A Date

3.6K 131 5
                                    

THE BEST DATE IS TO BE WITH SOMEONE WHO CAN TAKE YOU ANYWHERE WITHOUT TOUCHING ANYTHING BUT ONLY YOUR HEART .

**********************************

Naomie's POV


"Teka, teka! Anong date ang sinasabi mo? Di ba may usapan tayo na sa farm namin tayo pupunta? At saka susunod doon si Enrique!" naalarma kong sabi sa kanya. Naninibago din ako sa sarili ko dahil wala akong makapang galit sa ginawa niya.

"Don't worry. Babalik din naman tayo mamaya. Why don't you sleep first." balewalang sabi naman niya.

"Bakit? Anong matulog muna? Saan mo ba ako dadalhin? " tanong ko na naman.

"Somewhere . A relaxing place. " kalmadong wika niya.

"Hoy kidnapping tong ginagawa mo! Bakit ba ayaw mong sabihin kung saan mo ako dadalhin ha?" tanong ko ulit.

Tumawa ito. "Sabi mo kidnapping to eh di hindi ko sasabihin kung saan kita dadalhin."

"You're unbelievable!" i exclaim. "Ibaba mo na lang ako diyan sa tabi."

"No." mahinahon pa rin niyang sabi. "You have your cellphone in your bag. Text or call that Enrique. Sabihin mo may pinuntahan tayo para di mo siya inaalala . At para di na rin yun sumunod. Wala din naman siyang madadatnan sa farm niyo. Okay?" mahabang sabi niya.

Napabuntong hininga na lamang ako. Mabuti pang itext ko na si Enrique. Mukha din namang walang balak ito na ibalik o ibaba ako.

Matapos niyon ay hindi na ito muling nagsalita. Hindi ko na rin siya tinatanong. Wala din namang saysay dahil di rin naman ito magsasabi kung saan niya ako dadalhin.

Hanggang sa napansin kong nasa NLEX na kami. Patungong Pampanga. Nagdrive thru ito sa sa jollibee at saka nagmaneho. Hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Mahigit dalawang oras ng marating namin ang Las Casas Filipinas sa Bataan. Iginala ko ang aking paningin. Hindi ako makapaniwalang may ganitong lugar pala dito. Nakakatuwang isipin na napreserve nila ang mga lumang bahay at ginawang resort.

"Come. Lets stroll the place. Then magpahinga tayo sa may tabi ng beach." aya sa akin ni Charles. Hindi ko namalayan na nakaikot na ito at nabuksan na ang pinto ng kanyang sasakyan. Agad na tinanggap ko ang kanyang kamay.

Hawak niya ang aking kamay habang naglalakad kami papasok ng resort. Napansin ko na may gitara na ito na nakasabit sa kanyang likuran. Galing marahil sa compartment ng kanyang sasakyan. Hindi ko na namalayan dahil sa pagtingin ko sa paligid.

"Ang ganda rito." masayang wika ko sa kanya.

"Im glad you like the place." sabi niya.

"Saan mo natutunan tong lugar? " tanong ko na naglilibot ang paningin, hindi ko na inabalang tignan siya.

"My friend own this." sagot niya.

"Ang yaman naman nung friend mo!"

"Indeed. Very rich!"

"Filipino ba?"

"British-German-Filipino ."

"Wow! Ang dami niyang lahi. Ang ganda ng resort niya! Pinas na Pinas!" puri ko.

Tumawa lang ito ng mahina. Inakay niya ako patungo sa tabi ng dagat matapos maglibot sa mga lumang bahay.

Umupo kami sa may buhangin.

"Bihira lang ang tao ngayon dito sa beach oh!" puna ko. Kaunti lang kasi ang nakikita kong naliligo at naglalakad.

"Mainit pa kasi. Mayamaya yan marami na." sabi naman niya habang inilalabas ang kanyang gitara.

MY LOVE LYRICS FOR CHARLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon