KUMATOK KA SA PUSO KO, PINATULOY KITA PERO KINUHA MO ANG SUSI NITO AT UMALIS KA NA LANG BIGLA. TANONG KO LANG, "BABALIK KA PA BA?" ,. DI NA KASI MABUKSAN NG IBA.
*****************************
Naomie's POV
"Anak napapansin ko na napapadalas ang punta mo ng siyudad?" tanong sa akin ni mama habang kami ay naghahapunan.
Napatingin ako sa kanya.
"Ano ba ang pinagkakaabalahan mo sa Maynila bunso?" tanong naman ni papa.
Nalipat naman ang tingin ko kay papa. Seryoso silang nagtatanong sa akin. "Noong nakarang weekends po ay pinasyalan namin yung kaibigan ni Charles na naospital. Tapos nitong nakaraan naman po ay sumama ako sa isang concert niya." tapat na sagot ko.
"Bunso napapadalas na yata ang pagsasama niyo ng Charles na iyon ah!" wika ni mama. "Pa, hindi ba?" kumpirma niya kay papa.
Kinakabahan ako sa takbo ng usapan. Wala pa kasing development kung payag ang mga magulang ko kay Charles sa panliligaw nito.
"Napapansin ko rin iyon. Sa amin okay lang na magsasama ka kina Enrique at Shaira dahil kilala na namin sila. Matagal mo na silang kaibigan at kilala namin ang mga magulang nila. Gayun din kung magsasama ka sa ate mo at kuya James." wika naman ni papa.
"Pa, ma ! Mababait po sila Charles pati ang mga kaibigan niya ay itinuring na rin akong kaibigan. " sagot ko.
"Hindi naman sa hindi kami pabor sa Charles na iyon pero hindi naman lingid sa lahat na isa siya sa mga mapaglarong lalake ayon sa bali-balita. " pahayag ni mama.
Laman naman kasi talaga ng pahayagan lagi si Charles at ang mga kabanda niya. Dahil na rin siguro sa taglay nilang kagwapuhan ay maraming babae ang nagkakagusto sa kanila. Marami din ang nali-link sa kanila na mga sikat kaya hindi maiwasan na bansagan silang playboy. Pero hindi naman iyon ang tingin ko kay Charles sa loob ng ilang panahaon na magkasama kami. Feeling ko nga ang swerte ko dahil niligawan ako ng isang tulad niya.
"Bunso hindi rin tayo katulad nila na mayaman talaga. At mahirap pumasok sa mundo niya. Isa siyang celebrity kung ituring sa ating lipuna anak. Sana isipin mo yan anak." dugtong pa ni mama.
"Tama ang iyong mama bunso. Pag-isipan mo ang lahat. Nakausap ko na ang ate at kuya mo James na isama ka na muna sa kanila sa pagpeprepara ng kasal nila sa susunod na lingo." wika naman ni papa.
"Bukas sumama ka na sa kanila sa tagaytay. Tumulong ka sa kanilang kasal." wika naman ni mama
"Pero ma, pa !" tutol ko.
"Wala ng pero pero. "wika ni papa.
Wala na akong nagawa kundi sumama kina ate sa pagpeprepare ng kasal nila sa tagaytay.
Panay ang tunog ng aking cellphone at tiyak kong si Charles na naman iyon. Panay ang text o kaya naman ay tawag niya sa akin na hindi ko sinasagot. Gusto ko munang alisin siya sa sistema ko. Simula kasi ng magkakilala kami ay nawawala na ako sa focus. Nakakalimutan ko na rin ang mga nakaatang sa akin na trabaho. Wala pa akong naku- compose na lyrics. Inspired ako dahil sa kanya pero wala ako sa focus.
Napapatingin ako kina ate na busy sa pakikipag-usap sa wedding planner nila.
Sandali akong nagpaalam sa kanila na lalabas sandali.
"Hi !"
Ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng biglang lumitaw si Charles sa aking harapan.
