Make You Mine (Part 1)

3.7K 140 5
                                    

BEFORE YOU EVER CAME ALONG I WAS LIVING LIFE ALL WRONG. THE SMARTEST THING I EVER DID WAS MAKE YOU ALL MINE.

(Eli Young Band)

****************************

Naomie's POV

"Magandang umaga po sa inyong lahat!"

Napalingon ako sa may pintuan ng marinig ang boses na iyon. Hindi ko inaasahan na babalik siya dito sa bahay ng ganito kaaga. Pero may bahagi sa aking puso ang nasiyahan. Napako ang tingin ko sa kanyang mukha na deretsong nakatingin sa aking mama. Ilang segundo lang ang lumipas at nagtagpo na rin sa wakas ang aming paningin.

Kabado akong binigyan siya ng tipid na ngiti.

"Parine ka. Nagbalik ka nga talaga hijo." wika ni mama. Inanyayahan si Charles na maupo.

Tila lumiit ang aming sala sa tensiyon na aking nararamdaman. Alam kong panay ang tingin niya sa gawi ko habang kinakausap si mama.

"Para po sa inyo mam." wika ni Charles saka ibinigay ang bouquet ng pulang roses kay mama.

"Salamat hijo. Nag-abala ka pa." wika ni mama na may tipid na ngiti.

"Wala pong anuman mam." sagot ni Charles kay mama saka tumayo at lumapit sa akin. "Para sayo Naomie. Sana ay tanggapin mo." iniabot niya ang bouquet ng calla lily.

Napatingin ako sa mga bulaklak. Sino ba naman ang tatanggi sa magagandang bulaklak na ito at lalo pa at isa ito sa mga paborito kong lily. Tinanggap ko iyon . "Salamat." sabi ko sa kanya.

Bumalik na ito sa dating inupuan katapat ni mama.

Tunay ngang nabighani ako sa mga bulaklak ng calla lily na ibinigay niya. Hindi ko rin maiwasan na ito ay amuyin.

"Naparito ka upang ano hijo?" tanong ni mama kay Charles.

"Mam nais ko po sanang ligawan muli ang inyong anak na si Naomie. Sa ikalawang pagkakataon." mabilis na sagot ni Charles.

"Dahil kahapon ay nagpaalam ka na sa asawa ko ay sa tingin ko ay si Naomie na ang bahala kung tatanggapin niya ang panliligaw mo. Iiwan ko muna kayong dalawa dito para makapag-usap." wika ni mama. Tumingin siya sa akin. "Ikaw na ang bahala sa bisita mo." aniya sa akin bago lumayo buhat ang bulaklak.

Pagkaalis ni mama ay mabilis na lumipat si Charles sa tabi ko. Napansin ko pa ang na medyo tense  din siya tulad ko. Mukha siyang kinakabahan.

"Wag kang masyadong lumapit at baka nariyan lang si mama sa tabi." mahina kong sabi sa kanya.

Napabuntong hininga siya na tila ba narelief sa sinabi ko. "Wow! I thought galit ka dahil nagpakita ako ulit."

Napakunot ang noo ko. "Bakit naman ako magagalit sayo ?"

"Kasi nandito na naman ako para manligaw kahit binasted mo na ako." ngayon ay halata na ang kanyang kaba.

Napatingin ako sa kanya. Kagat niya ang pang-ibabang labi. Tila nakaramdam ako ng pag-iinit. Kahit sa simpleng gawi nito ay naaakit niya ako.

"Medyo awkward nga ngayong magkausap tayo eh. Sigurado ka bang liligawan mo ulit ako?" tanong ko sa kanya.

Napahawak ito sa batok na tila ba nahihiya.

"Oo. I really wanna court you again if you will allow me." aniya.

"Paamo kung ayaw ko na ligawan mo ako?" matiim ko siyang tinitigan.

"Naomie even though you dont want me to court you. I'll do everything to make you mine. Even if it takes a lot of time. I really do like you. More than like. I really want you to be my girl." seryoso niyang sabi sa akin.

MY LOVE LYRICS FOR CHARLESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon