultry owner in this town and their childs." pakilala sa amin ni Tito Joaquin.
"Oh God! You're an architect? I can't believe it!" di makapaniwalang wika ni ate kay Charles.
Tumawa si Charles at napatingin kay ate. "Nice to see you again Narra!" sabay lahad ng kamay kay ate na agad naman tinanggap.
"Magkakilala na pala kayo!" puna ni tito Joaquin. Napatingin na rin sa kanila sila mama.
"Yes po." saglit na napahinto si ate at nag-isip.
"We bump with each other in one event. She's with her boyfriend and." wika ni Charles saka tumingin sa akin. "and with her sister Naomie."
"Yeah. Tama yun." ngiting ngiting sang- ayon ni ate.
BINABASA MO ANG
MY LOVE LYRICS FOR CHARLES
RomansThe Billionaire's Group Series - Batch II-5 "When the words fail. Music speaks Naomie." wika ni Charles sa akin. Sinimulan niyang magtipa sa kanyang dalang gitara. Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa kilig. Its my first na haranahin ng isang l...