"Anong ginagawa mo rito?" agad na tanong ko sa kanya. Anong ginagawa ng isang tulad niya dito sa tagaytay?
"Hindi mo kasi sinasagot ang mga message ko simula pa kahapon kaya kita pinuntahan dito. Baka kasi namiss mo na ako." pabiro niyang sagot sa akin.
Pinagtitinginan siya ng ibang tao na napaparaan sa tapat namin. Iba talaga kapag sikat.
"Paano mo nalamang nandito ako?" tanong ko sa kanya saka naglakad patungo sa medyo tagong lugar ng resort. Yung lugar na kaunti lamang ang makakakita sa amin na magkausap.
Sumusunod lamang siya sa akin hanggang sa mapunta kami sa may deck.
"Tinawagan ko si Narrah." sagot niya.
So si ate pala ang nagsabi sa kanya kung nasaan ako.
"Hindi ka pwedeng magpunta dito ng basta basta na lang." sabi ko sa kanya.
"Bakit naman?" maang na tanong niya.
"Dahil iyon ang dapat. At saka ano naman ang gagawin mo dito?" tanong ko sa kanya. Nag-iwas ako ng tingin. Ayaw mapatagal ang pagsulyap ko sa kanyang mukha.
"Huh? Naka-oo na kaya ako kay Narrah at James na kakanta kami sa kasal nila. At saka invited kami sa kasal nila so, pwede akong pumunta dito. Besides its my friends resort. Walang nagbabawal sa akin . At mas lalo na dahil gusto kitang makita." sabi niya.
Lalo akong nag-iwas ng tingin sa kanya.
Marahil napansin niya iyon kaya hinuli niya ang braso ko.
"May problema ba tayo Naomie? Galit ka ba sa akin?" magkasunod na tanong niya sa akin.
Umiling ako.
"I dont think so. I know it! I feel it. Tell me why? You are avoiding me. You're not answering my calls and texts. And now you dont want me here , right Naomie?" seryoso na ang boses niya na nagtatanong sa akin.
"Charles !" Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Totoo naman kasing iniiwasan ko siya. Gusto kong mag-isip. Babalik pa ba sa dati ang lahat sa akin kapag wala siya sa buhay ko o masasaktan ako? Tama lang ba na makinig ako kina mama?
"You know that im courting you Naomie. How can i do that if i wont see you?" tanong niya sa akin. Napapahigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Charles please lets not see each other for a while." wika ko sa kanya.
Naguguluhan ang mga mata niya na nakakatitig sa akin. "You dont want to see me?"
Hindi ako nakasagot. Sa puso ko gusto ko siyang makita pero ang isip ko ay hindi.
"Hindi pa nga nagiging tayo ay space na ang hinihingi mo." Frustrated na sabi niya.
"Charles bago lang itong lahat sa akin. Gusto ko munang mag-isip. Nakakatakot itong bagong mundo na ipinapakita mo sa akin kung saan ka involve." tapat na sabi ko sa kanya.
"Naomie are telling me that im busted? " pagkukumpirma niya.
Dahan dahan akong tumango.
"Im sorry Charles." mabilis na sabi ko sa kanya saka mabilis na umalis. Ayaw ko ng makita ang malungkot niyang mukha.
Iniwan ko na siyang nakatingin sa kawalan.
Tama ba ang ginawa ko? Kung hindi iyon ang isasagot ko sa kanya ay hindi pa rin siya titigil sa pag-alam ng nasa isip ko. He is the most persistent man i ever met.
**************************
Thank you for voting guys:
LovskieLove , lovemete , maeloiixha, AileenAlabanApolimar, leif_francie23 , joycoloma3, hazelannehermoso
BINABASA MO ANG
MY LOVE LYRICS FOR CHARLES
RomanceThe Billionaire's Group Series - Batch II-5 "When the words fail. Music speaks Naomie." wika ni Charles sa akin. Sinimulan niyang magtipa sa kanyang dalang gitara. Pinipigilan ko ang sarili na mapangiti sa kilig. Its my first na haranahin ng isang l...