SOMETIMES YOU HAVE TO STOP WORRYING, WONDERING, & DOUBTING. HAVE FAITH THAT THINGS WILL WORK OUT MAYBE NOT HOW YOU PLANNED, BUT JUST HOW ITS MEANT TO BE.
****************
Naomie's POV
Sabi nila kapag mabilis ang tibok ng iyong puso kapag kasama mo ang isang tao at para bang may mga paru- parong nagsisiliparan sa iyong tiyan kapag nakikita mo siya ay ibig sabihin ay mahal mo na siya.
At lahat ng iyon ay nararamdaman ko pag nariyan lamang si Charles.
"Hay mabuti naman at lumabas ka na ng lungga mo? Parang gusto mong mabulok sa farm niyo eh!" nagtatampong wika ni Shaira sa akin. Ilang araw ko na kasi siyang napaghihindian sa mga aya niya.
Ngayon nga ay nasa isang restaurant kami sa may Quezon City. Lumuwas ako kanina para makipagkita dito tutal Sabado naman.
"Marami lang kaming gawa sa farm nitong mga nakaraang araw. " sagot ko.
"Talaga lang ha?" aniya.
"Oo nga. Teka nga anong atin?" tanong ko sa kanya. Masyado kasi itong eager na makausap ako.
Medyo nag-alangan itong magsalita kaya naramdaman ko na may problema.
"Magsabi ka nga ha, ano bang problema mo? Wag ka ng magkaila, kilala kita. Yang pagkurap kurap ng mga mata mo alam ko yan! May ginawa ka naman no?" sita ko sa kanya.
"Grabe para kitang nanay kung magsalita." Aniya.
"Eh sa ganun naman palagi eh, tuwing ganyan ang kilos mo ay may problema ka." Dugtong ko.
"Grabe talaga ha! Basang basa ako ha!" sabi niya.
Napasulyap siya sa may labas at mayamaya ay nanlaki ang mga mata. "Hoy babaita! Totoo ba yung nakikita ko?" tanong niya sa akin bagamat di man lang humarap sa akin.
"Ang alin?" balik tanong ko sa kanya.
"Ayun oh!" may itinuro siya sa labas.
Sinundan ko ang daliri ng kamay niya kung saan nakaturo at bigla akong kinabahan.
"Diba yun yung sinakyan mo kanina. Wag mong sabihin na driver mo na ngayon si Charles!" di makapaniwalang sabi niya.
"Naku naman! Sabi ko ng wag siyang magpapakita eh. " naiinis na sabi ko.
"So si Charles nga talaga yun?" humarap na siya sa akin.
Mabilis na tinakpan ko ang bibig niya dahil sa malakas nitong pagsasalita at baka may makarinig na iba pero pinilit niya itong alisin.
"To naman masyadong halata. May binanggit ba akong apelyido niya? Wala naman diba?" aniya.
"Kahit na no! Baka may iba pang makaalam." saway ko sa kanya.
"Akin na yang cellphone mo!" aniya sabay dampot sa cellphone ko na nasa tabi ko.
Sadyang mabilis ito kaya di ko na siya nasaway. May pinindot ito doon parang nagdadial.
Nagulat ako ng tinawagan nito si Charles at pinapasok niya dito sa restaurant. Kinabahan ako sa ginawa niya.
Hindi na ako nagulat ng mayamaya ay pumasok na nga at lumapit na sa amin si Charles. Naka-wig ito saka may suot na cap. Hindi na siya agad agad na makikilala.
"Abay kita mo na. Grabe na ang panunuyo mo dito sa pakipot kong bestfriend Charles." wika niya kay Charles saka ito pinaupo sa tabi namin.
"Gagawin ko ang lahat makamit lang ang matamis niyang OO." wika naman ni Charles saka kumindat sa akin.
BINABASA MO ANG
MY LOVE LYRICS FOR CHARLES
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch II-5 "When the words fail. Music speaks Naomie." wika ni Charles sa akin. Sinimulan niyang magtipa sa kanyang dalang gitara. Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa kilig. Its my first na haranahin ng isang l...