The old way

3.2K 133 15
                                    

COURTING IS A MUCH SWEETER TERM THAN DATING. IT SOUNDS LIKE IF HAS MORE INTENT, MORE LIKE AN AGREEMENT THAT THE TWO PEOPLE ENTER INTO WITH A FUTURE IN MIND.

****************************

Naomie's POV


"Napapansin ko yata na napapadalas ang alis mo ng bahay kasama ang arkitektong iyon?" tanong ni mama habang kami ay nagtatanghalian. Napalunok ako sa narinig.

Bago pa ako makasagot ay nagsalita na si ate. "Mama, hayaan mo na, ngayon lang naman naglalabas itong si bunso. " sabay kindat niya sa akin.

Naiiling tuloy akong tumingin dito.

"Nanliligaw ba siya sa iyo anak?" seryosong tanong ni papa sa akin.

Tuwing sasagot ako ay may humahadlang.

Pumasok si manang Let sa komedor. "Ah ser, may naghahanap po kay Naomie. Charles daw po ang pangalan."

Bigla akong kinabahan sa narinig. Anong ginagawa niya dito?

"Manang papasukin mo. Patuluyin mo dito sa komedor." utos ni papa.

Ilang minuto lang ay nasa bungad na nang komedor si manang katabi si Charles.

"Magandang tanghali po!" magalang na bati ni Charles sa lahat. Ngiting ngiti ito. Ang magkabilaang kamay nito ay may bitbit na bilao.  "Para po sa inyo. Pagpasensiyahan niyo po ang dala ko." saka ito tumingin sa akin. "Hi Naomie!"

Umirap lang ako. Ano na lang ang sasabihin ni papa at mama?

"Maupo ka hijo. " utos ni papa dito. Agad namang sumunod si Charles at umupo sa tapat ko.

Kinuha nila manang yung dala ni Charles at inihain sa mesa.

"Nag-abala ka pa hijo. Maraming salamat dito." wika ni mama pero may seryosong ayos.

"Walang anuman po." sagot ni Charles.

Pinakatitigan ko si Charles na focus sa pakikipag- usap sa mga magulang ko.

"Hmmmm.... Matanong nga kita hijo." sabi ni papa.

"Sige po sir!" wika agad ni Charles.

"Ikaw ba ay nanliligaw sa bunso kong anak?" seryosong tanong ni papa.

Napakagat ako ng aking ibabang labi dahil sa kaba. Hinintay kong makasagot si Charles.

"Opo sir! Ang totoo po niyan ay kaya ako naparito ay para po humingi ng permiso sa inyo na ligawan si Naomie. I really like your daughter sir!" pag-amin ni Charles kay papa.

Ilang minuto ang lumipas ay hindi pa nagsasalita si papa. Panay ang tingin namin nila mama dito. Halos hindi na nga ako makasubo dahil sa paghihintay ng sasabihin niya. Papayag kaya si papa?

"Gusto mo ang anak ko? Anong mapapala ng bunso ko sayo?" seryosong tanong ni papa.

Nanikip ang dibdib ko. Ayaw yata ni papa!

"Sir, when i said i like her that means i will do my best for her. I wanna be a man for her. Not just a man but a good man for her. And i hope she will like me too. "

Bumilis ang tibok ng puso ko sa sagot ni Charles.

Naghintay kami ulit ng sasabihin ni papa.

"And hijo courting her also means courting us right?"  tanong ni papa.

Akala ko ba si mama ang mahigpit, eh bakit parang mas malala pa si papa? Di naman niya ginawa yan nung si kuya James ang nanliligaw kay ate ah? tanong ko sa sarili.

"Opo sir." mabilis na sagot ni Charles.

"Thats good. After this sasama ka sa akin sa farm." seryosong sabi ni papa.

Laglag ang panga namin nila ate sa narinig.

"Papa!" mabilis na tutol ko.

"May problema ba bunso? Kung ayaw mong pasamahin itong lalake ibig sabihion ayaw mo siyang ligawan ka!" wika ni papa sa akin.

"Wag ka ng umangal bunso." bulong ni ate sa akin.

Napatingin ako kay Charles pero nginitian lamang niya ako at ina-assure na okay lang.

"Sir sasama po ako sa inyo." wika ni Charles kay papa.

"Mabuti." tipid na sabi ni papa.

"Naku ang mabuti pa ay ipagpatuloy na natin ang pagkain." wika ni mama.

"Hoy Charles. Kumain ka ng marami. Mukhang mapapalaban ka mamaya." wika ni ate kay Charles ng mahina.

Pati ako ay natawa.

Kumain nga ng marami si Charles. Pero napansin ko ay panakaw na titig niya sa akin. Di naman kasi ito umiiwas ng tingin.


Charles' POV

Bagamat inaasahan ko na na pahihirapan ako ang papa ni Naomie ay nanibago pa rin ako. Hindi ko naman kasi akalain na pagbubuhatin niya ako ng sako ng pagkain ng mga manok. Tumulong ako sa mga tauhan nila sa pagbubuhat ng sako sakong feeds patungo sa imbakan. At matapos niyon ay tumulong pa ako sa pagkakatay ng mga manok, pangungulekta ng mga itlog at paglilinis ng mga kulungan.

"Ano hijo kaya pa?" tanong ng papa ni Naomie.

"Opo sir." agad na sabi ko.

"Papa naman eh." reklamo ni Naomie na naroon na rin pala. Iniabot nito ang puting damit sa akin. "Magdamit ka nga, wag mong ipangalandakan yang katawan mo!" sabi niya sa akin.

Kanina ko pa kasi napapansin na marami sa mga tauhan nila na babae na napapatingin sa akin na hindi ko pinapansin.

Kinuha ko yung damit at isinuot.

"Bakit kasi hubad baro ka!" reklamo pa ni Naomie. I find it sexy when she's pouting.

"Ang ganda mong magpout!" sabi ko sa kanya.

"Tse!" pasimangot niyang sabi.

"Hmmm.... tama bang magligawan kayo sa harap ko?" sita ng papa niya.

Napatayo ako agad ng tuwid. Si Naomie naman ay umiwas.

Ipinagpatuloy ko na ang pagtulong sa paglalagay ng mga itlog na nalinisan sa mga tray pero panaka naka pa rin akong sumusulyap kay Naomie na busy sa inventory.

Kahit nakakapagod ay feeling ko worth it itong ginagawa.

"Hay, sino ang mag-aakala na ang sikat na singer na isa rin palang architect ay magiging tauhan namin dito." biro ni Narra, ate ni Naomie.

Nginitian ko ito. "Oo nga eh."

Lumapit pa siya sa akin. "May tip ako sayo. Pero atin atin lang ha. Wag mong sabihin kay bunso na sinabi ko sayo ha. Boto kasi ako sayo eh."

Napangiti ako lalo sa sinabi niya.

"May lakad sina Enrique at Bunso bukas. Magkikita sila sa Manila. Make your move!" bulong ni Narra.

"Thanks sa info." agad na sabi ko sa kanya.

Lumayo agad sa tabi ko si Narra.

Napaisip ako. Kaya pala ayaw ni Naomie na magkita kami bukas kasi may lakad sila ng Enriqueng iyon! The hell i care. Date crashing na naman!

Napasulyap ulit ako kay Naomie. No one will have a good date with you hanggat nandito ako. Para saan pa at naging Charles Norton ako! I can do everything and i will be your everything Naomie! paniniyak ko sa sarili.

Isang matamis na ngiti ang nangibabaw sa aking mukha.


*************************

Thank you sa votes : 

Yongann, AnotherRomatic, mamaedz, petrisha, AlmaMallari, teena1208, ReenaJeannTemperatur, Vienesaperalta, meamaria, kyleyannah


 


 


 


 

MY LOVE LYRICS FOR CHARLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon